Kabanata 15

166 5 1
                                    

Shey's P. O. V

Nagsimula nang pumutok at magsilabasan ang mga fireworks at nagsimula na ring tumugtog ang speaker na nakapaligid sa amusement park. Sobrang ganda sa pakiramdam, parang nawala lahat ng bigat na dinadala mo.

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

Parang ang saya-saya ko na parang naiiyak na hindi ko maintindihan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon at di ko alam kung bakit.

Tulad mo ba akong nahihirapan
Lalo't naiisip ka
Hindi ko na kaya pa na kalimutan
Bawat sandali na lang

Hindi ko na maintindihan ang mga nararamdaman ko, pero isa lang ang masisigurado ko, masaya ako. Masaya akong kasama ang lalaking nasa tabi ko.

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis, ako'y magbabalik
At sana naman

Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa fireworks habang nakangiti, nakakatunaw talaga ng puso ang mga ngiti niya.

Sa isang marikit na ala-ala'y
Pangitaing kay ganda
Sana ay pagbigyan na ng tadhana
Bawat sandali na lang

Bakit kapag nakikita ko siyang nakangiti napapangiti na rin ako? Unang beses ko 'tong makita siyang nakangiti at di ko alam kung bakit gusto kong palagi siyang makitang nakangiti. Sobrang labo ko talaga. Sobrang bilis pa ng tibok ng puso ko ngayon.

Sumabay sa biglang pagkabahala't
Lumabit ang pagtataka
Tunay na pagsintang di alintana
Bawat sandali na lang

Tiningnan niya ako at mukhang nagulat siya dahil nakatingin din ako sa kaniya.

"Stop staring," sabi niya at yinapos ang mukha ko gamit ang kaniyang mga kamay at tinapat 'yon sa mga fireworks.

"Psh, feeler."

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis, ako'y magbabalik
At sana naman

Kinuha ko ang phone ko at pasimpleng kinunan ng picture si Christianak na ngayon ay nakangiti pa rin, may pang-blackmail na ako sa kaniya!

Ngumiti kahit na napipilitan
Kahit pa sinasadya
Mo akong masaktan paminsan-minsan
Bawat sandali na lang

Nakita niyang may hawak akong cellphone kaya kumunot ang noo niya. Shemay, kailangan makaisip ako ng palusot, baka malaman niyang kinunan ko siya ng picture.

"Gusto mong mag picture?" Napaface palm na lang ako nang ma-realize ko kung ano ang sinabi ko, baka kung ano ang isipin nito. Baka isipin niya na crush ko siya!

Nakita ko namang ngumiti siya ng nakakaloko pakatapos.

"Ayiee, nagugustuhan mo na ako 'no?" pang-aasar niya sa akin.

"Feeler! Huwag na nga lang!" pagsusungit ko sa kaniya. Ang hangin talaga ng lalaki na'to, ang sarap sakalin.

At aalis, magbabalik
At uuliting sabihin
Na mahalin ka't sambitin
Kahit muling masaktan
Sa pag-alis, ako'y magbabalik
At sana naman

Itatago ko na sana ang phone ko pero kinuha niya 'yon at tinapat sa amin, nag-pose kaming dalawa at tsaka nag-picture na.

"Ang gwapo ko talaga," puri niya sa sarili niya, tinarayan ko na lang ang tyanak na'to dahil sa kahanginan niya.

"Mag-c-cr lang ako," paalam ko sa kaniya.

"Sasama na ako pero do'n lang ako sa labas ng pinto, unless you want me to go with you inside," sabi niya with matching nakakairitang ngiti at pagtaas-taas ng dalawa niyang kilay.

"Punyemas ka," tanging sabi ko, wala na akong lakas makipag-away sa tyanak na'to.

Clyde's P. O.V

She went inside the comfort room so I stayed outside of this f*cking door waiting for them to make a move. A guy in a black shirt approached me afterwards.

Sumandal lang ako sa pader, showing that I don't f*cking care about his presence, nakita ko pang may kinuha siya sa bulsa niya. He's not fighting fair, this world really is unfair.

"Ikaw ba sa Clyde Jancaster?" diretsong tanong niya sa akin habang may hawak na balisong, ngumisi naman ako.

"Yeah, ako ang magpaparanas sa'yo kung paano mamatay nang hindi tahimik. Nice to meet you, as*hole," sabi ko sabay suntok sa kaniya. I only punched him once but he's down already? Weak.

Dumating na 'yung lima niyang kasama, napangisi naman ako nang todo. Makakapag-exercise na naman ako nito.

"Totoo nga ang sinasabi nila. Mas marami, mas masaya," sabi ko at wala pa sa bilis ng alas kwatro, napatumba ko na silang lahat. Easy as d*mn.

Tinawagan ko naman ang Aces bago lumabas si Jeanano sa CR. Ipapaligpit ko sa kanila ang lahat ng 'to, hindi niya 'to pwedeng makita.

Alex's P. O. V

Aalis na sana ako sa school at uuwi pero may nakita akong babae na mukhang inip na inip na naghihintay sa waiting shed, since I'm a gentleman, nilapitan ko 'yung babae na sana ay hindi ko na lang ginawa.

"Ano'ng kailangan mo?" cold na tanong sa akin ni Aso.

"Sumakay ka na, Aso. Gabi na, ihahatid na kita sa bahay niyo," pag-aaya ko sa kaniya.

"Ayoko," matigas niyang sabi. Bahala siya sa buhay niya, tatalikod na sana ako pero natigilan ako nang bigla siyang nagsalita.

"Di mo man lang ba talaga ako pipilitin?" tanong niya. Pathetic.

"Wala ako sa mood pumilit ng isang taong ayaw naman sumakay sa napakaganda kong kotse," matigas na sabi ko at inilagay ang earphones sa taenga ko. Maya-maya, nakita ko na lang na nakasakay na pala si Aso sa passenger seat. Sasakay naman pala eh, kailangan pa talagang magpapilit.

"What are you doing here?" naka-pokerface kong tanong, binalewala niya lang ang tanong ko at sinabi sa akin ang address niya. The h*ck.

Kung ibang babae 'to, matagal ko na siyang binugbog pero hindi naman ako katulad kay Clyde na pumapatol sa babae.

° ° °

"Nandito na tayo, Aso."

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay ng Aso na'to, hinihintay ko na lang siya na bumaba pero tiningnan niya lang ako nang masama.

"Hindi Aso ang pangalan ko! Azu! Bingi! Pakyu the most." Lumabas na siya ng kotse at napahilamos na nga lang ako sa aking mukha.

Hindi man lang ba talaga magpapasalamat ang babae na 'yon Ibang klase talaga.

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon