Haley Stanford
Shey's P.O.V
"Shey...are you okey? Are you doing fine?", napatingin naman ako kay Tita Leila nang tinanong niya ako. Napatango naman ako at tumango na lamang bilang sagot
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyaring insedente, nagusap usap na sa sina Mama, Tita Leila at Papa. Nagkasunduan na rin sila sa mga bagay bagay. Mabuti na lang at unti unti ng naaayos ang pamilya ko at masaya ako dahil dito
"Ma, punta muna po ako kay Clyde", pag papaalam ko kay Mama, andito kasi kami sa backyard ng bahay nina Lemuel, mag cecelebrate raw kami sa pagbalik nina Tita Leila at Kuya Leion
"Pero kakapunta mo lang duon kahapon Shey, magpahinga ka muna kaya?", suggest naman ni Kuya Shaun, ngumiti naman ako at umiling. Di naman ako pagod eh, at hinding hindi ako mapapagod, lalo na kung involved dito si Clyde.
"Its okey. Nagpapahinga naman ako duon eh", sabi ko naman. Nakita kong magsasalita pa sana si Kuya pero di niya na ito natuloy dahil nagsalita na si Mama
"Okey lang yan Shaun, hayaan mo na ang kapatid mo, dalaga na siya", sagot ni Mama, napangiti naman ako nang nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Kuya
"Ill drive", sabi ni Lemuel at tumayo na, tumango naman ako at nagsimula na nga kaming lumakad papunta sa kotse ni Lemuel, pumasok na rin kaming dalawa sa loob
"Shey", tawag niya saakin, tumingin naman ako sakaniya
"Hm?", i replied
"Mahal mo ba talaga si Clyde?", tanong niya saakin. Napatigil naman ako dahil sa tanong niya at tumungo
Alam kong mahirap ang sitwasyon naming dalawa ni Clyde lalo na ngayon na may malubhang sakit siya, pero pinipilit ko parin na maging matatag. Pinanghahawakan ko parin yung mga sinabi niya nung isang linggo. Maghihintay ako kahit umabot pa ang paghintay ko ng ilang taon.
Tumingala naman ako at tsaka tiningnan siya ng diretso sakaniyang mga mata
"Sobra Lemuel. Mahal ko siya ng sobra sobra", sabi ko habang may mga ngiting nakapinta sa aking mga labi. Napatingin siya saakin at ngumiti tsaka uli ibinalik ang kaniyang tingin sa dinadaanan namin
"He's a great guy Shey", he commented
"I know", sabi ko habang nakangisi
"Pero tarantado minsan", dagdag niya pa, natawa naman ako ng kaunti at tumango tango. Totoong totoo kasi ang sinabi ni Lemuel. Tarantado talaga kasi si Clyde minsan pero kahit ganun yun, hindi mababago nun ang punto ko na mahal ko talaga siya, mahal na mahal. Kahit na minsan ay nasasaktan niya na ako, naiintindihan ko naman iyon. Ang lahat na bagay na ginagawa niya ay may malalim na dahilan, mga dahilan na di mo inaakalang mangyayari at tsaka mo na lang maiisip na tama nga talaga si Clyde, na tama ang mga nais niya sa buhay
"Diba magkakaroon kayo ng concert next week?", tanong niya saakin. Napangiti naman ako ng malawak
"Yup!", sagot ko sakaniyang tanong
"Mabuti nga at nanalo kayo sa battle of the bands, dahil kung hindi... Baka umiiyak at nag mumukmok ka parin ngayon", tiningnan ko naman ng masama si Lemuel dahil sa sinabi niya, natawa naman siya ng kaunti
"Biro lang kapatid",ang sama talaga ng mga kapatid ko saakin. OA naman ata kung iiyak at mag mumukmok pa ako hanggang ngayon kung sakaling di kami nanalo sa Battle of the Bands. Malulungkot lang naman
"Dahil diyan, ililibre mo ko mamaya ng Fries", sabi ko, kumunot naman ang noo ni Lemuel dahil dito
"Why would I?", tanong niya habang nakataas pa ang isang kilay. Nagkaroon naman ng napakalawak na ngisi sa aking labi
"Dahil kung hindi, sasabihin ko kay Kuya Leion at kay Kuya Shaun na minsan kang nagkagusto sa kaibigan kong si Icia", sigaw ko, namilog naman ang mga mata ni Lemuel at dali daling hininto ang sasakyan. Ipinaandar niya naman ito kaagad
"Subukan mo lang! Dati pa naman yun!", sigaw niya. Napahalakhak naman ako ng todo, masaya talagang panuorin si Lemuel kapag galit na galit siya. Para siyang sasabog na matatae na ewan, kaya imbes na matakot ako sakaniya ay pipiliin ko na lang ang matawa
"Kaya nga. Kahit sabihin na natin na dati pa yun, nagustuhan mo parin siya. Ang astig mo kayang asar asarin",sabi ko habang nakangisi parin. Inikutan niya naman ako ng mata, natawa na lang ako dahil dito
"Dapat di ko na lang hinayaan na pumasok ka sa kuwarto ko eh. Napaka pakealamera ng babaeng to", sabi niya na may bahid na inis sakaniyang tono. Ang saya talagang inisin ng isang to
"Eh kaibigan ko kaya si Icia, kaya may karapatan akong malaman kung sino ang nagkakagusto sakaniya and FYI, kapatid din kita kaya may karapatan din ako na malaman kung sino ang nagugustuhan mo. In short, wala ka ng magagawa pa kapatid ko", pag eexplain ko sakaniya habang pinigpigilan ang aking tawa
"Tsk. Oo na. Ililibre na kita ng napakaraming fries", sabi niya at tsaka bumuntong hininga. Natawa naman ako at tumango. Nagwagi nanaman ako sa usapan namin.
"Salamat kapatid. Wabyu", sabi ko
"Tsk. Too", sagot niya naman pabalik. Ngumiti naman ako at tsaka huminga ng maluwag
"Pero Lemuel, seryosong usapan", panimula ko naman sakaniya
"Hm?",he replied while still driving
"Gusto mo parin ba siya hanggang ngayon?", tanong ko sakaniya. Naramdaman ko naman na napatigil siya dahil sa tanong ko, di ko na lang iyon pinansin. Mahirap naman talaga kasi ang sitwasyon nila ngayon, nagulat nga talaga ako nang may nakita akong larawan ni Icia sa ilalim ng kama ni Lemuel, akala ko kung ano lang pero gusto niya pala talaga si Icia. Di ko inaasahan yun kasi di ko naman nakitang magkasama silang dalawa kahit ni isang beses, at wala rin namang sinabi saakin si Icia tungkol dito
"Ewan", sagot niya
"May Fifth na ata si Icia", sabi ko naman, napapansin ko kasi na nagkakamabutihan na yung dalawa kaya nag aalala ako sa nararamdaman ni Lemuel
"Alam ko, kaya nga kinakalimutan ko na siya", nakangiti niyang sabi at inihinto ang sasakyan, bigla naman akong napatingin sa labas ng bintana, kaya pala inihinto niya na. Nasa tapat na pala kami ng hospital nina Clyde
"Kaya huwag ka ng mag alala sa akin o kaya sa nararamdaman ko kapatid. Pumasok ka na jan sa loob at bisitahin mo na ang mahal mo. Alam ko na kung ano ang gagawin ko, okey? Tiwala lang", sabi niya, napangiti naman ako. Nag high five kaming dalawa at sabay na isinigaw ang salitang tiwala, natawa naman kami pareho
"Sige na, labas na", sabi niya, ginawa ko naman ang sinabi niya at nagsimula ng lumakad papasok sa hospital. Lumingon naman ako ng kaunti at nakita ko ngang wala na ang kotse ni Lemuel, siguro bumili na siya ng napakaraming fries
Marami namang nagbati saaking mga nurse na naassign kay Clyde, ngumiti na lang ako, di ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ko. Tumigil na rin ako sa tapat ng room 1001, dito kasi ang room ni Clyde
Pagbukas ko ng pintuan, namilog kaagad ang mata ko nang may nakita akong babae na may hawak na hawak na pangturok kay Clyde, agad naman akong lumapit sakaniya at itinulak siya palayo kay Clyde, natumba naman siya sa sahig dahil dito
"Sino ka?! Bat mo tuturukan si Clyde?!", pasunod sunod kong tanong sakaniya, tumindig naman bigla ang mga balahibo ko nang nakita ko ang ngisi niya. Ngising sobrang nakakakilabot
"Sino ako?", tanong niya sa sarili niya habang tumatayo at pinapagpagan ang kaniyang damit, tiningnan niya naman ako ng diretso sa aking mga mata
"Ako si Haley Stanford, ang papatay kay Clyde"
End of Chapter 56
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?