Kabanata 26

158 4 0
                                    

Boracay

*Shey'sP. O. V*

Nandito kami ngayon sa tapat nang hotel na tutuluyan namin, napanganga kaming apat dahil sa laki nitong hotel, yung mga lalake naman ay diretso lang ang lakad papasok sa hotel habang kaming apat ay namemezmerize pa dahil sa ganda nito

"Girls tara na sa loob! Malamig sa labas baka magkasipon kayo! ", sigaw ni Fifth, nabalik naman kami sa wisyo at tumakbo papunta sa kanila, dumapo ang tingin ko kay Nian na agad na inakbayan si Icia

"Labs okey ka lang ba? Nagkaubo ka ba? May masakit ba sayo? ", di naman halata na OA itong isang to diba? At di naman masyadong halata na nagpaparinig siya kay Jas,hinding hindi halata diba?


"Okey lang naman ako", sabi niya, nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Jas, papasok na sana siya sa loob ng hotel pero napatigil siya sa mga sumunod na lumabas na salita sa bibig ni Nian

"Ikaw Jas? Okey ka lang? ", tanong niya ng hindi nakatingin kay Jas

"O-ok lang ako", sabi niya, tumango naman siya at pumasok na kasama si Icia,marami na talaga akong di alam dito....

"Hoy gf, tutunganga ka na lang ba diyan? ", tanong nung naligaw na tyanak dito sa Boracay, bwisit naman to eh, panira ng moment... Parehas lang sila ni kuya, psh.....

"Oo na", sabi ko at pumasok na sa loob ng hotel, napanganga ako dahil sa ganda nito, ano pa ba ang ineexpect ko? Hotel to ng mga Jancaster eh, habang inaalam namin kung alin ang room namin ay yung mga dalagang employee naman dito sa hotel nato ay todo sulyap kay tyanak at mag bubulungan at mag tatalon talon na parang kinikilig at susulyap uli at mag bubukungan uli at mag tatalon talon nanaman, psh... Muntanga lang

Nang matapos na ang pag aalam namin kung anong numbet ang room namin ay dali dali kong hinigit si tyanak

"TARA NA NGA!! MARAMING MGA ECHOSERANG TAO DITO SA PALIGID EH! ", Sigaw ko, kumunot naman ang noo ni Tyanak pero nagpahila na lang siya saakin, tiningnan ko naman yung mga babae kanina na ngayon ay nakatingin saakin ng masama, Inikutan ko na lang sila ng mata, psh.... Ayoko sa lahat ay ang malalanding tao...

Ng nakapunta kami sa highest floor ay tumigil na kami, sa highest floor raw kasi ang kuwarto namin

"Ooy girls, sama sama kayo sa isang kuwarto, room no. 4016,si Alex, Aaron, Johann, at Frank naman ay nasa room no. 4017,habang yung kina Nian, Andrew , akin, at kay Clyde naman ay nasa room no. 4015", sabi ni Fiftu, nakita ko namang kumunot ang noo ni Azu

"Wala ng available na rooms na iba", sabi ni Alex at pumunta na sa room niya, pumasok na rin yung iba sa room nila para makapagpahinga, pumasok na rin ako sa room ko at inilagay ang maleta ko sa katabi ng kama ko, malaki ang espasyo dito, ang isang kuwarto nato ay parang isang condo na apat ang kuwarto

"Lalabas na muna ako ah, magpapahangin lang", sabi ko, gutom na rin kasi ako ng kaunti

"Bilisan mo lang, may Orientation pa tayo at paguusapan pa natin tungkol dun sa battle of the bands", paalala saakin ni Azu, tumango naman ako at lumabas na, pagkalabas ng pagkalabas ko ay sakto rin na lumabas rin si Tyanak sa room niya

"Saan ka pupunta? Diba may orientation pa kayo? ", tanong niya saakin, bakit ba ganito saakin ang lalake nato?

"Pupuntahan ko si Barney sama ka? ", tanong ko sakanya, kumunot naman ang noo niya, hinawakan niya ako sa magkabilang bakikat at idinikit ako sa pader

"Tinatanong kita ng maayos kaya sumagot ka rin ng maayos, gem-freak", ah shit.... Ang bango niya.. Ang ganda ng mga mata niya... Ang tangos ng ilong niya.... At... At... Ang pula pula ng labi niya... Ba't bumibilis ang tibok ng puso ko? Bakit ako ganito?



Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon