Shey's P. O. V
Bakit ba kapag nakikita ko ang Christianak na'to palagi na lang may nangyaring mali sa buhay ko? Hay hirap.
"Tatalunin kita, hintayin mo lang. May dare ka dapat na susundin," wika ni Christianak. Ito talaga ang napapala ng mga taong ayaw magpatalo and sadly... isa na ako do'n.
"Okay. Syempre kapag natalo rin kita may dare ka rin dapat na susundin!" Tumango naman siya.
"Hoy, baka magaya kayo sa mga teleserye at mga wattpad stories na yan ah," pang-aasar naman ni Nian. Tiningnan ko siya nang masama habang si Christianak naman ay tinaasan na lang siya ng kaniyang gitnang daliri.
"Kadiri. Hinding hindi kami gagaya sa mga love stories na 'yon," pagtatanggi ko sabay inikutan sila ng mata. Parang magkakaroon ako ng highblood dahil sa mga taong 'to, nakakasakit sa ulo ang mga sinasabi nila.
"Oo na, masyado kayong defensive," dagdag niya pa. Wala na talaga siguro 'tong magawang matino sa buhay, lagi na lang siyang nampepeste eh.
"Shey, bakit parang ang init ng dugo sa amin ni Jas at Azu? May ginawa ba kaming mali?" tanong ni Fifth. Actually, marami. Maraming marami, pero dahil sa may bait pa naman akong natitira sa katawan ko ay konti lang ang sasabihin ko. Baka sumakit ang loob nila eh. Kawawa naman.
"Si Jas kasi ex niya si Nian pero ngayon nakamove on na 'yon, sadyang awkward lang nang kunti kaya medyo umiiwas siya. Si Azu naman, ayaw niya sa lahat kapag iniistorbo siya at ayaw niya ring kinokontra siya especially kapag alam niyang tama siya. Wala naman ata kayong problema kay Icia," sabi ko sa kanila. Ngumisi naman nang nakakaloko si Christianak.
"Eh ikaw? Bakit flat chested ka - aray!" reklamo niya. Nakakabanas ang tao na'to, binatukan ko nga.
"Aray naman, Jeanano! Bakit ka ba nambabatok?!" pasigaw niyang tanong habang hinihimas-himas ang batok niya.
"Eh sa manyak ka eh," sigaw ko sa kaniya na may kasama pa ng pag-ikot ng aking mga mata.
"Hindi ako manyak!" sigaw niya rin sabay belat. Para talagang bata ang isang to.
"Kung wala na kayong tanong, ako naman ang magtatanong. Bwkit wala kayo sa classroom niyo?" tanong ko sa kanila, nagkibitbalikat naman silang apat. Hindi talaga sila nakakausap nang matino.
Hindi na ako nagtanong uli dahil alam ko naman na hindi sila sasagot nang matino. Abno kasi ang apat na'to.
Biglang bumukas ang pinto at pumasok na nga sina Azu, umupo na rin sina Icia at Jas pero si Azu ay nakatayo pa rin. Lumapit siya kay Alex na ngayon ay tinatanggal na ang earphones niya.
"Pasensya," mahinang sabi ni Azu at umupo na sa tabi namin. Ganiyan talaga siya, matatag siya pero marunong siyang bumaba ng pride.
'Di na lang 'yon pinansin ni Alex at nilagay na uli ang earphones niya. Wala talaga siyang kwentang lalake, nag-sorry na nga si Azu tapos ganiyan pa ang gagawin niya sa kaniya. Napakawalang modo.
Nakita kong napatingin si Christianak sa cellphone niya, tiningnan niya naman yung mga kasamahan niya pakatapos.
"Pinapatawag na tayo ng Dean do'n," sabi niya, tumayo na rin naman sina Nian.
"Thank you, una na kami," sabi ni Fifth sabay alis na habang kumakaway sa amin.
"Bye bye!" paalam ni Icia. Huwag na silang umasa na magpapaalam kami sa kanila. Si Icia lang ang mabait dito.
"Hoy Jeanano, yung pinag-usapan natin. Humanda ka na sa dare ko sa'yo!" sigaw ni Christianak, ang confident talaga ng Tyanak na'to. Kala mo hindi siya matatalo eh.
"Hindi ako magpapatalo sa'yo Christianak," wika ko habang nakatingin nang diretso sa kaniyang mga mata, ngumisi na lang siya at umalis na sila sa music room. Napabuntonghininga na lang ako at sinimulan na nga naming pag-usapan yung sunod na ico-cover namin para sa mga transferees na 'yon.
Sana lang mababait ang mga 'yon hindi katulad sa apat na kakaalis lamang dito.
° ° °
Nandito na kami ngayon sa music room at nagrready para sa presentation namin mamaya, mabuti nga wala kaming klase ngayon. Parang celebrities talaga ang apat na transferees na 'yon, ginawa ba namang holiday ang araw na'to.Nagsisimula na ang program pero nandito pa rin kami sa loob ng music room, ang plano kasi namin ay pakatapos naming tumugtog pupunta na kami sa 7/11, 'di naman kasi kami interesado sa mga transferees na 'yon eh, as I said before nakakadagdag lang sila sa population ng school.
"Pasok," sabi ni Icia nang may kumatok sa pintuan, pumasok naman si Ate Rin na may dala-dalang napakakapal na papel na kasing kapal ng mukha ng tyanak na kilala ko. Mahirap talagang maging Student Council president, busy ka na nga sa school works mo tapos aasikasuhin mo pa ang buong school. Nakakaiyak siguro 'yon!
"Ready na kayo, girls?" tanong niya sa amin.
"Okay na," nakangiting sabi ni Jas sabay tawag do'n sa mga lalaki naming classmates para dalahin ang napakamahal niyang drum set. Shunga-shunga talaga ang babae na'to, ginawang alipin ang mga classmates naming lalaki, per 'di na rin naman ako masyadong nagtataka. Maganda si Jas kaya kahit ang ibang lalaki ay nagagawa niyang alipin.
"Kuya, pwedeng pakuha na rin yung keyboard ko? Mahirap kasi 'tong ilagay sa case niya eh," sabi ni Icia na inuutusan yung 3rd year college na lalake, sumunod na lamang siya. Tamad talaga sila pagdating sa pagbuhat ng mga instruments nila. Mabuti pa kami ni Azu, masisipag.
"Buhatin niyo na nga rin yang bass ko, nakakatamad kasing bumuhat niyan eh." Binabawi ko na pala yung sinabi ko kanina. Bahala na nga.
"Pakibitbit na rin po yung akin. Thanks," sabi ko at lumabas na nga kami sa musoc room. Okay na 'yan, para pare-pareho kami at tsaka para friendship goals at barkada goals kami.
Papunta na sana kami sa pavillion nang humarang sa amin ang apat na lalaki. Isa na do'n ang tyanak na pinaka-ayaw ko.
"Hi, ano'ng kailangan niyo?" tanong ni Icia, nagtaasan naman kami ng kilay ni Christianak.
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko," malanding sagot ni Nian sabay akbay kay Icia. Nakita ko naman na kumunot ang noo ni Jas dahil sa ginawa niya.
Affected.
"Icia, tara na. Baka ma-late na tayo sa performance natin," sabi ni Jas at hinigit papunta sa kaniya si Icia na naging dahilan kung bakit natanggal ang pagkaakbay ni Nian sa kaniya. Nakita ko naman na ngumisi nang kaunti si Nian. Playboys. Kailan kaya sila mamamatay?
"Goodluck sa inyo mamaya. Kita-kita na lang tayo later," sabi ni Fifth at nagsimula nang lumakad paalis, aalis na sana kami pero biglang lumapit sa akin si Christianak. Lumapit siya sa taenga ko at bumulong.
"Get ready, Miss Sheyrylle Jean Gajardo. I'll make you fall in love with me. I will make you mine. Mine alone."
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?