Kabanata 2

689 15 0
                                    

Shey's P.O.V

"Napili tayong magperform para sa mga transferees!" sigaw nitong tatlong babae, grabe mababasag na ata ang eardrums ko. Wagas naman 'to makasigaw, akala nila isang metro ang layo ko sa kanilang tatlo, pero dahil sa nag-effort silang sumigaw para sa akin at mukhang excited na excited sila, isa lang ang masasagot ko.

"No. Ayoko. Wala akong time diyan."

"Eh? Dali na, Shey. Ano ba naman 'yan! Malay mo magkaroon tayo ng mas maraming fans " 'Yan talaga ang palaging sinasabi sa akin ni Jas, pero 'di na yan gumagana sa akin 'no.

"Ayoko nga! Okay na sa akin ang fans natin ngayon,"sabi ko. Manigas sila diyan.

"Shey, malay mo ma-discover ang napakaganda mong boses at makakantaan mo rin ang mga napakaraming tao sa mundo!" sabi naman ni Icia. Kahit anong sabihin nila, wala ng makakapagbago sa isip ko. Istorbo lang naman sila eh. Para lang naman do'n sa mga bagong transferees, mabuti sana kung mga importante silang tao, nakakadagdag lang naman sila sa population ng school na'to..

"Eh kung putulin ko ang leeg mo at pasabugin ko ang bibig mo para 'di ka na makakanta?" Alam niyo na kung sino ang nyetang brutal na babae na 'yan.

"Azu naman eh. Para lang naman do'n sa mga bagong transferees. 'Di naman sila importanteng tao," pagrereklamo ko sa kaniya.

"'Di ko kailangan ang opinyon mo! Sagot ang kailangan ko!"

Napabuntonghininga na lang ako dahil sa sinabi niya.

"Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sige na nga, ayoko pang mamatay." Bwisit talagang buhay na'to. Kailan ba tatahimik ang buhay ko? Mabait naman akong tao ah.

"Yes! Pumayag na si Shey!" sigaw ni Jas, sila lang naman ang masaya kung bakit ako napapayag ng brutal na babae na 'yon eh. Nagluluksa kaya ako rito.

"Oo nga. Makikita na rin natin 'yung mga super gwapong transferees dito sa campus!" Infairness, nag-i-improve na si Icia, marunong na rin siya ng mga ganiyan.

"Oo nga. Balita ko ang yayaman at ang hot daw!" At nakisama na rin nga rin si Azu. Bwisit na tatlo na'to, pinagtulungan ba naman ako. Eh gwapo lang naman pala 'yung mga habol.

Bigla naman akong napatakip sa aking mga taenga nang sabay sabay silang tumili at tsaka tumalon dahil sa kilig.

"Ms. Gonzaga, Ms. Rivera, Ms. Aguilar. Go inside." Sabay sabay silang napalingon no'ng narinig nila ang boses ng teacher namin na tinatawag ang kanilang mga apelyido. Nandito na ang terror teacher namin sa math. ya Napagalitan tuloy silang tatlo, mabuti nga. Karma.

"Ikaw din, Ms. Gajardo! Minus 5 kayong apat sa quiz." Bakit ba ang malas ko? 'Di naman ako kasali sa pag tatalon at pagsigaw ng tatlo na 'yon ah! Pati ba naman dito all for one-one, for all parin kami?! Ang tatag naman masyado ng barkadahan namin. Pati tadhana nakikisama.

Ay ewan, makafocus na nga lang. Bwisit. Wala ng magandang bagay na nangyayari sa araw na'to.

° ° °

"Okay, class dismiss."

"Hay! Salamat sa Diyos. Makakakain na ako!" sigaw ko. Gutom na gutom na kasi ako eh. Hindi pa naman ako nakapagbreakfast dahil kay Kuya.

"Patay gutom ka talaga, Shey." Grabe naman makapagsalita ang Icia na'to. Kala mo 'di rin siya patay gutom eh!

"Oo nga. Mas sexy na ako keysa sa'yo." Isa pa 'tong Jas na'to eh, mas nakakapawis kaya ang pagdrum keysa sa paggitara at pagkanta kaya natural lang na mas sexy siya keysa sa akin.

"Tigilan niyo nga akong dalawa..Eh sa hindi ako nakapagbreakfast dahil kay Kuya kaya bibili ako ng napakaraming pagkain," sabi ko naman at tsaka iniligpit na ang mga gamit ko, linigpit na rin nila ang mga gamit nila.

"Tara sa tambayan, gutom na rin ako," sabi ni Azu. May tambayan kasi kami rito sa school, which is the music room. Do'n kami kumakain at tumatambay kapag trip namin.

Paglabas namin sa room nagsimula na kaming lumakad papunta sa music room, 'di naman medyo malayo ang music room sa room namin kaya minsan 'di naman kamin nallate sa next subject namin kapag tatambay kami sa music room.

"Shey! Icia! Azu! Jas!"

Nilingon namin kung sino ang tumawag sa amin at nakita namin si Ate Rin, siya ang president ng student council. Senior namin siya.

"Hi, Ate Rin. Kumusta?" tanong ni Jas.

"Okay naman, masyadong busy para sa program para do'n sa apat na transferees. Kawawa naman si Ate Rin, napakarami niya na namang gagawin.

"Balita ko, mga gwapo raw ang mga bagong transferees natin eh." Nag-improve na talaga ang Icia na'to. I'm so proud.

"Hoy, Icia. Kailan ka pa natutong lumandi?" tanong ko sa kaniya. Sigurado akong si Jas na naman ang nagturo ng katangahan sa isang 'to.

"Eh? Hindi naman ako lumalandi ah. I'm just stating the fact," sabi niya naman.

"Tumigil nga kayo diyan. Nandito kaya si Ate Rin," sabi ni Azu. Ay oo nga pala, nakalimutan ko na nandito siya. Bigla tuloy akong nahiya.

"Ano'ng kailangan mo, Ate Rin?" tanong ni Jas, kumuha naman si Ate Rin ng papel at ballpen.

"Itatanong ko lang kung sigurado na ba kayong magperform para do'n sa mga transferees na 'yon." Grabe lang. Medyo nakalimutan ko na sana ang kabwisitan sa buhay ko pero dahil kay Ate Rin, naalala ko ulit.

"Oo naman," sabay-sabay na sabi nilang tatlo, tumingin naman si Ate Rin sa akin na parang nagtataka.

"Oh. 'Di ka ba sasali, Shey? Wala silang guitarist at vocalist kapag 'di ka sumali," sabi ni Ate Rin, nahagip ng mata ko si Azu na ang sama-sama na ng tingin sa akin. Napabuntonghininga na lang ako. Wala na 'kong choice.

"Sabi ko nga sasali ako, excited na excited pa nga akong magperform para sa walangyang - este mga gwapong transferees na 'yan eh," sabi ko.

Inilista na rin naman ni Ate Rin ang pangalan naming apat sa papel na dala niya.

"Oh sige. Salamat, una na ako ah," paalam sa amin ni Ate Rin at tumakbo na nga siya papalayo sa amin.

"Bye!" paalam na rin namin sa kaniya at nagpatuloy na sa paglakad papunta sa tambayan. Natigilan naman ako no'ng may nakita akong grupo ng mga babaeng nakatipon sa school grounds. Ano kaya 'yon? Parang may hinahabol sila tapos may dala-dala pa silang mga punit na damita.

"Gutom na gutom na ako," sabi ni Azu habang hinihimas-himas ang tiyan niya

"Ako rin," sabi ko, natawa naman sina Icia at Jas. Ano na naman ba ang nangyari sa dalawa na'to? May sira na ata sa ulo.

"Bakit kayo tumatawa?" tanong ko sa kanilang dalawa. Tumigil na sila sa pagtawa at tumikhim ng kaunti l.

"Parehas kasi kayong patay gutom eh," sabi nila, napaaray naman sila pakatapos. Mabuti nga sa kanilang dalawa, nabatukan tuloy sila ni Azu.

"Aray naman, Azu. Bakit? Totoo naman ah!" reklamo ni Jas.

"Heh! Tumigil nga kayo!" sigaw ni Azu kaya tumigil na 'yung dalawa, iba talaga ang powers ni Azu. 'Di nagtagal nakarating na kami sa music room pero bigla naman kaming napatigil nang may narinig kaming parang nag-uusap, nagtinginan kaming apat. Dahan-dahan naming binuksan ang pinto at napuno na nga ng ingay ang buong pasilyo dahil sa sigaw naming apat.



Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon