Kabanata 4

420 11 0
                                    

Azu's P. O. V

"Heh ka rin!" Bwisit na Shey na'to, gustong gusto ko na siyang batukan kanina pero nakakahiya naman kasi sa mga lakaki na'to. Baka kung ano ang isipin nila tungkol sa akin, mabait naman talaga kasi ako ng konti.

"Ahm. Nagpakilala na kami, pwedeng kayo naman ang magpakilala?" tanong no'ng Nian sa amin. Ay oo nga pala, 'di pa pala kami nagpakilala. Wala na sana akong planong magpakilala, ayoko na rin naman kasing makita uli ang pagmumukha nila.

"Playboy ka pa rin talaga Nian 'no?" sabi ni Jas do'n sa lalaking nangangalang Nian. Magkakilala sila? Babatukan ko rin ang babae na'to mamaya, 'di niya man lang sinabi sa akin kanina na may kilala siya sa mga manyak na'to.

"Ano ba'ng pake mo? Bitter ka pa rin ba dahil nakipagbreak ako sa'yo noon?" Siya yung sinasabi ni Jas sa amin dati?!
Yung lalakeng una niyang naging boyfriend pero pinaglaruan lang pala siya? What a small world.

"Ang kapal ng mukha mo. Matagal na yo'n!" sigaw niya sabay pasok sa cr.

"Affected," bulong naman ni Nian sa kaniyang sarili. Napabuntonghininga na lang ako.

Nakakapagod silang tingnan.

"Pasensyahan niyo na lang 'yang mga kaibigan ko. Ganiyan talaga 'yan," sabi naman ni Fifth. Yung Alex naman ay naka earphones lang, wala siyang pake sa mga nangyayari sa paligid niya. Sana all.

"Okay lang 'yon, ako nga pala si Icia, ito si Azu, ayon si Shey at yung nag-walkout naman ay si Jas," nakangiting sabi ni Icia. Mabuti nga at nandito si Icia, dahil kung hindi... pinalo ko na silang lahat ng bass ko! Kanina pa ako gutom dito oh.

"Nice to meet you, gils. Sige, aalis na kami. Pasensya sa abala," paalam ni Fifth at hinigit na paalis yung tatlo niyang kasama. Hay, salamat. Makakakain na ako.

Kinuha ko na rin ang baon ko no'ng lumabas na sila at nagsimula nang kumain.

"Ano? Wala na ang unggoy na 'yon?" tanong ni Jas na kakalabas pa lang sa cr. Umiling na lang ako habang kumakain pa rin.

"Wala na. Hindi naman siyang mukhang unggoy ah. Gwapo kaya siya," sabi ni Icia, nakita ko naman na umirap na lang si Jas.

"Pangit 'yon! Maniwala ka sa'kin," sabi niya at kinuha yung baon niya tsaka nagsimulang kumain.

"Bakit nga pala sila hinahabol?" tanong ko sa kanila.

"Baka dahil sa kapangitan ng Christianak na 'yon!" sigaw ni Shey at nagsimula na ring kumain. Napakagulo nilang tingnan, ang hirap intindihin nilang lahat.

"Kayo ah. Baka magkadevelopan na kayo ni Clyde. Yung parang sa teleserye lang," wika ni Icia. Kumunot ang noo ni Shey tsaka tumawa nang napakalakas. Nasiraan na naman ata ng ulo ang isang 'to.

"Ako? Magkakagusto sakanya? Asa!" sigaw niya habang pinalo-palo pa ang lamesa with matching nakakairitang tawa.

"Reason," sabay-sabay naming sabi.

'Yan ang nagagawa ng pag-ibig sa mga tao. Pwede silang mabaliw dahil sa pagibig, mabuti pa ako wala akong balak magkaroon ng love life. Hinding hindi. Hindi na muli.

Shey's P. O. V

"Class dismiss," paalam ni Ma'am at umalis na sa room. Niligpit ko na rin naman ang mga gamit ko at lumapit kina Azu na nililigpit na rin ang mga gamit nila.

"Ano pala ang tutugtugin natin para do'n sa mga transferees?" tanong ni Icia. Muntik ko nang makalimutan, 'di pa pala namin 'yon napag-usapan. Bwisit kasi na mga transferees na 'yan, maypa-special program pang nalalaman. Pare-pareho lang naman kaming tao rito eh.

"Yung latest cover na lang natin," sabi ni Azu.

"Okay, 'yon na lang," sagot naming tatlo at lumabas na ng room. Ganiyan talaga kami mag-decide ng kakantahin namin. Hindi kasi kami katulad ng ibang banda na pagpili lang ng kanta na kakantahin ay gagawin na kaagad na complicated. Mahirap kaya kapag gano'n, ayaw naming apat sa mga komplikadong bagay. Nakakapagod.

"Kailan ba yung program?" tanong ni Jas, 'di ba 'to na-inform?

Napailing-iling na lang ako.

Puro pagda-drum at facebook lang ang inaatupag ng babae na'to eh.

"The day after tomorrow," sagot naman ni Icia. Malapit na ang program pero ngayon lang kami nakapagdesisyon kung ano ang tutugtugin namin.

"Ah. Praktis na lang tayo bukas," wika ni Azu. Iniisip ko pa lang na magkakaroon ng program bukas ay napapagod na kaagad ako. Nakakapagod tumugtog at kumanta.

"Kailangan pa ba 'yon? Nakakapagod kayang mag-rehears." Sinamaan naman ako ng tingin ni Azu dahil sa sinabi ko. Bawal na ba akong magreklamo rito?

"Gusto mong mamatay?" Bakit ba kasi nagtransfer pa ang apat na 'yon dito?

"Sige na nga! Mahal ko pa ang buhay ko, ayoko pang mamatay," pagsasang-ayon ko. Wala na rin naman akong magagawa eh, mukhang gustong gusto nilang mag-perform, hindi ata nila naisip na napakarami pa naming requirements na ipapasa.

Grabe, hindi ko alam na ganito pala kahirap kapag naging teenager ka na. Dati, palaro-laro lang ako ng chinese garter diyan sa kanto eh.

Nabalik naman ako sa aking wisyo no'ng bigla silang natawa. Tinanong ko sila kung ano ang nangyari pero hindi nila ako pinapansin at patuloy pa rin sila sa pagtawa.

Mukhang nawalan na naman ng turnilyo ang mga ulo ng tatlong 'to.

"Magsasalita kayo nang maayos o mag ba-backout ako sa bwisit na performance na 'yon?" pagbabanta ko sa kanila. Natigilan silang tatlo at tumikhim bago magsalita nang maayos.

Marunong din naman pala silanv makinig eh. Kailangan pa talagang takutin.

"Eh paano naman kasi Shey, mukhang sobrang dami mong iniisip diyan. Mukhang namatayan ka," wika ni Jas sabay akbay sa akin.

"Oo nga. Ang pangit mong tingnan!" Grabe naman makalait ang Azu na'to, batukan ko to eh. Maganda kaya ako! Mukha akong supermodel!

"Oo nga, Shey. Mas bagay sa'yo yung parang anghel, yung pang inosente look," komento naman ni Icia. Eew, 'di ako bagay maging anghel. Masyado pang-demonyo ang ugali ko kaya ekis 'yan sa akin.

Gusto ko sana silang batukan pero nandito kasi si Azu eh. Endangered ako.

"Heh! Tumigil nga kayo. Uuwi na ako!" sigaw ko sa kanila nang makita ko ang kotse ni kuya. Kumaway naman sina Azu at bahagyang ginaya ang hitsura ko tsaka tumawa. Inirapan ko na lang sila at mas lalo silang natawa dahil sa ginawa ko. Natawa na lang din ako. Para kaming timang.

Napakaraming bagay ang nangyari ngayong araw. Marami rin akong nakilala at nakaaway. Magtutuos pa kami ng Christianak na 'yon. 'Di pa kami tapos.

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon