Kabanata 52

154 5 1
                                    

A sacrifice

Shey's P.O.V

Pumasok na ako sa gate, kilala naman ako ni Clyde at para naman ito sakaniya kaya di naman ata ako mapapagalitan dahil dito

"Tao po?", tawag ko habang kinakatok yung pintuan, kumunot naman ang noo ko nang walang sumasagot o bumubukas man lang ng pintuan. Parang haunted house na tong bahay nato. Asan ba si Clyde? Nandito pa ba siya?

Napapikit ako at napahinga uli ng malalim. Nakapunta na ako rito at wala na tong atrasan pa, kailangan ko tong gawin para sakaniya. Kailangan ko siyang matulungan. Ayokong tuluyan siyang mawala saamin

Iminulat ko ng tuluyan ang aking mga mata at diretsong pumasok sa loob ng bahay ng mga Jancaster

Asan ang mga tao dito? Asan ang mga trabahador nila? Kailangan ko silang makausap. Kailangan din sila ni Clyde, dapat di nila iniwan siya ng mag isa rito eh, kailangan nilang bantayan siya. Dapat kasi palaging may kinakausap si Clyde, yung taong masasandalan niya sa tuwing may problema siya, at nakakalungkot isipin na wala ako sa tabi niya sa mga panahong kailangan niya ako

Umakyat ako sa second floor para tingnan isa isa ang mga kuwarto duon..

"Sino yan?", napatigil ako bigla nang narinig ko ang boses ni Clyde. Nandito siya, hindi pa huli ang lahat. Kailangan ko siyang makausap, kailangan king linawin sakaniya ang lahat.

"Clyde?", tawag ko uli, nilibot ko naman uli ang paningin ko. Napatigil ako sa isang kuwarto, nakita ko si Clyde na nakatingin din saakin. Tiningnan ko ng diretso ang kaniyang mga mata

Nakita ko ang sakit dito. Nasasaktan siya at wala ako sa tabi niya para tulungan siya. Alam kong wala naman akong karapatan na gawin ang ganitong mga bagay bagay dahil hindi naman kami at wala namang namamagitan sa aming dalawa pero gusto ko parin gawin ang lahat ng ito dahil mahal ko siya. Mahal na mahal.

"S-shey? Ikaw ba talaga yan?", naiiyak niyang tanong. Naramdaman ko naman na unti unti ng namumuo ang mga luha ko sa aking mga mata

"Ako to Clyde, bumalik na ako at di na ako aalis sa tabi mo", sabi ko habang lumalapit sakaniya ng dahan dahan. Kumunot naman ang kaniyang noo

"Hindi ikaw si Shey. Hindi ikaw ang babaeng mahal ko! Hindi na babalik dito si Shey, iniwan niya na ako. Di niya na ako mahal. Ayaw niya na saakin kasi ganito ako. Kasi may sakit ako. Di na siya babalik!", sigaw niya habang umiiyak, kumirot naman ang puso ko dahil dun

Di ko alam kung ano ang sasabihin ko sakaniya, di ko alam kung may sapat pa ba akong lakas na loob para sabihin sakaniya ang lahat na gusto kong sabihin. Gusto kong sabihin sakaniya na di na ako aalis sa tabi niya, na di na ako magpapadala sa takot, na magpapakatatag na ako. At na mahal na mahal ko siya.

Gusto kong sabihin sakaniya ang lahat ng iyon pero natatakot parin ako. Natatakot na baka hindi niya ako paniwalaan at baka di siya makinig saakin.

"Clyde, ako to. Si Shey to, please. Maniwala ka sakin", sabi ko sakaniya at tuluyang lumapit at tsaka hinawakan ang kaniyang magkabilang kamay, napatingin naman siya saakin dahil dito

"Clyde, paniwalaan mo ako", sabi ko uli habang tumutulo ang aking luha galing sa aking mga mata. Umiling iling naman siya at inalis ang kamay ko sa pagkahawak sakaniya, napaatras naman ako ng kaunti dahil dito

Nilibot ko ang aking paningin sa buo niyang kuwarto. Ang kalat. Maalikabok na rin ang mga nakasarang bintana at ang study table niya. Nagkalat ang mga bote ng beer at ang mga bote ng mga gamot sa buong paligid.

Kumunot naman ang noo ko nang nakita kong may bahid ng dugo ang kaniyang bed sheets, lumapit ako rito at nakita ko ang cutter na may dugo rin. Napatigil ako at tsaka napatingin kay Clyde.

"Umalis ka na. Hindi ko kailangan dito ang impostor", malamig niyang sabi sa akin. Napahinga ako ng malalim at tiningnan siya ng seryoso.

"Bakit may dugo at cutter dito? Anong ginawa mo?", pasunod sunod kong tanong sakaniya. Kumunot naman ang kaniyang noo at tiningnan ako

"Wala kang pakealam sa mga bagay na ginagawa ko! Umalis ka na rito sa pamamahay ko! Di kita kailangan!", sigaw niya at itinulak ako, napahiga naman ako sa sahig.

"Hayaan mo kong tulungan ka Clyde!", sigaw ko at tumayong muli. Lalong kumunot ang noo niya at umiling iling

"Sino ka ba?! Sino ka ba para husgahan ang buhay ko. Iwan mo na ako, lahat naman sila iniiwan ako. Lahat na lang ng kaibigan ko. Lahat ng pamilya ko. Si Mommy. Si daddy. Si Cyrille. Si.. Shey. Yung taong mahal ko, iniwan din ako. Siya lang ang palaging iniisip ko. Siya ang inaasahan kong nandito sa tabi ko. Pero iniwan niya rin ako at di na siya bumalik pa. Di niya na ako mahal", sabi niya habang naiiyak na, napaluhod naman siya at tsaka nagsimula ng umiyak. Lumapit naman ako sakaniya at tsaka hinagod hagod ang kaniyang likod.

"Clyde. Hayaan mo kong tulungan ka. Please? Ayokong tuluyan kang mawala saamin. Mahal ka namin Clyde. Mahal kita",sabi ko, napatingin naman siya saakin habang tumutulo parin ang kaniyang mga luha

"Huwag na. Kaya ko na ang sarili ko", sabi niya habang pinupunasan ang kaniyang mga luha. Napabuntong hininga uli ako

"Clyde", tawag ko uli, magsasalita pa sana ako pero bigla akong napatigil nang nakita ko ang pulsuhan niya, may mga laslas ito at marami. Kaya pala maraming dugo sa kaniyang kama at may cutter din

Tumulo nanaman ang mga luha ko, di ko na napigilan na yakapin siya. Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap sakaniya, habang siya naman ay tahimik lamang.

"Clyde naman eh, ayokong saktan mo ang sarili mo. Ayokong mawala ka sa tabi namin, huwag mong saktan ang sarili mo dahil nasasaktan din ako. Nasasaktan ako sa tuwing umiiyak at nalulungkot ka. Nasasaktan ako sa tuwing pinagtatabuyan mo ako palayo. Nasasaktan ako kapag sinasabi mong hindi mo ako mahal. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan ka. Alam mo kung bakit Clyde? Kasi mahal kita. Mahal na mahal. Oo, umalis ako, nawala ako sa tabi mo, lalong lalo na nung kailangan mo ng masasandalan. At sana patawarin mo ako dahil dito. Pero ngayon nagbabalik na ako. Sana tanggapin mo na ako sa buhat mo at hayaab mi akong tulungan ka. Hayaan mo akong mahalin ka. Kaya huwag na huwag mong isipin na magpakamatay, kasi parang pinapatay mo na rin ako", naiiyak kong sabi habang hinihigpitan ang pagkayakap ko sakaniya

"Hmm", sabi niya. Napatungo ako at tsaka sumiksik sakaniyang dibdib

"Saktan mo na ako basta huwag mo lang saktan ang sarili mo. Mas matatanggap ko pa yun", dagdag ko pa. Naramdaman ko naman na napatigil siya, napahinga naman ako ng maluwag

Naliwanagan na ba siya? Na realize niya na ba na mali ang lahat ng to? Babalik na ba siya? Sana oo. Dahil sabik na sabik na ako, sabik na sabik na ako na kausapin siya. Sabik na sabik na akong linawin sakaniya ang nararamdaman ko

Kumalas naman siya sa yakap at tumayo, napatingin naman ako ng diretso sakaniyang mga mata. Kumunot ng kaunti ang noo ko nang nakita kong wala nanamang emosyon ang mababasa rito. Puno nanaman ito ng emosyon na hinding hindi ko kayang basahin. Mga emosyon na di ko maintindihan

Gustong gusto kong intindihin si Clyde, gustong gusto kong mabasa ang mga iniisip niya. Gusto ko pa siyang makikala ng mas malalim, pero hindi ko ito magagawa kung ganito ang mga nangyayari

Napatayo ako bigla nang lumapit si Clyde sa kaniyang kama at kinuha duon ang cutter na may bahid na ng kaniyang dugo. Napatitig naman ako rito

Napatigil naman ako nang dahan dahan siyang lumakad papalapit saakin habang pinaglalaruan ang cutter sakaniyang kamay. Gusto kong tumakbo papalayo pero di ako makaalis sa kinatatayuan ko. Bigla naman akong napasinghap nang tinutok niya ito sa aking leeg

"Pwede kitang saktan diba?"

End of Chapter 52

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon