Clyde's sister
Clyde's P.O.V
"Shey? Shey? Nakauwi ka na? Mahal mo parin ba ako? Please say yes. Mahal mo pa ako diba?", i said and smiled, hoping for her to say yes. She still loves me right? She loves me. She loves me. I know she does
Napatigil ako nang may kumatok sa pintuan ng kuwarto ko, pinapasok ko naman siya. Nakita ko naman ang isa sa mga katulong namin
"Sir. Sino ho kausap niyo?", tanong niya saakin, umiling ako. Wala siyang pakealam
"Ibinilin ho saamin ng Daddy niyo na painumin ka ng gamot",dagdag niya. My forehead narrowed. Ano bang pakealam niya saakin?
"Wala akong pakealam. Huwag niyong pakealaman ang buhay ko. Buhay ko to! Naiintindihan niyo?!", sigaw ko. Nakita ko naman ang takot sakaniyang mga mata. Tch. Bat ba takot na takot sila saakin?! Wala naman akong ginagawang masama diba?!
"O-opo sir"
"Asan si Cyrille? Asan ang kapatid ko?", nakakunot noong tanong ko
"Wala ho dito", sabi niya. I sighed. I signed her to get out so she did.
Asan si Shey? Nandito pa lang siya kanina. Fuck. Iniwan niya nanaman ako. Bat ba palagi niya na lang akong iniiwan?! I want her! I want her to be mine! Mine alone
Shey's P.O.V
Its been a week since i got out of the hospital, kinausap ko na si Azu, Jas at Icia ngayong araw sa school, nandito kami ngayon sa loob ng music room kasama ang pitong Aces
"Sorry talaga Shey ah", narinig kong paumanhin uli ni Icia, tiningnan ko lang siya at ngumiti. Napatawad ki na sila pero parang di ko pa kayang mapatawad ang mga magulang ko. Masyadong masakit ang mga nangyari, kaya sa condo muna ako ni Lemuel tumutuloy. Palagi rin akong tinatawagan ni Mama pero di ko ito sinasagot, di pa ako handa kausapin siya
Ito rin ang araw kung kailan ako bumalik sa school, naiintindihan naman ng mga teachers ang naging sitwasyon ko, kailangan ko lang raw mag catch up sa mga lessons. Nalaman ko rin ngayon na isang linggo ng di pumapasok sa J.U. si Clyde, kinocontact naman nila siya pero di raw sinasagot ni Clyde
"Pupunta ba muna tayo sa bahay nina Clyde bago umuwi?", tanong ni Andrew, umiling ako. Kumunot naman ang noo nila dahil duon
"Bakit naman Shey? Diba mas makakabuti kung kausapin na natin siya. Diba may sakit siya?", kontra naman ni Jas. Napailing uli ako
"Mas mabuti kung bibigyan muna natin siya ng space", sabi ko
"Shey, tama si Jas. Sa ngayon ay hindi natin dapat siya iniiwan at hinahayaan, kailangan natin siyang kausapin at suportahan",sabi naman ni Azu, tumungo ako at bumuntong hininga uli
"Ako na muna ang kakausap sakaniya okey?", sabi ko habang seryosong nakatingin sakanila. Napatango na lang sila bilang sagot. Alam naman kasi nila na wala silang magagawa para pigilan ako, lalo nang nalaman ko ang lahat ng to
"Alex", tawag ko. Tumingin naman siya saakin
"Kailangan kitang makausap pakatapos ng mga klase natin", sabi ko, tumango naman siya bilang sagot. Kailangan kong malaman ang lahat ng tungkol kay Clyde. Gusto ko siyang tulungan dahil mahal ko siya
"May isa pa tayong klase bago mag uwian diba?", tanong ko. Tumango naman si Nian, tumayo ako at sumunod naman sila saakin, tumingin ako sa aking relo
"Pumunta na tayo sakaniya kaniya nating classroom. Mag s-start na rin kasi ang mga klase natin in 10 minutes",sabi ko, tumango naman sila at nagsimula ng lumakad papalabas sa Music room, ngumiti naman ako at sumunod sakanila
Hahanapin kita Clyde. Tutulungan kita, papagalingin rin kita, gagawin ko ang lahat para sayo dahil mahal na mahal kita. Kaya sana ay hayaan mo akong tulungan ka. Hayaan mo rin akong mahalin ka, dahil hindi ako mapapagod sayo. Hindi kita susukuan. Hinding hindi
Lemuel's P.O.V
Napalabas ako sa klase nang nag ring ang cellphone ko. Nakakainis nga. Buti naman naintindihan rin ng prof ko
Tiningnan ko kung sino ang caller, napakunot ang noo ko nang mapantanto kong number ito ng private phone namin sa bahay. Siguro isa sa mga helper namin. Pero bakit sila tumatawag? Alam naman nila na may klase ako ngayon, bumuntong hininga na lang ako at kunot noong pinindot ang answer button.
"Hello sir Lemuel? Si manang marisol mo to", tawag saakin. Napakunot naman lalo ang noo ko. Ito kasi ang head housekeeper namin sa bahay
"Oh? Manang marisol? Bat ka napatawag? May klase po ako diba", sabi ko. Napatigil ako nang narinig ko ang mga hikbi ni Manang Marisol
"Sir. Namatay ho kasi ang nanay ko, kaya uuwi na muna ako ng probinsya", sabi niya naman. Napatungo ako, kaya pala
"Oh sige po Manang. Ibibigay ko na lang po sayo yunf Advance payment niyo", sabi ko
"Sige ho Sir", sagot niya naman. I eend ko na sana yung call pero bigla akong napatigil nang sabihin ni Manang Marisol ang mga bagay na iyon
"At pinapasabi po pala saakin Sir ng Mommy niyo na uuwi sya bukas, sunduin niyo ho raw sila sa Airport dahil sabado naman bukas", dagdag niya. Di naman ako nakapagsalita, uuwi sina Mommy at isa ko pang kuya bukas. Alam naman ni Mommy na may kabit si Papa pero di niya alam na may anak ito. Ano na lang ang gagawin niya kapag nalaman niya na kapatid rin namin sina Shaun at Shey? Baka mas gumulo ang lahat. Hindi pwede
"Sir? Andiyan pa ho ba kayo?", tawag saakin ni Manang. Napabuntong hininga ako at napahinga ng malalim
"Sige ho Manang, tatawag na lang po ako uli. Malapit na rin namang mag uwian kaya maya maya at makakapunta na rin ako jan",sagot ko
"Opo sir", she replied. Tumungo na lang aki at inend na ang call. Kailangan ko itong gawan ng paraan
Shey's P.O.V
Natapos na rin ang mga klase namin, agad naman kaming nagkita ni Alex sa parking lot. Nagpaalam na rin ako kay Lemuel at kuya Shaun na medyo malelate na rin ako sa pag uwi sa condo, may pupuntahan pa kasi kami ni Alex
"May kapatid ba si Clyde?", tanong ko kay Alex na nakasandal sakaniyang kotse. Tumanong naman siya bilang sagot sa tanong ko
"Pwede ko bang makausap? Puntahan natin siya",napatigil si Alex dahil sa sinabi ko, nakita ko rin ang pag alala sakaniyang mga mata
"Hindi pwede", sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay at tiningnan siya ng seryoso. Napabuntong hininga na lang siya at pumasok na sa driver seat. Napangiti na lang ako ng malawak at nagsimula ng lumakad papunta sa passenger seat. Pumasok na rin ako
"Bahala ka. I warned you", sabi niya. Tumango na lang ako. Napabuntong hininga naman uli siya.
Nagsimula na siyang magmaneho. Naging tahimik lang ang buong biyahe, tanging tunog lang ng kotse ang maririnig mo. Medyo madilim na rin rin dahil mag aalas singko na ng hapon
Napatigil ako bigla sa pag iisip ng kung ano ano nang tumigil na kami, kumunot ang noo ko nang makarating na kami sa pupuntahan namin
"Alex... Bat nasa sementeryo tayo?"
End of Chapter 48
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?