Shey's P. O. V.
Hinatid na ako ni Christianak sa bahay namin, ang saya ko talaga ngayong araw. Na-realize ko na pwede naman pala ako maging masaya kahit na kasama ko ang lalaking 'to.
"Salamat," pagpapasalamat ko at lumabas na ng kotse, ngumiti na lang siya at tumango.
'Yan na naman ang ngiti na 'yan, ngiti ng isang... isang nagpapanggap.Jas's P. O. V
"Hoy, saan ka ba pupunta?" tanong ko kay Nian.
Paano naman kasi, 'di na muna raw siya uuwi, magpapakumusta sana ako kina Tito Nazzer at Tita Nicka, kahit kasi matagal na kaming break ng unggoy na 'to, close pa rin kami ng mga magulang niya.
"Ano ba ang pakialam mo? Alam mo bang wala ka ng karapatan para tanungin 'yan sa 'kin? Hindi na tayo at hinding-hindi na magiging tayo kahit kailan. Tandaan mo 'yan," sabi niya habang hindi nakatingin sa akin, 'di ko alam pero kumirot ang puso ko dahil sa sinabi niya, ang bigat sa pakiramdam. Sobrang bigat. May epekto pa rin pala... sabagay, siya lang naman ang taong minahal ko nang sobra. Noon.
Nian's P.O.V
"Ano bang pakialam mo?Alam mo bang wala ka ng karapatan para tanungin 'yan sa 'kin? Hindi na tayo at hinding-hindi na magiging tayo kahit kailan. Tandaan mo 'yan," malamig kong sabi, nakita kong natigilan pa siya nang kaunti dahil sa sinabi ko. Mukhang nasaktan siya. Maybe, I went too far?
"Okay," sabi niya at lumakad na papunta sa loob ng bahay nila. Napabuntong-hininga na lamang ako no'ng narinig ko ang ringtone ng cellphone ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ko nga sa screen ang pangalan ni Fifth. Si Fifth lang naman pala, akala ko pa naman si Icia my labs o kaya isa sa mga babes ko.
"Oh?"
"Pinapatawag ka na ni Clyde sa bar, bilisan mo na. Galit na galit na ang dragon. "
"Oo na. Papunta na."
"Nasaan ka ba? Ano na naman ang trip mo? Baka may kinama ka na namang babae."
"Wow. 'Di ko alam na interesado ka na pala ngayon sa buhay ko ah."
"Tss. Nevermind."
"Hinatid ko lang si Jas sa bahay nila," sagot ko. Narinig ko naman na napahalakhak siya sa kabilang linya. Aba, wala namang nakakatawa sa sinabi ko, ah?
"Hanggang kailan ka ba magpapanggap?"
Biglang umurong ang dila ko, hanggang kailan nga ba ako magpapamggap na hindi ko na siya mahal?
"Hanggang kaya ko."
"Well, tingnan na lang natin."
Hindi na ako muli pang nagsalita at tinapos na ang tawag namin. Minsan talaga may pagkaabno rin ang Fifth na 'yon.
Clyde 's P. O. V
Ilang minuto rin kaming naghintay bago siya tuluyang dumating sa bar, natagalan ang mokong na 'to ah. Karapat-dapat lang na parusahan siya.
"150 curl ups. Now!" I ordered, namilog naman ang mata ng ugok.
"Ha?! Bakit naman naging 150?!" 'di niya makapaniwalang tanong, tumawa na lang 'yung anim sa naging reaksyon niya. Paano naman kasi, mas lalo siyang nagmukhang unggoy.
"You're f*cking late, Salonga. Do you have a problem with that?" mapang-asar kong tanong.
Mabuti na lang at nandito kami ngayon sa VIP room ng club nina Frank kaya malaya kami ritong gumawa ng mga kabulatugan.
"Sabi ko nga mag cu-curl up na, inggit ka lang 'ata sa abs ko e." Agad na kumunot ang noo ko, anong inggit sa abs niya? Mas marami ang tinapay ko diyan sa anim niyang pandesal? Walo sa 'kin!
"What the f*ck did you say?!"
"Sabi ko nga mag cu-curl up na!"
Susunod din naman pala ang ugok na 'to, kailangan pa talagang sigawan. "Aaron, did you learn something about those a*sholes?"
Kinuha niya ang laptop niya at nagsimula nang mag-type.
"Confirmed, Black Satans 'yon," sabi ni Aaron, hindi ko mapigilan na mapangisi. Weaklings. Hindi ko alam na kumukuha rin pala sila ng mahihina.
"Nagre-recruit na pala ang Black Satans ng mga weak na tao?" natatawang wika nina Frank at Johann habang kinukunan ng video si Nian na nag cu-curl up pa rin.
"Pero ang tanong... bakit ka naman nila inatake kung alam nilang talo naman sila?" nag-iisip na tanong ni Alex.
"Okay ka na, Alex? So anong gusto mong palabasin? Share mo lang? --Aray naman, Nian! Magcurl-up ka na nga lang! H'wag kang mambabatok nang basta-basta!" Andrew scowled.
"E paano naman, kasi seryoso kami rito, tapos kung ano-ano na naman ang pinagsasabi mo," sagot ni Nian, inirapan na lang din naman siya ni Andrew bilang tugon.
Mukha silang mga bata.
"Share mo lang? --Aray!" Natigilan na naman si Andrew dahil binatukan na naman siya ni Nian, kawawang Andrew, malapig na 'ata siyang magkabukol, good for him.
"Isa pa, susuntukin na talaga kita."
"No comment."
Bakit ba may grupo akong ganito?
"Are you done? Can I beat your as*es now?" I asked with a warning tone. Sabay-sabay naman silang umiling.
"Bakit nga ba ginawa nila 'yon? Ano kaya ang dahilan, Nian?" pasimpleng tanong ni Andrew kay Nian.
"'Yan nga ang aalamin natin, tanga!", sigaw ni Nian at binatukan uli si Andrew.
"Okay! Basta tigilan mo na ang pambabatok sa 'kin!" pagrereklamo niya habang minamasahe ang batok niya.
"Magpapatuloy tayo sa pagimbestiga sa mga kilos ng Black Satans," sabi ko tsaka tumayo, tinanong pa nila kung uuwi na raw ba ako, tanging tango na lang ang sinagot ko tsaka lumabas na sa bar at nagsimula nang magmaneho pabalik sa bahay namin.
Pagdating ko sa bahay, bumungad kaagad sa akin ang mukha ng kapatid kong nakakunot ang noo, 'yung mga kamay niya naman ay nasa beywang niya, samahan mo na ng pag-pout ng nguso niya.
"Kuya Clyde! Saan ka nanggaling?! Bakit late ka na umuwi?! Ha?!"
'Yan ang kapatid ko, si Crystal Cyrille Jancaster, ang kaisa-isahang taong tinuturing kong pamilya, siya lang at wala ng iba.
"Busy lang si kuya, okay? E ikaw? Ba't gising ka pa?", tanong ko sa kan'ya pabalik, tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Like duh, Kuya! Syempre hinihintay kita! Hindi ako makatulog hangga't di kita nakikitang ligtas sa loob ng bahay. Basagulero ka pa namang tao! At tsaka baka may kasama kang babae ah! Kuya, may kasama ka ba?"
Tingnan mo ang isang 'to, 10 years old pa lang pero parang mas matanda pa sa akin umasta, talo pa ang isang nanay e.
"Hoy, Kuya, tinatanong kita kung may kasama ka bang babae kanina, mahal mo ba siya?" tanong niya sa akin, tumingin naman ako sa taas na parang nag-iisip.
May kasama akong babae kanina pero si Jeanano lang naman 'yon, at tsaka mahal ko ba 'yon? Impossible. Mas lalaki pa nga 'yon umasta keysa sa 'kin.
"Wala." Ngumiti naman siya nang nakalawak at tumango-tango.
"Dapat lang, Kuya! Dapat ako lang ang mahal mo! At ako lang dapat ang babae sa buhay mo! Okay?" she asked and I nodded, ikinarga ko siya papunta sa kwarto niya and tucked her in.
"Goodnight, Kuya!" sabi niya sa akin, napangiti na lang ako.
"Good night, baby," I said and kissed her on her forehead, lumabas na ako sa kwarto niya at pumunta na sa kwarto ko at nagshower. Pakatapos ay isinuot ko na ang pajamas ko para makatulog na 'ko.
Pagkahiga ko sa kama, tinitigan ko lang ang kisame, maraming bagay ang nasa isip ko ngayon, at halos lahat ng 'yon ay tungkol kay Sheyrylle.
Si Jeanano... mamahalin ko? Imposible. Hindi naman tulad niya ang mga type kong babae, ang mga type kong babae ay katulad ni Mommy na mapag-alaga at mabait, hindi naman 'yon mabait at tsaka abnormal 'yon. At kung mamahalin ko man siya, hindi 'yon pwede. Wala dapat madamay sa mga ginagawa namin ng Aces at imposibleng mahalin niya rin ako. She won't acceot the real me. Never.
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?