Shey's P.O.V
Lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, anong ibig niyang sabihin? Kapatid? Paano?
Nakita kong tumayo si Clyde sa kinauupuan niya at lumapit sa may stage, kinuha niya ang mic mula kay Lemuel
"Im Christian Clyde Jancaster, the only son of the owner of this hotel. You can go home now. Thank you for your participation, i hope you enjoyed your stay here", diretso niyang sabi, agad naman na nagsitayuan ang mga participants at pumasok na sa loob ng hotel para magligpit na ng kanilang mga gamit habang ako naman ay napako parin sa kinauupuan ko
"S-shey?",napatingin ako sa tumawag saakin. Nakita ko si Icia na nakahawak sa balikat ko. Di ko maintindihan ang lahat ng to. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Dalawang bagay lang ang nasa isip ko ngayon. Na miyembro si Lemuel ng black satans at kung siya ba ang anak ni papa sa ibang babae, o sadyang biro lang ba talaga ang lahat ng to.
Pero bakit naman siya magbibiro? Sana nga biro na lang ang lahat ng to, pero kung nagbibiro lang ba talaga siya. Well, gusto ko ng ipaalam sakaniya na hindi to nakakatuwa
"Shey, magiging okey lang ang lahat, tanungin mo sila", narinig kong sabi ni Azu, lumapit naman saakin sina Andrew pero hindi ko sila pinansin at dire diretso lang akong lumapit kay Lemuel at hinawakan ang kwelyo niya.
"Sino ka? At ano ang ibi mong sabihin? Paano kita naging kapatid?", pasunod sunod kong tanong sakaniya. Nakita ko naman na napangisi siya dahil sa ginawa at sinabi ko
"Palaban ka. Siguro dumadaloy na talaga to sa dugo natin. Kapatid kita Shey, pareho tayong ama pero-"
Di ko na pinatapos ang sasabihin niya, agad ko siyang sinampal kaya napatingin siya sa gilid. Ayokong marinig ang sasabihin niya. Ayokong tanggapin.
Nakita ko naman na lumapit saakin si kuya na may pag aalala sa kaniyang mga mata
"Shey. Tama na yan. Huwag mong saktan si Lemuel, kapatid natin siya",naramdaman kong unti unti ng tumulo ang mga luha ko galing sa aking mga mata
"A-alam mo?", tanong ko. Hindi siya sumagot at tumungo na lang. Tiningnan ko silang lahat, nakatungo lang sila, kasama na duon si Clyde
"Alam niyong lahat?", garalgal kong tanong. Pumipiyok na ang boses ko dahil sa pag iyak pero hindi parin ako tumitigil sa pagtanong, gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong malaman ang lahat.
"Sagutin niyo ang tanong ko! Alam niyo ba?!", pasigaw kong tanong. Napatingin naman saakin si Johann at tumango. Naramdaman ko nanaman na nagsilabasan kaagad ang mga luha ko, napatingin ako kina Azu, Jas at Icia
"Azu, Jas at Icia. Kailan niyo pa nalaman?", mahinahon pero may bahid na inis na tanong ko. Napatingin naman silang tatlo saakin, wala na akong pakealam kung pinagtitinginan na kami ng ibang hotel staffs dito, nagpapsalamat na lang ako na wala ng ibang participants ang nasa labas ngayon.
"Noon pa Shey. Simula pa nung nakilala ka namin at ang kuya mo, hindi...mali. Bago pa namin makilala kayong dalawa", matigas na sabi ni Azu. Napahagulgol ako, nanlambot ang mga tuhod ko, nakita ko naman na aalalayan na sana ako ni Fifth pero pinigilan ko siya at tinabig ang kaniyang mga kamay
"Pano?"
"Kinausap kami ng parents namin na palagi ka raw kausapin, pero Shey maniwala ka -"
"Ginawa niyo akong tanga!",sigaw ko. Matagal ko na silang kasama pero di man lang nila sinabi saakin. Bakit? Wala na ba akong karapatan na malaman ang mga nangyayari sa buhay ko? Nakakainis
"Shey. Sorry. Ginawa lang namin yun para protektahan ka. Para hindi ka mabigla",sabi naman ni Icia, tumayo ako habang nakakunot ang aking noo
"Protektahan? Pagpo-protekta ba ang tawag niyo dun sa ginawa niyo? Sa pagkakaalam ko hindi eh. Imbes na protektahan niyo ang nararamdaman ko ay pinagmukha niyo lang akong tanga. Parang ginawa niyo akong bata!", sigaw ko ulit. Napatungo naman ulit sila, lumapit saakin si Clyde at hinawakan ang kamay ko tsaka ako tiningnan diretso saaking mga mata
"Ginawa namin lahat para di muna malaman. Para hindi ka mabigla. Para hindi mangyari tong ginagawa mo ngayon. Ginawa namin ang lahat. Ganiyan ka ba magpasalamat?! Ganiyan ka ba tumanaw ng-"
Napatigil silang lahat nang sinampal ko si Clyde ng napakalakas. Napabitaw siya sa pagkahawak sa kamay ko
"Hindi ko hiningi sainyo na gawin to. Hindi ko sinabi sainyo na itago niyo saakin ang katotohanan kaya huwag mo kong pagsalitaan ng ganiyan dahil hindi mo alam kung ano ang nararamdaman ko, huwag kang umakto na kilala mo ako", matigas kong sabi at nilampasan siya. Gusto ko ng makaalis rito, gusto kong makalayo sa kanilang lahat. Baka kung ano pa ang masabi ko.
"Shey", napatigil ako nang biglang hinawakan ni kuya ang balikat ko. Napatingin ako sakaniya, nakita ko ang pag sisisi at pag aalala sakaniyang mga mata. Kaya pala kasama niya si Lemuel kanina, kaya pala parang matagal na silang magkakilala dahil matagal na ring alam ni kuya na kapatid namin siya. That's bullshit
"Alam kong kakasabi ko lang sayo na tatandaan kong magiging kuya kita hanggang sa huli, pero pakatapos ng nangyari, napatanong ako sa sarili ko", inalis ko ang kamay niya na nasa balikat ko at hinarap siya
"Kuya pa ba talaga kita?", matigas na tanong ko sakaniya, nakita ko naman na nasaktan siya dahil sa sinabi ko. Kung nasasaktan siya dahil sa sinabi kong yun sana inisip niya na mas masakit na itago niya ang napakaimportanteng bagay sa sarili niyang kapatid
"Akala ko magtutulungan tayo dito eh, pero sa ginawa mong yan parang trinaydor mo na rin ako, parang ipinaramdam mo saakin na hindi mo ako kayang pagtiwalaan, parang dahil sa ginawa mo hindi ko na naramdaman na tinuring mo akong kapatid, kahit ni katiting lang", sabi ko at umalis na sa harap nila
Binilisan ko ang paglakad ko papalayo sakanila dahil narinig ko nanaman na tinatawag nila ang pangalan ko. Naramdaman ko na patuloy lang sa pag agos nitong mga luha ko. Parang isang gripo na ayaw sumara. Tch.
Pumunta ako sa kuwarto namin at kinuha ang maleta ko, dali dali akong nagcheck out. Ayoko ng makasabay silang makauwi
"Thank you Maam and i hope you enjoyed your stay here in Jancaster Hotel, i hope that we'll see you here again", nakangiting sabi nung hotel staff na nasa counter. Di na ako kumibo at ngumiti na lang. Gusto kong sahihin sakaniya na hindi na ako babalik dito, masyadong marami ng masasamang ala ala ang nabuo sa lugar nato
Agad naman akong pumara ng taxi. Huminto naman ito
"Saan po ba ang punta niyo maam?", tanong saakin nung driver. Tiningnan ko ang mukha niya, parang masyadong bata naman siya para maging taxi driver, parang kaedad ko lang ata eh
"Sa bus terminal na lang",sabi ko. Hindi naman pwedeng magtaxi ako simula Boracay hanggang Manila, masyadong mahal ang pamasahe. Nakita kong tumango na lang siya at nagsimula ng paandarin ang sasakyan
Napatingin ako sa labas ng bintana, naramdaman ko nanaman ang mga luha ko nang naalala ko ang mga nangyari kani-kanina lang
"Ahmm. Ikaw po ba Maam si Sheyrylle Jean Gajardo?", tanong niya saakin. Pinunasan ko naman kaagad ang luha ko at humarap sakaniya at tsaka ako tumango. Kumunot ang noo ko nang nakita ko ang nakakakilabot niyang mga ngisi. Kumuha siya ng facemask at inudjust ang aircon
Kumunot naman ang noo ko nang parang umiba ang amoy sa loob. Nahihilo ako. Nanlalabo ang paningin ko. Para akong nadudura. Unti unting bumibigat ang mga mata ko...
End of Chapter 42
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Roman pour AdolescentsWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?