Awarding
Shey's P.O.V
Pumunta na kami sa venue at umupo na sa mga nakaassign saamin na upuan. Marami-rami na ring participants ang nasa venue pero alam kong di pa kompleto dahil hindi pa puno ang mga upuan.
Ilang minuto kaming nakaupo lang duon dahil hinihintay parin namin ang ibang participants na dumating.
"Nahanap mo ba si Clyde?",narinig kong tanong saakin ni Icia, nakakaramdam ako ng kaba sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, ngumiti na lang ako at tumango bilang sagot. Hinanap ng mga mata ko si Clyde pero hindi ko siya nakita. Napabuntong hininga na lang ako
"A pleasant morning Participants!",sigaw nung emcee, napabati na lang rin kami sakaniya, maraming ginawa ang ibang participants bago pumunta sa awarding.
Nagbigay muna ng mga messages ang ibang facilities at participants. Si Azu na ang pinasalita namin sa stage dahil siya na rin naman ang tinuring na leader namin dito sa banda kaya karapat-rapat lang na siya na ang magbigay ng mensahe para saamin
Wala naman siyang maraming sinabi, basta nagpasalamat lang siya at pinaalam sa lahat na masasarap raw ang nga pagkain na hinahanda sa hotel nato, napatawa na lang kami dahil sa mga sinabi niya
"Okey, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Simulan na natin ang awarding!",masayang sabi nung emcee nang bumaba na ang huling nagbigay ng mensahe para saamin, naghiwayan naman kami. Malapit nang matapos ang program. Marami na ring nangyari sa tatlong araw ko dito sa Boracay. Marami akong nalaman at natuklasan..
"The 3rd place goes to! Drum roll!",sigaw nung emcee, napatingin ako sakaniya. Kinakabahan ako ng sobra, di ko alam kung sapat na ba ang performance namin para makapasok sa top 3. Kahit 1st runner up man lang sana, okey na sakin yun.
"Nicholas University!",sigaw niya, napatayo naman ang mga participants ng university, kung tutuusin ang swerte na nga nila eh. Marami kaming participants pero nakapasok sila sa top 3.
Umakyat na sila sa stage at kinuha ang trophy, mga medal at certificates nila. Pinaperform rin sila nung emcee, tinugtog at kinanta nila yung believer by imagine dragons. Astig nga eh. Parang professional na talaga sila
"Okey! Salamat sa napakagandang performance niyo Nicholas University! Now for the second placer!",sigaw nung emcee, narinig nanaman namin ang drum roll. Kinakabahan ako dahil mararamdaman mo talaga ang tensyon sa paligid. Lahat naman ata ng tao ay kakabahan kapag nasa ganitong sitwasyon
"2nd place goes to! High university!",sigaw nito. Napatalon naman bigla ang mga representatives ng High University, napaiyak pa nga ang leader nila eh
Umakyat na rin sila sa stage at tinanggap ang prizes nila. Nagperform rin sila sa stage katulad ng ginawa ng mga participants ng Nicholas University. Napapikit kaming apat nang natapos na silang magperform. Umaasa akong kami ang mananalo, kahit ito lang ang magkaroon ako. Kahit pagkapanalo na lang sa Battle of the Bands na lang ang magkaroon ako
"Thank you High University! Now for the 1st place! The first place is! Drumroll please!",sigaw ulit nung emcee. Naghawak-hawak kami ng kamay. Narinig na rin namin ang drumroll na sinasabi nung emcee . Parang sinasabayan nito ang tibok ng puso ko, sobrang lakas at bilis. Parang gusto ng kumawala sa dibdib ko.
"The first place! The 1st placer will be announced after this great performance from Jancaster University!",sabi niya, napahinga naman kami ng maluwag nang marinig ko yun. Nakakainis naman tong emcee nato, pasuspense pa eh
Nakita kong umakyat na sina Alex sa stage, nakahinga ako ng maluwag nang makita kong pumunta sa unahan si Clyde. Wala paring emosyon na makikita sakaniyang mga mata. Gusto kong malaman kung ano ang mga pinag-usapan nila. Ano kaya yun? At bakit niya sinuntok si Lemuel? Ano ang dahilan niya?
Narinig ko ang mga hiwayan nang nagsimula na ang tugtog at nagsimula na rin silang sumayaw. Napakunot ang noo ko nang mapatanto ko kung ano ang tugtog na sinasayaw nila. DNA at Mic Drop (remix) ng BTS. Marami ring mga participants ang napasabay sa sayaw nila. Siguro mga ARMYs ang mga to
Napatingin ako kay Clyde, ang galing niyang sumayaw. Lahat naman sila magagaling sumayaw, para ngang mga kpop idols sila eh, sadyang nangingibabaw lang talaga si Clyde. Hindi na ako nagtaka kung bakit maraming nagkakagusto sakaniya. Para siyang isanh fictional character sa wattpad, bihira ka lang makahanap ng lalakeng gaya niya. Gwapo, mayaman at maappeal. Kung tutuusin nga swerte na ako dahil nakausap at nakalapit ako sakaniya kahit sa loob lang iyon ng tatlong buwan
"Thank you for that outstanding performance Jancaster University!",sigaw nung emcee, di ko namalayan na tapos na pala sila magperform. Naghiyawan nanaman ang buong paligid. Akala ko nawala na ang tensyon na namumuo kanina sa paligid pero bumalik ulit ito nang nagsalita nanaman ang emcee
"For the 1st place! Uuwi sila ng 500,000 cash prize, certicicates, medals and a trophy. Sila rin ang hahawak ng title na BEST BAND GROUP! Magkakaroon rin sila ng sarili nilang concert!",sigaw niya, napapalakpak naman kaming lahat. Napatingin ako kina Clyde na ngayon ay nasa ibaba na ng stage. Hingal na hingal sila habang umiinom sila sa kanilang mga bottled water. Nakita ko rin na tumataas-baba ang adam's apple niya
"Oh. Matunaw yan",narinig kong bulong saakin ni Azu, napaiwas tuloy ako ng tingin sakaniya, halos mamula ang aking malarosas na mga pisngi. Napatawa naman silang tatlo at tsaka bahagyang umiling
"Okey! Huwag na tayong mgpaligoy-ligoy pa! Ang nakakuha ng first place ay ang!",narinig nanaman namin anv drumroll. Nakita kong inikutan ng mata ni Jas yung emcee
"Kanina mo pa yan sinasabi",medyo mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ko. Napailing-iling na lang ako. Hindi talaga mahaba ang pasensya ng isang to
Kinakabahan na kami ng todo. Di namin alam mung may pag asa ba kaming manalo o ano.
"Matthew University"
Nakahinga ako ng maluwag. Hindi kami nanalo. Nakita kong masayang-masayang tumatalon ang participants ng Matthew University. Napayakap saamin si Azu
"Sorry. Sorry at hindi ako naging mabuting leader ng banda. Dahil saakin natalo tayo at hindi natin mauuwi ang titulo sa Jancaster University. Pakiramdam ko, lahat nang pinaghirapan natin ay nasayang lang lahat",paumanhin niya, narinig ko naman ang mga hikbi niya. Narinig ko na rin ang mga hikbi nina Jas at Icia, ginawa naman namin ang lahat pero bakit hindj parin kami nanalo? Bakit di parin kami pinagbigyan? Nakakainis naman. Palagi na lang ganito ang mga nangyayari sa buhay ko. Wala man lang magandang nangyayari dito sa buhay ko. Nakakasawa na. Paulit-ulit na lang.
"Gals, okey lang yan. You can win next year",pagko-comfort saamin ni Nian. Ngumiti na lang ako nang makita kong lumapit silang walo saamin at tinapik-tapik ang mga balikat namin
Eventhough it's just a simple gesture it really means a lot
"It'll be just okey",narinig naming sabi nila. Di ko na rin mapigilan na umiyak. Malungkot ako. Malungkot na malungkot. Paano naman kasi pinaghirapan at pinaghandaam namin to ng sobra at parang nawala lang ang lahat ng yon. All those hardworks just faded..
"Im sorry pero merong mali sa pag announce ng winners",napatigil kaming lahat sa pag iyak nang biglang nagsalita yung emcee. Napatingin ang lahat ng participants sakaniya. Nakita ko rin na kumunot ang noo ng iba habang nakatingin ng diretso sakaniyang mga mata
"Nakalimutan kong tawagin ang 1st runner up. Kasalanan ko po ang mga nangyari. Hindi ko po sinasadya. Aksidente po ang lahat ng nangyari. Ang 1st runner up ay yung Matthew University", namilog ang mga mata namin dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin nito? What the fuck is happening?
"Tha Champion is the Jancaster University. Im truly sorry. It was all my fault"
"The Champion is the Jancaster University"
What. The. Eff
Author's note
Mabilis lang to. Hi readers. Gusto ko lang mag hi sainyo lalo na sa mga armys na nakakabasa nito. Army rin po ako. Bias ko po si kookie. Muwehehehe. Share ko lang enebe. Echos. Sorry for the lame update. Mag uupdate na ako ng mas mabilis ngayon dahil summer na! Yay. Happy summer guyseu. Okey. I think this is enough. PjGavs ous
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?