Shey's P.O.V
"Hoy Sheyrylle Jean Jancaster!!", kumunot naman kaagad ang noo ko nang marinig ko ang sigaw ni Jas, tiningnan ko naman siya ng masama pakatapos
"Anong pinagsasabi mo jan Jas? Sheyrylle Jean Jancaster ka jan. Di pa kami kasal noh", pagdedepensa ko sakaniya, lumapit naman siya saakin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinisil pisil ito. Tinabig ko naman kaagad ang kaniyang kamay
"Dalagang dalaga ka na talaga Shey. Hindi ka na ang bunso namin!", sigaw niya. Napapokerface na lang ako at tsaka tinaasan siya ng isang kilay
"Matagal na akong dalaga Jas. Pangalawa, bunso niya parin ako dahil ang tatanda niyo na. Pangatlo, huwag mong hawakan ang mukha ko dahil masisira ang make up ko", sabi ko at tumayo na tsaka kinuha ang gitara ko.
"At pang apat, huwag kang OA, di pa ako ikakasal, mag koconcert lang tayo, napakashunga talaga neto", pang aasar ko kay Jas, nakita ko naman na napanguso siya at kinuha na lamang ang kaniyang drum sticks
"Di ka parin nagbabago Shey eh, napakasavage mo parin. Pareho kayo ni Azu, magsama kayo! Kami na lang ni Icia ang magsasama. Bahala kayo diyan", sabi niya at nagsimula ng lumakad papalayo, napangisi naman ako ng todo habang nilalagay ang electric guitar ko sa aking likod
"Talaga? Kayo ni Icia ang magsasama? Paano na lang si Nian?", pang aasar ko sakaniya, tiningnan ko naman ang kaniyang mukha at natawa na lang talaga ako ng todo nang nakita kong parang mansanas na siya dahil sa sobrang pula ng kaniyang mukha
"Tumigil ka nga diyan!", naaasar niyang sigaw, natawa na lang ako ng todo at tsaka tinapik ang kaniyang balikat at nagsimula ng lumakad papalayo sakaniya, naramdaman ko naman na sumunod na siya saakin
Napangiti na lang ako ng palihim nang nakita kong namumula parin siya, natatawa talaga ako sa reaksyon ni Jas sa tuwing napag uusapan namin si Nian. Halatang halata kasing may gusto pa sila sa isat isa. Napakatorpe talagang Nian nato
• • •
"Tawagin na natin ang Jancaster University's Campus band para makapagsimula na sila sa pagperform. Gusto niyo ba yun!?", sigaw nung babaeng emcee, natawa naman kaming apat nang nagsigawan yung napakaraming audience
Di nga namin inaasahan na napakaraming tao ang dumalo sa concert namin eh, akala namin kaunti lang dahil hindi naman kami gaanong sikat. Hindi katulad ng ibang banda sa ibat ibang universities, kaya naman nagpapasalamat talaga kami ng todo
"Shey, uminom ka ba ng malamig kanina?", tanong saakin ni Azu habang inaayos ang kaniyang bass guitar, ngumiti naman ako at umiling
"Mabuti naman , baka kasi mapaos ka, kapag napaos ka wala na, finish na", dagdag niya pa, natawa naman kaming tatlo at nagsimula ng umakyat papunta sa napakataas na stage
"Good afternoon guys and gals!", sabay sabay na sigaw naming apat, natawa naman kami bigla nang narinig nanaman namin ang sigawan nila
"Malaking karangalan ang presensya ninyo saamin. Nagpapasalamat kami sainyong lahat dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon na ipakita sainyo ang mga talento namin. Kaya sana magustuhan niyo ito", panimula naman ni Azu, tiningnan niya naman ako pakatapos at tsaka tinanguan, ngumiti naman uli ako
"Yow peeps!", sigaw ko, nagtawanan naman sila
"Wala na kong masasabi dahil sa totoo lang di ko talaga alam kung ano ang sasabihin dahil hanggang ngayon ay speechless parin ako sa mga nangyari, pero ang alam ko lang ay nagpapasalamat ako sainyo dahil tinupad niyo ang pangarap namin, pati na rin ang pangarap ko. Ang pangarap ko na makakanta sa harap ng napakaraming tao. Thank you", pagpapasalamat ko sakanila, tiningnan ko naman si Icia at sinenyasan siya na siya na ang susunod na magsasalita
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?