Kabanata 20

170 5 0
                                    

Shey's P. O. V.

"Shut up or I'll kiss you! I'm f*cking serious, Jean!" seryosong sabi niya sa 'kin. Seryoso ba talaga ang lalaking 'to?! Hahalikan niya ako?!

Tumahimik na ako at ikinalma na ang sarili ko. Umiling na ako bilang tugon kaya naman pinakawalan niya na ako. Nagsimula na siyang mag-drive at 'di nagtagal, nakarating na rin kami sa bahay namin, lumabas na ako sa kotse niya, papasok na sana ako sa gate namin pero nagtaka ako dahi lumabas din si Clyde sa kotse niya.

"Hindi ka man lang ba magpapasalamat?" tanong niya sa akin habang nakataas ang isa niyang kilay.

Ayoko sanang gawin 'yon, pero hinatid niya naman kasi ako, tipid na 'yon sa pamasahe. Ewan, magpapasalamat na lang ako sa kan'ya para naman makaalis na siya ngayon sa harapan ko.

"Fine, sala—"

Napatigil ako dahil bigla akong hinalikan ni Clyde sa pisngi!

Hinanap siya ng mga mata ko para bugbugin sana pero 'di ko man lang namalayan na nakasakay na pala siya sa kotse niya at nag-drive na paalis! Bwisit!

"H*yop ka, Christianak!"

Nian 's. P. O. V.

"I'll take her home," sabi ni Boss Clyde at umalis na kasama si Shey.

Galawan talaga si Boss Clyde, nagiging hokage na e. Sabi niya, hinding-hindi niya raw mamahalin si Shey, pero ano ba ang pinapakita niya sa ginagawa niya ngayon? Nako naman.

"Aalis na kami, bro!" paalam naman nina Johann, tumango na lang ako bilang tugon. Aalis na sana ako at uuwi dahil pagod na rin ako kaso may nakita akong babae na nakahiga na sa ilalim ng table.

Lumapit ako sa kan'ya at napamura na lang nang makita ang buong pagmumukha ng babae.

"The f*ck?! Bakit ka nila iniwan dito?!" naiinis kong sabi, muntik ko nang murahin ang lahat ng taong nandito sa loob ng bar e.

Simple lang naman ang nakita ko, si Jas lang naman ang bumungad sa 'kin, natutulog siya habang nakabukaka at tumutulo ang laway niya. Wala man lang delikadesa ang babaeng 'to, d*mn, paano na lang kung lasing na lasing na rin ako at naiwan siya rito?!

F*ck, delikado ang buhay niya, baka may mangyaring masama sa kan'ya, marami pa namang manyak dito.

Tinapik-tapik ko ang pisngi niya, mabuti naman at medyo dumilat siya. Magsasalita na sana ako pero hindi ko na ito natuloy nang pumikit siya uli.

Great, just f*cking great. Ano ang gagawin ko sa babae na 'to?!

Binuhat ko siya at nagsimula nang lumakad papalabas ng bar, ang gaan-gaan pa rin ng babae na 'to, parang 'di kumakain e. F*ck this, saan ko naman kaya 'to dadalhin? Hindi ko naman siya pwedeng dalhin sa kanila dahil mapapagalitan lang siya ng mommy niya d'on at syempre damay na ako. Madaldal pa naman din ang mommy niya, manang-mana siya d'on.

Bullsh*t, bahala na nga! Sa condo ko muna 'to papatulugin. Tae kasing mga kaibigan ko na 'ykn! Hindi man lang na-realize na naiwan nila si Jas. E paano na lang kung na-rape ang isang 'to? Iinom-inom kasi, 'di naman kaya.

Nilagay ko siya sa passenger seat, pumasok na rin ako sa kotse at nagsimula nang magmaneho papunta sa condo ko. Kailangan kong bilisan dahil baka biglang sumuka ang babaeng 'to, ayokong madumihan ang kotse ko dahil sa kan'ya.

"H-Hoy! S-Sino ka?" Napatingin ako kay Jas na nakaturo ngayon sa akin habang nakapikit pa ang isa niyang mata. Matindi na talaga ang pagkalasing ng babae na 'to, 'di na nakikilala ang kagwapuhan ko e.

"Alam mo, k-kamukha mo 'yung lalaking m-minahal ko noon," nauutal niyang sabi. Hindi na lang ako nagsalita dahil wala ako sa mood makipag-usap sa mga babaeng lasing kaya habang nagsasalita ang babae na 'to, mag-iisip na lang ako ng kahit ano-ano sa isip ko. Katulad na lang ng mga babaeng nasa magazine.

Gano'n na lang ang iisipin ko keysa makipag-usap pa ako sa babaeng 'to.

"A-Alam mo, minahal ko talaga 'yon nang s-sobra simula pa no'ng highschool pa lang kami, akala ko nga seryoso sa akin 'yon dati e."

Hmm... ano kaya ang magandang kulay ng isang babae? White, black, o kayumanggi? Mahilig din kasi ako sa medyo maiitim, basta maganda at pang-witwiw ang katawan, okay na ako r'on. At sino ba naman ang aayaw sa mga mapuputi? E kung kayumanggi na lang kaya para maiba naman?

"Alam mo k-kasi, dati... p-pinagsigawan niya talaga sa buong school namin na mahaaaallll na mahaaalll niya ako nang sobra, a-at na handa raw siyang magbago para s-sa 'kin. Playboy kasi 'yon e." Tsaka ang magandang kulay naman ng buhok ay black na medyo wavy, tapos syempre dapat ang curves ng babae ay hindi mawawala, dapat ang waistline ng babaeng gusto ko ay 18 lang.

"Kaya a-ayon, naging k-kami, ginawa niya talaga 'yung s-sinabi niya sa 'kin noon, na titigil na siya sa pagiging playboy at mamahalin niya ako h-higit pa sa mga babae niya n-noon; pero after 1 year, 'di ko alam kung bakit nakipagbreak siya s-sa 'kin, w-wala nga siyang sinabing dahilan sa 'kin e! Masaya naman kami... masayang-masaya, p-pero bakit gano'n?"

Medyo natigilan ako dahil naramdaman kong umiiyak na siya, gusto ko siyang patahanin pero pinigilan ko ang sarili ko, 'di ako pwedeng magpaapekto.
Patuloy lang dapat ako sa pag-isip ng dream girl ko.

Dapat ang pair ng bra at panty niya ay pang-girly mas nakaka-turn on kasi 'yon para sa isang lalaki e. I really think that it's cute.

"Akala ko n-nga noon, mamamatay na ako e, p-pero dahil sa gusto ko pang mabuhay noon, p-pinilit kong kalimutan siya. L-Lahat ng masasakit na alaala na kasama ko siya ay kinalimutan ko na, isama na rin nating ang nyetang masasayang alaala na kasama ko siya. N-Nagpanggap ako na walang lalaking nakapagpabiyak sa puso ko, na walang nakipagbreak sa 'kin, na walang nag-e-exist na lalaki na minahal ko no'n nang sobra-sobra... na wala akong nakilala na isang tulad niya."

Sh*t. Ang sakit... ang sakit-sakit. Kinalimutan na niya nga talaga ako.

F*ck, h'wag ko na nga lang pagtuunan ng pansin ang babae na 'to!

Gusto ko light make up lang pero dapat pula ang lipstick para kapag hinalikan ko 'yon, kakalat 'yon sa mga mukha namin at matu-turn on ako lalo.

"Gusto ko na talaga siyang kalimutan noon, pero parang 'di ko kaya. Parang ang sakit+sakit kapag iniisip ko 'yon."

Tapos gusto ko pa 'yung pahard-to-get pa 'yung babae para mas ganahan ako na makuha siya, boring kasi kapag bibigay kaagad, wala man lang thrill, 'di ako niyan gaganahan makipag-ano.

"Pero alam mo kung ano ang mas masakit na isipin? Na bumalik siya pero may mahal na siyang iba."

Wait, may mahal na akong iba? Teka ano ba ang iniisip ko?! Tapos syempre, ang gusto ko ay maputi ang legs at medyo malaman, 'yung parang sa chicken, mas malaman kasi mas masarap.

"Kaya napagdesisyunan kong kalimutan ulit siya! Na burahin uli siya puso't isip ko! Pati na rin sa buhay ko! Kung pwede nga ring burahin na rin siya sa tang*nang mundo na 'to e! Pero 'di ako mamamatay tao ah! Gusto ko lang huwag nang masaktan. Nakakapagod nang masaktan e. Kaya kapag pinatay ko ang lalakeng 'yon, h'wag mong sasabihin ah? O kaya isama na lang kita para 'di mo ako masumbong tsaka alam mo na rin naman ang kwento ng buhay ko at 'di mo rin naman ako kilala kaya pwedeng-pwede rin kitang patayin. Anytime, anywhere." Baliw na ang babaeng 'to.

Saan kaya kami pwedeng umano ng babaeng nasa imagination ko na 'yon? Saan kaya ang magandang lugar? Sa beach? Sa bar? Sa kwarto? Sa Cr?

Masyado na kasing common kung sa kwarto lang, kapag sa cr naman ay nakakasawa na rin, kaya dapat iba naman. Ma-try ko nga sa amusement park, d'on sa loob ng haunted house.

Maganda kasi d'on e, madilim. O 'di kaya sa kweba na lang para malamig at madilim din. Sabi kasi sa 'kin ng kapwa ko babaero, kapag taglamig daw... taglibog. Psh, ako nga kahit anong weather e. Weak pala sila.

Okay na okay na sana ang mangyayari sa isip ko pero bigla akong napapreno at namilog na rin ang mga gwapo kong mata dahil sa sunod niyang sinabi.

Ano ang pinagsasabi ng babaeng 'to?!

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon