Kabanata 54

155 4 0
                                    

Im sorry

Shey's P.O.V

Lumapit na rin naman kaming lahat kay Clyde at bumuntong hininga

"Mukhang nasa matino pa naman siyang pag iisip ng kaunti", sabi ni Johann habang naka crossed-arm at nakatingin lamang kay Clyde

"Paano mo naman nasabi?", tanong pabalik ni Nian sakaniya, nakita ko naman na pinailaw na nina Alex ang mga ilaw sa loob ng buong bahay

"Eh nakakaligo pa siya eh, di naman siya mabaho", sagot niya habang natatawa ng kaunti. Binatukan naman siya kaagad ni Andrew

"Shey. Are you okey?", tanong ni Frank saakin, tumango naman ako ng kaunti

"May sugat ka", sabi niya at bumuntong hininga

"Kaunti lang naman eto kaya okey lang. Ang importante ay kailangan na nating mapagamot si Clyde kaya pumunta na tayo sa hospital nina Lemuel. Itetext ko na lang siya na ipapasok natin si Clyde duon", lalapit pa sana ako kina Clyde pero bigla akong napatigil nang may naramdaman akong humawak saaking kamay, nilingon ko naman iyon at nakita ko si Tita Cerene na diretsong nakatingin saaking mga mata

"Huwag na Shey. Marami ka ng natulong saamin. At tsaka mas gugustuhin namin ng Dad niya na dun na lang sa hospital namin ipasok si Christian", napatigil naman ako at tumango tango

"Sige po. Pero maaari bang bumisita ako sakaniya?", tanong ko. Ngumiti naman siya at tumango

"Oo naman. Diba gusto mo ang anak ko?", namula ako dahil sa tanong ni Tita Cerene. Tumindig kaagad ang mga balahibo ko ng tumikhim ang mga Aces

"Gusto mo ba Shey o mahal?", pang aasar na tanong ni Fifth. Natawa naman sila habang ako naman ay parang naging pipi na dahil sa mga nangyari. Kaharap ko ngayon ang totoong ina ng taong mahal ko. Di ko inaakala na dadating ako sa puntong ito

"Oh? Bat di ka nakapagsalita Shey? Okey lang yan. Naiintindihan ko naman na nahihiya ka. Basta silence means yes diba?", nakangising tanong ni Tita Cerene. Lalo naman akong dinaluyan ng kaba sa aking buong katawan. Tumango na lang ako bilang sagot. Wala namang masaya kung aaminin ko sa Mama ni Clyde na gusto ko ang anak niya diba?

"Thats great then. Nasainyo na ang basbas ko", she said with a smile

"Ayieee. Kailan kasal?", sabay sabay na tanong nina Johann. Lumapit naman ako sakanila at binatukan silang lahat

"Tara na nga. Tantanan niyo na yang si Shey", dagdag pa ni Aaron, tinawagan na rin ni Tita Cerene yung mga staffs ng hospital nila. Sinimulan na rin nilang dalahin si Clyde duon habang ako naman ay nanatili lang kasama ang Aces

"Shey", tawag saakin ni Alex. Nginitian ko naman siya

"Okey ka lang ba? May sugat ka rito oh", dagdag naman ni Nian habang hinahawakan ang braso ko, napasinghap naman ako dahil dito

"H-huwag mong hawakan!", sigaw ko sakaniya. Itinaas niya naman ang kaniyang kamay na para bang dinadakip siya ng mga pulis. I glared at him

"May first aid ako rito", sabi ko at tsaka kinuha ang first aid kit sa aking bag, lumapit naman saakin si Fifth at tsaka kinuha saakin yung kit

"Ako na", sabi niya at tsaka pinaupo ako at sinimulan ng gamutin ang aking sugat, napatingin naman ako sakaniya bigla nang narinig ko ang kaniyang buntong hininga

"Bat ba ang kulit mo Shey ha? Diba sabi namin sayo huwag na huwag kang pumunta rito. Lalo na kung mag isa ka lang. Tingnan mo tuloy, napahamak ka pa", sermon niya saakin habang tuloy parin ang paggamot saakin

"Sorry. Gustong gusto ko lang talagang makausap si Clyde at tsaka di ko naman inaakala na ganun na pala kalala ang sitwasyon niya", i explained. Napa-aray naman ako bigla at napatingin sakaniya nang pinitik niya ang aking noo

"Pero dapat nga magpasalamat pa kami sayo eh, siguro kung hindi ka pumunta rito tuluyan ng nawala sa atin si Clyde. Tuluyan na siyang kinain ng sakit niya", dagdag niya pang sabi, ngumiti naman ako bilang sagot

"Done", napasinghap ako bigla nang nilagyan niya na ng band aid ang sugat ko, natawa naman si Johann ng kaunti

"Masakit ba Shey?", pang aasar niyang tanong. Tiningnan ko naman siya ng masama

"Sorna", pag papumanhin niya

"Heh", sagot ko naman. Natawa na lang sila ng kaunti, nakisama na rin ako. Di ko inaasahan na ganito pala ang mangyayari ngayong gabi

Pero mas maganda na rin to, atleast nasa ligtas na lugar na ngayon si Clyde. Kasama na niya ang totoo niyang ina, kasama na talaga siya ng pamilya niya kaya nagpapasalamat talaga ako ng todo dahil natulungan ko siya, natulungan ko siya makalabas sa madilim na kuwarto kung saan siyang matagal na nanatili duon

"Alam ba to nina Jas?", napatingin ako bigla kay Nian nang narinig ko ang tanong niya. Tiningnan ko naman siya habang may nakakalokong ngiti na nakapinta sa aking mga labi

"W-what? Masama na bang mag tanong ngayon?", tanong niya naman pabalik. Nakita ko naman na pinipigilan na ng todo nina Andrew ang kanilang mga tawa

"Mali ata ang tanong mo Nian, dapat alam ba to ni Jas hindi alam ba to nina Jas. Alam ko naman na nag aalala ka sakaniya at ayaw mo na siyang madamay pa rito", sagot ko. Namula naman siya dahil dito, napailing iling na lang ako

"Amin din kasi paminsan-minsan. Napakatorpe niyong dalawa ni Alex", dagdag ko pa, kumunot naman ang noo nina Nian at Alex dahil dito

"Bat nakasali ang pangalan ko jan sa usapan niyo? Nananahimik na nga ako rito eh", sabi niya at sinalpak ang earphones niya sakaniyang taenga. Natawa na lang kami

"Shey", tawag saakin ni Aaron

"Hm?", i replied

"Papunta na rito ang mga kuya mo. Pati na rin ang mga magulang mo", sagot niya. Napatigil naman ako at napabuntong hininga. Napatungo na lang ako

Hindi pa ako handa makausap si Mama, lalo naman si Papa. Gusto ko sanang makausap sila pakatapos ng ilan pang araw

"Okey lang ba sayo to?", tanong niya saakin. Napatingala naman ako at tiningnan siya ng diretso sakaniyang mga mata. Ngumiti naman ako at tumango na lamang

"Kung hindi ka pa handa... Gusto mo umalis na tayo ngayon dito at sina Andrew na lang ang haharap at kakausap sakanila. Maiintindihan naman nila ata iyon", Frank suggested. Umiling naman ako

"Huwag na. Siguro oras na rin talaga para kausapin ko sila", i replied

"At ayoko ngang maiwan dito, galit na galit ang mga kuya ni Shey. Nakakatakot pa naman ang mga yun. Lalo na yung kakabalik pa lang sa Japan", sabi ni Andrew habang umiiling iling

Sabagay, naiintindihan ko naman sila. Dating miyembro sila ng Black Satans, at kung magaling si Lemuel sa Martial Arts, inaasahan ko naman na mas magaling si Kuya Leion keysa sakaniya. Kung titingnan mo naman talaga at ikompara silang dalawa ay mas matipuno si Kuya Leion keysa kay Lemuel, pero hindi naman ibig sabihin na hindi na matipuno si Lemuel, halos pareho naman sila at kapantay naman lang nila si Kuya Shaun. Pare pareho silang hot

Napatingin kami bigla sa pintuan nang pumasok na sina Mama at Papa. Nagkatinginan naman kami bigla ni Mama diretso sa aming mga mata. Agad naman siyang tumakbo papunta saakin at niyakap ako ng napakahigpit. Yung tipong yakap na halos hindi ka na makahinga sa sobrang higpit. I smiled. Namiss ko ang ganito

"Ma... Im sorry"

End of Chapter 54

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon