Im happy
Shey's P.O.V
"Ma... Im sorry", narinig ko naman ang hagulgol niya nang sinabi ko ang tatlong salita na iyon. Naramdaman ko naman na nagsimula na ring tumulong ang aking mga luha, mas hinigpitan ji naman ang yakap sakaniya
"Sorry din nak, sorry kasi hinayaan ko na mangyari to. Sorry kung tinago ko sainyong dalawa ng Kuya Shaun mo ang lahat", naiiyak niyang sabi. Ngumiti naman ako at hinalikan si Mama sakaniyang pisngi
"Its okey. Dont worry Ma. Okey na ang lahat. Naiintindihan ko na kung bakit tinago mo saakin ang lahat ng to. Gusto mo lang mapabuti ang buhay namin. Mapabuti ang buhay ko, pero malaki na ako ngayon Ma. Kaya ko na ang sarili ko kaya huwag ka ng mag alala. I can take care of myself now, so dont worry", sabi ko at kumalas na sa yakap. Tiningnan niya naman ako ng diretso sa aking mga mata at tsaka ngumiti at tumango.
"Tama ka, malaki ka na. Dalaga ka na. You can do things on your own. Masaya ako dahil kaya mo ng tumayo sa sarili mong mga paa", dagdag niya pa. Napangiti naman uli ako ng mas malawak
Magsasalita pa sana ako pero bigla akong napagtigil nang naramdaman kong may humawak sa aking balikat, nilingon ko naman iyon at bigla akong napatigil nang nakita ko si Papa na nakatingin saakin na may pag aalala sa kaniyang mapupungay na mga mata
"Anak", tawag niya, kumirot ang puso ko. Matagal na rin na panahon bago ko narinig sakaniya ang mga salitang iyon. Masakit isipin na pangalawa lang talaga kaming pamilya ni Papa. Di ko inaasahan na mangyayari to. This situation is not what i hoped for. This is not what i want
Pero wala na rin naman akong magagawa diba? Nangyari nato. Kailangan ko na lang to harapin, kahit na napakahirap. Kahit na masakit, kailangan ko parin itong harapin. I need to be brave enough to face all these things
"Ano ho yun Pa?", tanong ko sakaniya. Napayakap naman siya saakin ng napakahigpit. Napangiti naman ako dahil dito
"Pasensya na ha? Kasalanan ko ang lahat ng to. Nangyari ang lahat ng to dahil sa pagkakamali ko", sabi niya. Tinapik ko naman ang kaniyang likod
"Okey lang yun Pa. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon mo", sabi ko at tsaka mas hinigpitan pa ang yakap. Inaamin kong may galit parin ako kay Papa, pero kailangan kong tanggapin ang ganitong sitwasyon, wala na rin namang magbabago kung magmumukmok ako rito
"Aayusin ko ang lahat, huwag kang mag alala nak", sabi niya. Napangiti naman ako at tsaka tumango na lamang bilang sagot
Magsasalita pa sana ako pero hindi ko na ito natuloy dahil napakalas bigla sa yakap si Papa nang narinig namin ang mga boses nina Kuya
"Shey!", sigaw ni Kuya Shaun. Agad namang siyang tumakbo papunta saakin at sinalubong ako ng yakap
"Okey ka lang ba?", tanong niya, bago ako makasagot ay kumalas na siya sa yakap at tiningnan ako mula ulo hanggang paa
"May sugat ka. Tsk", he tsked. Napabuntong hininga naman si Lemuel habang nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa loob ng kaniyang bulsa
"Sabi na eh, dapat sinundan natin siya", he said
"Bunso!", sigaw ni Kuya Leion at tsaka ako niyakap uli ng napakahigpit. Tinapik tapik ko naman ang kaniyang matipunong likod
"Okey lang ako kuya. Huwag kang mag alala, at hindi nga pala ako makahinga", sabi ko, niluwagan niya naman ang kaniyang yakap. Napakalas na siya dito ng tuluyan nang narinig namin ang tikhim ni Mama
"Marami na palang mga Kuya ang anak ko ah", sabi niya habang may ngiti sakaniyang mga labi. Napatigil naman si Kuya Leion at Lemuel at nagbow ng kaunti at tsaka nagmano
"Pasensya na ho, nag alala lang talaga kami ng todo kay Shey", pagpapaumanhin ni Kuya Leion
"Pasensya na rin po kasi di namin siya nabantayan ng maigi. Dapat pinigilan namin siyang pumunta rito o kaya dapat sinamahan na lang namin siya. Di namin ginawa ang responsabilidad namin bilang nakakatanda niyang mga kapatid. Sana ho mapatawad niyo kami", sabi ni Lemuel habang nakatungo ng bahagya
Natutuwa ako sa ginagawa ni Lemuel, ang sincere niya kasing humingi ng tawad, lalo na kay Mama. Maalagain din siyang lalake, kahit pala medyo malamig ang kaniyang pakikitungo sa ibang tao may maganda parin naman siyang hangarin o kaya ugali
"Bat ka naman humihingi ng sorry? Wala naman kayong ginawang masama. Di niyo naman kasalanan ang lahat. Walang may kasalanan dito, dapat nga magpasalamat pa ako sainyo ngayon eh, binabantayan niyo kaya ng maigi si Shey. Inaalagaan niyo siya sa mga panahon na wala ako at kailangan niya ng masasandalan. Lalo na noong nasa hospital siya at nung nangyari ang lahat ng ito. Kayo ang nandiyan para sakaniya, maraming salamat", namilog naman ang mga mata ni Lemuel at ni Kuya Leion nang niyakap ni Mama sila. Napangiti naman sila pakatapos
"At patawad na rin sa mga pagkakamali ko. Patawad sa mga nagawa ko sa pamilya niyo. Matagal ko na itong pinagsisihan, kasalanan ko ang lahat. Pinagkait ko ang mga panahon na dapat ay kasama niyo ang sarili niyong ama. Kayo ang tunay at unang pamilya kaya dapat kayo ang palagi niyang kasama. Pasensya na. Patawad", pagpapaumanhin ni Mama habang umiiyak. Nakita ko naman na niyakap nina Lemuel at Kuya Leion pabalik si Mama
"Okey lang ho yun", sabi nilang dalawa. Kumalas na rin naman silang tatlo. Napangiti naman uli ako bigla nang nakita kong niyakap uli ni Kuya Leion si Mama
"Okey lang ho ba kungmm maging mama ka rin po namin ni Lemuel?", mahinang sabi ni Kuya Leion pero sapat na para marinig namin. Napangiti naman si Mama dahil dito
"Oo naman. May apat na akong mga anak", natatawa niyang sabi. Natawa na rin naman kami ng kaunti. Kumalas na si Kuya Leion sa yakap at nilapitan ako tsaka inakbayan. Kumunot naman bigla ang mga noo namin nang makita namin na lumuhod si Papa sa harap namin habang nakatungo
"Patawad mga anak. Ako talaga ang may kasalanan nito. Kasalanan ko ang lahat dahil lang sa isang pagkakamali ko", sabi niya habang may mga luha na dumadaloy galing sa kaniyang mga mata papunta sa kaniyang mga pisngi
Nagkatinginan naman sina Kuya Leion, Kuya Shaun at Lemuel
"Okey lang yun Pa. Tsaka tanggap na rin namin ang sitwasyon at mas okey nga saamin ni Lemuel dahil nadagdagan kami ng dalawang kapatid", sabi ni Kuya Leion
"Kaya tumayo ka na jan Pa. Naiintindihan naman namin ang sitwasyon mo", dagdag pa ni Kuya Shaun Napangiti naman si Papa at tsaka tumayo na ng dahan dahan. Napangiti na rin naman sina Lemuel, Kuya Leion at Kuya Shaun at tsaka niyakap si Papa
Napalapit naman ako sakanila nang nakita kong umiiyaka na si Papa, may mga konting luha na rin sina Kuya. Masaya ako na unti unti ng naaayos ang pamilya ko, masaya ako dahil di ko rin inaasahan na hahantong kami sa ganito
"Shey", napalingon ako bigla kay Alex nang tinawag niya ako, napatingin din siya saakin pabalik
"Masaya ka ba?", napatigil ako bigla nang narinig ko ang tanong niya. Napatungo naman ako at naramdaman ko nanaman na tumulo na ang mga luha ko galing sa aking mga mata papunta sa aking mga pisngi
Masaya ako... Masayang masaya. Kahit na ganun ang nangyari saamin ni Clyde. Kahit na maraming pagsubok ang dumaan at maraming humadlang, masasabi ko parin sa sarili ko na masaya ako. Na masaya na ako sa mga nangyari ngayon.
Tiningnan ko naman siya sa kaniyang mga mata at ngumiti
"I am Alex"
End of Chapter 55
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?