Kabanata 1

1.4K 32 8
                                    

Shey's P. O. V

Napabangon namam ako bigla at kinusot-kusot ang mga mata ko nang narinig ko ang ringtone ng cellphone ko.

Bwisit naman 'to eh. Ang aga-aga nambubulabog ang bwisit na tao na'to.

Tiningnan ko kung sino yung caller at napapokerface na lang ako sa katangahan ng asungot kong kuya.

"Oh kuya?! Ano na naman ba ang trip mo?! Nagsasayang ka lang ng load alam mo 'yon? Pwede ka namang pumunta na lang sa kuwarto ko keysa tumawag. Isang metro lang naman ang pagitan ng kuwarto natin!"

"Hoy babae bago ka mag sa-"

"Teka! Patapusin mo muna ako! Alam mo bang ilang tao ang maililigtas mo kapag tinipid mo ang load mo? Pwede ka nang makapag-aral ng sampung bata na walang pera para makapagaral at-"

"Pumunta ka na rito sa kotse within 15 minutes kung ayaw mong maglakad papunta sa eskwelahan! At wala na ako sa kuwarto ko kaya bilis bilisan mo na!" Ginalit ko ata si Kuya. Lagot.

15 minutes? Dali-dali akong bumangon sa napakalambot at napakamamahal kong kama at pumasok na sa Cr at ginawa na ang morning rituals ko.

Pakatapos kong gawin ang morning rituals ko ay bumaba na rin naman ako kaagad at dali-daling pumunta sa loob ng kotse ni Kuya. Mahirap na, ayokong lumakad papunta sa ekwelahan. Masasayang ang natatago kong kagandahan na dapat manatili na lang na nakatago.

"10 minutes late ka, kinausap mo na naman ba ang sarili mo sa salamin?" tanong ni kuya Shaun habang binibigyan ako ng suspicious look na parang may ginawa akong mali.

"Ano ba, Kuya. Matagal ko na 'yang hininto 'no. Mag move-on ka na nga masakit kaya kapag 'di ka pa nakapag move-on. Pero sabagay, 'di naman kita masisisi. Mahirap talagang mag move-on lalo na kapag nasaktan ka ng sobra. Palagi na itong nakatatak sa isipan at puso mo. Ang hirap makalimutan."

"Lumalablayp ka na ba, Sheyrylle?! Ang bata-bata mo pa pero humuhugot ka na kaagad!" Panira naman 'to ng moment eh. Nando'n na eh. Feeling ko nasa k-drama na ako pero sadyang epal talaga ang isang 'to.

"Ate Shey! Huwag kang magpapakamatay! Huwag kang humugot! Tama si Kuya, bata ka pa. Hahanap tayo ng solusyon diyan sa problema mo. Nandito lang kami para sa'yo. 'Di ka namin iiwan!...promise. We heart you- aray naman Ate Shey!"

Bwisit na bata na'to. Parehas talaga silang abno ng kuya ko. Binatukan ko nga, ang sakit nilang dalawa sa bangs, kahit wala naman talaga akong bangs. Nakakahaggard tuloy.

"'Di ako magpapakamatay. Ibang hugot ang pinag-uusapan namin, at bakit ka ba nandito, Andrei?! May klase ka ba?" tanong ko dito sa pinsan ko, palagi kasing tumatambay 'yan dito sa bahay since malapit lang naman ang bahay nila sa amin. Ang astig, diba? Ginagawa niyang tambayan ang bahay namin? Galing. Pwede ng bigyan ng award na ang title ay 'pinakawalangyang tao'.

"Wala, Ate. Ano ba naman 'yan, huwag ka ngang sumigaw. Masyado akong gwapo para sigawan lang. Bahala na nga kayo diyan. Kakain na nga lang ako ng chocolate," sabi niya at nagsimula nang lumakad papasok sa bahay namin. Napakawalanghiya talaga.

"Hoy, Andrei! Huwag mong uubusin ang chocolate ko! Papatayin kita kapag ginawa mo 'yon!" Isa rin 'tong Kuya na'to. Akala ko pa naman tumino na ang isang 'to dahil 19 years old na siya. 'Di man lang nag-mature kahit kaunti.

"Tama na nga 'yan, Kuya. Pumunta na tayo sa school, mallate pa tayo sa kakagawan mo eh," reklamo ko, gusto ko na kasing makapunta sa school, baka mahawaan pa ako ng kaabnoan ng dalawang 'to. Mahirap na.

"Nako. Tara na nga! Bibili na lang ako ng isang box ng chocolate. Bwisit na Andrei na 'yon. Sasakalin ko na talaga 'yon," sabi niya at nagsimula nang magdrive. Obsessed talaga ang isang 'to sa chocolate.

Bumyahe na kami papunta sa school. Daldal lang nang daldal si Kuya Shaun tapos 'di ko naman siya maintindihan kaya shut up na lang ako at tango nang tango. Nakakapagod din makinig eh, lalo na kapag wala kwenta ang kausap mo.

° ° °

"Mag-ingat ka, kapag 'di ka nag-ingat, patay ka sa akin," sabi ni Kuya sabay gulo ng buhok ko at umalis na. Abno talaga ang isang 'yon. Magsasabi na nga lang sa akin ng 'ingat' gagawin pang brutal at ginawa pa talaga akong aso. Mahirap kaya mag-ayos ng buhok.

Lumakad na lang ako papunta sa classroom dahil wala naman akong mapapala kung nando'n lang ako sa parking lot.

"Shey!" 'Yan si Jas, ang drummer namin. Siya ang nakakasundo ko sa mga kalokohan ko rito.

"Shey, may sasabihin kami. Dali." 'Yan naman si Icia, keyboardist namin. Makulit rin pero siya ang pinakainosente sa aming apat, para kasing walang kaalam-alam 'yan sa mga bagay bagay eh. 'Di niya pa nga naranasang sumakay ng jeep.

"Teka muna, ilalagay ko muna 'tong bag ko sa loob," sabi ko, pero itong dalawa na'to ay ayaw pa rin akong bitawan. Ang kulit talaga. Pare-pareho lang kami. Kaya lagi kaming napapagalitan eh.

Napatigil naman ako bigla nang may naramdaman akong masakit sa aking batok.

"Aray!" sabay sabay na sigaw naming tatlo.

"Bilisan niyo na nga. Bitawan niyo na si Shey! Dapat sabay sabay tayong magsasabi." Ayan si Azu, sorry for using the word pero siya talaga ang pinakabrutal sa amin.

"Eh bakit kasali ako? Sila lang naman ang nakakapagpatagal sa akin eh! Dapat silang dalawa lang naman ang binatukan mo!" reklamo ko, tama naman ako diba? Asan ang karapatan ko bilang tao? Human rights. Inosente akong tao.

"Okay na 'yan. Diba all for one, one for all ang tema nating apat? Kaya kung binatukan ko sina Icia at Jas dapat ikaw din." Ang daya talaga ng amazonang babae na to. Napaka-unfair.

"E 'di dapat may batok ka rin! All for one, one for all nga eh!" sabi naming tatlo, pare-pareho kasi kaming ipinapaglaban ang karapatan naming pantao eh. Ang unfair naman kasi ng isang 'to.

"Bahala kayo. Ako pa rin ang pinakamatanda rito kaya bilisan niyo na lang." Ang sama talaga. Binitawan na rin ako nina Icia at Jas kaya nakalaya na rin ako at pumasok na sa room at nilagay ang bag ko at lumabas ulit, sa labas kaming apat magdadaldalan dahil baka maistorbo namin ang mga classmate naming ang sisipag mag aral, hindi katulad namin.

"Oh ano na? Bilisan niyo na baka dumating na si Ma'am," sabi ko sa kanila, humarap naman silang tatlo sa akin at ngumiti ng napakalapad at huminga ng malalim sabay sigaw ng napakalakas.

"Napili tayong mag-perform para sa mga transferees!"

Potek?


Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon