Clyde's P. O. V
Umayos na kami ng upo no'ng nakalabas na si Jeanano. Ganito naman talaga kami, sadyang nag-iiba lang kami kapag kasama namin ang mga babae na 'yon, 'di ko nga alam kung bakit kami nagiging gano'n kapag kasama namin sila.
"Nakahanap na ba kayo ng impormasyo?" tanong ko sa kanila, napabuntonghininga na lamang sila bilang sagot.
"The f*ck? Dalawang buwan na tayo rito pero wala pa kayong nakukuhang impormasyon tungkol sa black satans?!" Sumasakit ang ulo ko dahil sa mga letsugas na ugok na'to.
"Clyde, magaling silang magtago, tsaka pwede lang natin silang makaharap sa labas lang ng university," Frank said
Tama siya, makakaharap lang namin ang Black Satans kapag wala kami sa eskwelahan. But we don't have enough time for those sh*ts. I need to find them, sila ang rason kung bakit patay na ngayon ang ina ko."Aaron, humanap ka ng paraan kung paano sila mahanap, use all the cctv cameras in this f*cking university," utos ko sa kaniya. Tumango naman siya.
Ang duwag talaga ng t*nginang Black Satans na 'yan. They can't kill me so they killed my beloved mother. Tanging kapatid ko na lang ang natitira sa akin, I erased my father from our lives a long time ago. He didn't protect my mom for pete's sake, kinamumuhian ko ang taong 'yon.
"Clyde, sa tingin mo, ba alam na nila kung sino tayo?" biglang tanong ni Fifth habang nakatingin sa malayo. Hindi ko naman mapigilan na mapahinga nang malalim dahil sa tanong niya.
"I don't know, but let's be careful, observant na tao ang unano na 'yon," sagot ko, sa nakaraang mga linggo ay medyo nagkakasundo na rin kami ni Jeanano, alam kong imposible pero nangyari, ang imposible na lang atang mangyari ay magustuhan ko ang babae na 'yon, it's f*cking impossible.
"Mukhang nagiging close na kayo ni Shey ah, baka mahulog ka sa babae na 'yon," sabi ni Nian, tiningnan ko naman siya nang masama.
"Shut the f*ck up, that will never happen."
"Mag-ingat ka, Clyde, baka madamay si Shey. Huwag mong ipanganib ang buhay niya, she's too innocent and fragile," paalala ni Alex. Isa pa 'tong Alex na'to, minsan na nga lang magsalita hindi pa maganda ang lumalabas diyan sa bunganga niya.
"Dismiss," sabi ko na lang at tumayo na at lumabas na sa music room. Hinding hindi mangyayari ang pinagsasabi nila, I won't let that happen. Pinangako ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal ng isang babae, exception na lang ang kapatid at ang mama ko. I shouldn't love anymore, I shouldn't lose to that fucking dare.
Shey's P. O. V
Medyo natagalan dumating sina Christianak, siguro ang lalim ng mga pinag-usapan nila katulad ng tungkol sa mga chix nila.
Dumating na yung limang lalaki habang yung tatlo naman ay pumunta na sa mga klase nila, ang classmates lang naman kasi namin dito ay sina Christianak, Johann, Nian, Andrew at Fifth, sina Frank, Aaron, at Alex ay iba ang course.
° ° °
Nagpaiwan muna kaming apat sa classroom dahil pag-uusapan pa namin ang mga bago naming kantang i-co-cover, medyo malapit na rin kasi ang battle of the bands at tsaka malapit na ring mangyari ang mga events dito sa school, baka kasi mag-perform kami eh. Mabuti na 'yan para ready na kami.
"Girls, 'di pa ba kayo uuwi o kaya lalabas man lang ng classroom?" tanong sa amin ni Fifth na ngayon ay nakatayo na at nakaligpit na ang mga gamit.
"May pag-uuspan muna kami," sagot ko sakanila dahil yung tatlo ay busy pa sa pag-iisip ng nga kanta.
"Ah sige," saad niya at lumabas na, tumigil naman sa harapan namin sina Christianak at Nian bago sila lumabas sa classroom.
"Icia, sumabay ka na sa akin, ihahatid na kita sa bahay niyo. Hihintayin na lang kita sa labas," sabi ni Nian with matching kindat. Playboy talaga ang isang 'to, sanay na rin naman ako sa kaniya eh.
"Oki doki," sagot ni Icia at bumalik na uli sa pakikipag-discuss kina Jas at Azu.
"Jeanano, sabay na tayong umuwi. I'll bring you to your rotten house," naka-pokerface niyang sabi, tumayo naman ako habang nakataas ang aking isang kilay. Rotten house his face.
"At bakit naman ako sasabay sa'yo? Aber?"
"Kasi may date tayo," seryoso niyang sabi sabay pitik sa noo ko, hinimas-himas ko pa yung noo ko para naman mabawasan yung sakit. Letse talagang lalaki na'to. Mang-aaya na nga lang mag-date, mampipitik pa ng noo.
Inirapan ko na lang siya at bumalik na sa pagka-upo at nakinig na rin sa mga pinag-uusapan nina Azu. Lumabas na rin sina Christianak at Nian kaya nagpatuloy na kami sa pag-usap tungkol sa mga kanta na pagpipilian namin.
Clyde's P. O. V
"Kasi may date tayo," sabi ko sabay pitik sa noo niya, minsan talaga may pagka-slow din ang unano na'to, 'di niya ba ginagamit ang common sense niya o sadyang wala lang talaga siya ng gano'n?
Inirapan niya ako at hinimas-himas ang noo niya na pintik ko, lumabas na ako ng room at pumunta na kami sa may quadrangle. We're planning to wait for those girls here, 'di nga namin alam kung bakit namin hinihintay ang mga 'yon ngayon eh.
"Yow, boss Clyde, kailangan pa ba talaga kami rito?" reklamo ni Andrew pero 'di ko na lang siya pinansin. I really don't give a d*mn.
"Boss naman eh, siguro na-mi-miss mo lang naman ang kaguwapuhan ko kaya-- sabi ko nga pangit na ako. Ang saklap, 'di ko ma-imagine na galing 'yon sa napakaganda kong lips," Frank complained but he stopped when I gave him a death glare.
Nagkukulitan lang ang pitong ugok nang may nakita akong may nakamasid sa amin. He finally showed up, kanina ko pa 'yan napapansin simula pa no'ng nasa loob kami ng classroom, but I'm not planning to crush his weak d*mn bones in this fucking university or else, that useless man will find out. Hindi alam ng dad at stepmom ko na ginagawa namin 'to para sa sarili kong ina.
Pasimple akong umalis sa quadrangle at sinundan ang lalaking 'yon, hahatakin ko na sana siya pero hindi ko na iyon natuloy no'ng narinig ko ang sigaw ni Shey.
"Christianak!"
Sh*t!
Mabilis akong napalingon kay Jeanano habang matalim siyang tinitingnan.
"What?" iritado kong tanong at kinuyom ang kamay ko, muntik ko na sanang makuha ang lalaki na 'yon. Sobrang lapit ko na sana sa katotohanan.
"Tara na?" sabi niya, tumango naman ako at nagsimula na nga kaming lumakad papunta sa parking lot.
I hope she didn't see anything, hindi siya dapat madamay dito. Ayoko siyang masaktan.
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?