Kabanata 50

143 4 0
                                    

Almost

Shey's P.O.V

Kumakain kami ngayon ng agahan dito sa kusina. Di naman kami nagmamadali dahil sabado naman at walang pasok. Balak ko sanang kausapin si Clyde bukas o kaya mamaya pero pinipigilan ako nina Kuya Shaun at Lemuel, di ko alam kung bakit. Ganun ba kalala ang sakit ni Clyde para iwasan ko siya?

"Aalis na muna ako", sabi ni Lemuel at tumayo. Ngumisi naman si Kuya Shaun

"Bakit? Dahil talo ka sa pustahan?", Natatawang sabi niya. Inaasar niya nanaman si Lemuel eh, napailing iling na lang ako. Mabuti nga si Lemuel na ang tinatarget niya, hindi na ako

"Shut up", pikon na sabi ni Lemuel. Napailing iling uli ako nang tumawa ng napakalakas si Kuya Shaun. Sinubuan ko siya ng pagkain kaya napatigil siya sa kakatawa, natawa naman kami ni Lemuel dahil sa nangyari

"Ang daya mo ah!", sabi niya pakatapos niyang lunukin ang pagkain na sinubo ko. Tinawanan na lang namin siya

"Sige na. Aalis na muna ako, may kailangan akong sunduin",paalam ni Lemuel. Tumango na lang kami, sanay na rin kasi kami na palaging umaalis si Lemuel

Tumayo naman ako at inilagay ang pinagkainan ko sa lababo, ginaya naman ako ni Kuya

"Kukunin ko lang ang phone ko, ako na ang maghuhugas", sabi ko. Kuya Shaun smiled and nodded. Pupunta na sana ako sa living room pero napatigil ako nang makita ko si Lemuel na nakatungo, kumunot naman kaagad ang noo ko

"Oh Lemuel? Akala ko ba aalis ka?", narinig kong tanong ni Kuya Shaun sa likod ko, hindi sumagot si Lemuel at tiningnan na lamang kami

"Hello there", kumunot lalo ang mga noo naming dalawa ni Kuya Shaun nang may pumasok sa loob na isang magandang babae, may kasama pa itong lalake na ang hula ko ay halos kaedad lang ni Kuya

"Hello po", nakangiti kong bati at nagbow ng kaunti. Tiningnan ko yung kasama nung babae. Kamukha niya si Lemuel, sobrang tangkad nito. Matatangkad din naman kami pero sadyang mas matangkad lang talaga siya

"Ano ang mga pangalan niyo Iha? Iho?", nakangiting tanong nung babae.

"Ako po si Shey at eto naman po ang kuya ko na si kuya Shaun", sagot ko. Napatingin ako kay Lemuel, bat di siya nagsasalita? At sino ba itong mga kasama niya? Bakit parang ang awkward ng atmosphere rito?

"Ow. Kayo pala ang anak ng asawa ko sa ibang babae", napatigil ako sa sinabi niya. Kaya pala hindi makapagsalita si Lemuel, nandito pala ang mama niya. Nandito ang legal na asawa ni Papa, nasa harap namin ang legal na pamilya ni papa. Biglang kumirot ang dibdib ko, legal na pamilya. Masakit isipin

"Oh? Hey hey hey. Im sorry if i offended you, huwag kayong mag alala. Okey lang saakin. Hindi niyo naman kasalanan yun eh, hindi rin ito kasalanan ng Mama niyo. Ang totoo talaga ay kasalanan ito ng malandi kong asawa", sabi niya. Napatigil naman kami ni Kuya habang si Lemuel naman ay nabigla

"Ako si Leila. Pwede niyo ko tawagin ng kahit na anong gusto niyo", nakangiti niyang sabi. Napatungo ako

"Okey na po ako sa Tita", sabi ni Kuya Shaun. Napatingin naman kami bigla sa kasama niyang binata nang nagsalita ito.

"Im Leion", sabi niya

"Kuya ba kita?", tanong naman ni Kuya, napatango na lang si Kuya Leion.

"Im a year older than you", sabi ni Kuya Leion. Napatango tango naman si Kuya Shaun

"Kuya Leion. Di ako sanay na may kuya", nakangusong sabi ni Kuya Shaun. Sinuntok naman ni Kuya Leion ito sa balikat . Mahina lang naman yun kaya di naman nasaktan si Kuya. Nakita ko naman na napatingin saakin si tita Leila. Bigla akong napatigil nang niyakap niya ako

"I really want to have a daughter", napangiti na lang ako. Di ko inexpect na ganito pa1qla kabait at ka jolly ang mama ni Lemuel at Kuya Leion. Kumalas na rin naman sa yakap si Tita, lumapit saakin si kuya Leion at pinat ako sa ulo

"May sister na ako, at bunso pa. Tatlo na ang kuya mo, tingnan na lang natin kung may makakaligaw pa sayo", nakangising sabi ni Kuya Leion, napatawa na lang kami. So this is how their family feels like. I want this kind of family. Pero hindi pwedeng hayaan at kalimutan ko na lang si Mama, siya parin ang totoo naming ina. Tama si Alex. I need to talk to her soon.

Shey's Mom's P.O.V

"Umuwi raw sina Leila at Leion at nakilala na nila sina Shey at Shaun", narinig kong sabi ng asawa ko. Napatingin naman ako sa baba.

Please forgive me Shey and Shaun. I really miss the both of you. Handa akong isuko ang lahat para sa mga anak ko, kaya kong isuko ang negosyo ko. Kaya ko rin isugal ang buhay ko para lang sa aking mga anak

Shey's P.O.V

"Aalis na muna ako", sabi ko. Napatingin naman silang lahat saakin

"Saan ka pupunta Shey?", tanong ni Tita Leila, nakakunot naman ang noo nina Kuya Leion, Kuya Shaun at Lemuel

"Sa school po. May kukunin at kakausapin lang po ako dun", sabi ko. Napatango na lang sila. Nanonood kasi sila ngayon ng Game 5 ng Boston at Cavs. Aalis na sana ako pero natigilan ako nang bigla akong tinawag ni Lemuel

"Hatid na Kita Shey", sabi ni Lemuel, pinaupo naman siya ni Kuya Leion

"Ako na ang hahatid sakaniya, umupo ka na muna jan. Alam ko naman kung saan ang eskwelahan niyo kaya wag kang mag alala. Gusto ko rin makabonding ang kapatid kong babae no", sabi ni Kuya Leion, napangiti lang si Lemuel at umupo uli, napangiti na lang ako nang inakbayan uli ako ni Kuya Leion, ang hilig mang akbay ng isang to ah

"Kuya- ay sorry. Pwede ba kitang tawaging Kuya?", tanong ko nang nakapasok na kami sa loob ng kotse niya. Nginitian niya na lang ako at nagsimula ng magmaneho

"Oo naman, bat naman hindi?", sabi niya. Napangiti ako ng napakalawak dahil sa sagot niya. Nagpapasalamat talaga ako dahil mababait sila

"Kumusta pala ang pag aaral mo?", tanong niya saakin habang diretsong nakatingin sa dinadaanan namin

"Okey naman Kuya Leion. Namementain ko parin naman ang grades ko kahit nagbabanda ako", pagliliwanag ko sakaniya. Nipat niya naman uli ang aking ulo gamit ang isa niyang kamay. We laughed a little

Ganito pala ang pakiramdam ng maraming kuya, tatlo na kaagad ang kuya ko and im so glad about it. It feels like having three hot and handsome bodyguards.

Di naman kami natagalan sa pagpunta sa J.U. Medyo malapit lang naman kasi ito sa condo ni Lemuel kaya di na kami natagalan pa. Paglabas ko sa kotse ni Kuya ay agad niya naman akong pinalapit sa driver seat, ginawa ko naman yung sinabi niya. Napatigil ako bigla nang naramdaman ko ang halik niya sa aking pisngi

"Mag ingat ka bunso. Bye", he said while smiling. Napangiti naman ako at tsaka tumango,nagsimula na rin naman siyang magmaneho palayo

Pakatapos nun ay nagsimula na akong lumakad papunta sa music room. Kailangan naming pag usapan kung kailan kami pupunta sa bahay nina Clyde. Kailangan na kasi talaga namin siyang makausap pero ang gusto ko sana ay ako na muna ang kakusap sakaniya ng mag isa pero sa tingin ko ay di naman nila hahayaan iyon

Pagpasok ko sa loob ng Music Room ay bigla akong napatigil at kumunot rin ang aking noo nang nakita kong seryoso na seryoso sila, halos naiiyak na rin sina Azu, Jas at Icia

"Anong nangyari?", tanong ko sakanila

"Shey, si Clyde. Muntik na siyang makapatay"

End of Chapter 50

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon