Shey's P. O. V
Nandito na kami ngayon sa room, nag-iisip kung ano ang gagawin namin bukas para sa mga bwisit na transferees na 'yon. Mga pahirap sa buhay.
"Ms.Gajardo, Ms.Gonzaga, Ms.Rivera, and Ms.Aguilar, excuse kayo ngayon. Magpa-practice daw kayo para sa program bukas," sabi ni Maam Cruz, ang teacher namin sa English. Tumayo na rin naman kaming apat at nagsimula nang lumakad papunta sa music room.
Nakakatuwa, hindi namin kailangang makinig sa mga lessons na nakakaantok.
"Ano'ng kakantahin natin?" tanong ni Azu habang parang zombie na naglalakad. Sabi na nga eh, walang magagawang tama ang pagperform namin do'n sa bwisit na program na 'yon. Ang ginawa na lang ata nitong maganda ay pina-excuse kami sa boring na class ngayong araw.
"Akala ko ba yung latest na lang ang kakantahin natin?" tanong naman ni Jas. Ganiyan talaga kami magdesisiyon, papalit-palit ng isip.
"I-try na lang natin. Bilis," saad naman ni Icia kaya binilisan na na rin naming maglakad papunta sa music room.
° ° °"Ready?" tanong ko sa kanila. Tumango na lang sila bilang sagot. Humarap na ako at huminga nang malalim, medyo matagal na rin no'ng huli akong tumugtog kaya medyo kinakabahan ako kahit practice lang 'to. Well, bahala na nga.
I promise that one day
I'll be around, I'll keep you
Safe... I'll keep you soundNapatigil kami sa pagtugtog nang biglang pinukpok ni Jas nang napakalakas ang drum niya.
"Anong problema mo?!" galot na tanong ko. Okay na sana yung pagkanta ko eh! Nando'n na eh. Panira naman 'to sa moment ko.
"Ang pangit!" Bakit ba palagi na lang nila akong nalalait?
"Hindi naman pangit ang boses ko ah," depensa ko sa kanila. Totoo naman kasi eh, maganda kaya ang boses ko. Pati nga si kuya ay nagagandahan sa boses ko. Sayang nga eh. Hindi siya nagagandahan sa mukha ko, sa boses lang.
"Maganda naman talaga kasi bes ang boses mo," panimula ni Jas sabay tayo at lagay ng kamay niya sa beywang niya.
"Shey, hindi kasi bagay sa atin ang mellow na music, yung parang gano'n. Hindi kasi bagay sa mga personalities natin eh," dugtong naman ni Icia sabay ayos ng keyboard niya.
Napabuntonghininga na lang ako at tumango, totoo kasi ang sinabi niya. Hindi naman talaga bagay saa min ang mga mellow na music, puro kalokohan kasi ang alam namin.
"Isip na lang tayo ng bagong kanta na ico-cover," suggest ni Azu sabay ligpit ng bass niya at umupo sa couch. Niligpit ko na rin ang gitara ko at umupo na rin.
Magsasalita na sana ako pero sabay-sabay kaming napatingin sa pintuan no'ng biglang may kumatok.
"Sino kaya 'yan?" tanong ko sa kanila, imposible naman kasi na teacher 'yan, may mga klase kaya sila.
"Pasok!" sigaw ni Icia, bumukas naman yung pintuan at pumasok na nga ang pinakaayaw kong tao rito sa buong mundo.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" mataray na tanong ni Azu. Ayaw na ayaw niya kasing iniistorbo siya kapag nag-iisip siya, hindi siya nakaka-focus niyan.
"Wala naman. Bakit pala kayo tumigil sa pagtugtog?" tanong ni Fifth, inikutan lang namin siya ng mata. Nakita ko naman sina Jas at Nian na nagbibigayan ng masasamang tingin sa isa't-isa. Ayoko nang tingnan si Christianak, baka masuka lang ako sa pagmumukha niya.
"Hindi naman kasi bagay sa amin ang mga mellow na tugtog eh, kaya mag-iisip na lang kami ng bagong ico-cover", sabi ni Icia. Siya lang naman kasi ang nasa good mood sa amin at siya lang naman ang may pakialam sa kanilang lahat.
"Ah, gano'n ba? Okay naman yung tinutugtog niyo eh," wika ni Fifth. Bakit ba siya lang ang mabait dito? Hindi nagtulad sa kaniya ang mga kaibigan niya, edi sana mas nagkakasundo kaming lahat dito kung lahat din sila mababait at may modo.
"Ano'ng ginagawa niyo rito?" seryosong tanong ni Azu. Tinanggal naman ni Alex ang earphones niya tsaka tiningnan si Azu.
"Is this room even yours? Huwag kang umasta na parang sa'yo tong kwarto na'to. Stupid," malamig niyang sabi. Lagot.
Tumayo naman si Azu at kinuwelyuhan si Alex na ngayon ay nakapokerface lang.
"Excuse me lang, ha?! Meron kaming permition na gamitin ang room na'to, so meron kaming karapatan na gamitin at ipagdamot ang room na'to and for your information... I'm not stupid, idiot!" sigaw ni Azu kay Alex. Galit na galit na si Azu pero parang wala pa ring pake si Alex.
"Alam mo naman atang pwede kitang patalsikin sa school na'to dahil sa ginagawa mo," walang emosyon niyang sabi, kumunot naman ang noo ni Azu sabay bitaw kay Alex at sinuntok yung pader nang napakalakas kaya bigla na lang kaming napatigil.
"Aalis muna ako," malamig iyang sabi at lumabas na sa music room. Ano ba kasi ang kailangan nila rito?! Problema lang naman ang dala nila eh!
"Okay na kayo? Tapos na ba kayong manggulo?" tanong ni Jas, at ang gago naman na si Nian ay inirapan lang siya. Napakabading tingnan.
"Pinapunta kami rito ni Dean. Dito muna daw kami tumambay kaya wala kang magagawa kundi tumiis sa presensya nsmin," aniya. Tumayo naman si Jas at lumapit sa pintuan.
"Kukunin ko si Azu," sabi niya, tumayo naman bigla si Icia at sumunod kay Jas.
"Sasama ako!" sigaw niya at tuluyan na nga silang lumabas para pumunta kay Azu.
So, iniwan nila ako rito sa apat na ugok na'to?
"Wala ba kayong classroom?" tanong ko sa kanila, nagkibit-balikat na lang si Fifth. Feeling ko tuloy wala akong matinong kausap dito sa room, si Fifth lang talaga ata ang may magandang sasabihin dito.
Kinuha ko na lang ang hygiene kit ko at nagsimulang ayusin ang pagmumukha ko. Nasstress ako sa kanila eh, ayokong maging haggard sa harap ng napakaraming tao.
"Magpapaganda pero 'di naman gumaganda," narinig kong bulong ng bwisit na Christianak na 'yon.
"Hoy. Excuse me lang, Christianak. Maganda ako! Malabo na ata 'yang mata mo kaya 'di ka nagagandahan sa akin. Magpasalamin ka na nga!" sigaw ko sa kaniya na naging dahilan kung bakit kumunot ang noo niya.
"Hoy! Malinaw ang mata ko 'no! Ikaw ata ang malabo ang mata. Lahat ng tao, sinasabing gwapo ako, ikaw lang ang hindi!" sigaw niya naman pabalik, bwisit talagang lalaki na'to. Lagi niya na lang sinisira ang araw ko.
"Eh sa hindi ikaw ang type ko eh! Kumukontra ka lang na nagagandahan ka sa akin dahil ayaw mong aminin na nagkakagusto ka na sa akin," pang-aasar ko sa kaniya, kumunot naman lalo ang noo niya dahil sa sinabi ko.
"Wow! Humangin naman ata nang todo dito sa music room," pang-aasar niya rin sa akin, pero syempre 'di ako magpapatalo..
"Ayaw mo lang talagang aminin dahil masisira 'yang ego mo," pang-aasar ko pa lalo sa kaniya.
"Wews! Gusto mo patunayan ko pa!" aniya. Inilagay ko naman ang dalawang kamay ko sa aking beywang at tiningnan siya.
"Let's have a 3-month date!"
"Ha?!" Nababaliw na ba ang tyanak na 'to?!
"Bakit? Inaamin mo na ba na talo ka?" tanong niya habang may mga ngisi na nakapinta sa kaniyang mga labi.
"Hindi 'no! Oh sige, deal," pagsasang-ayon ko.
"Deal."
Bakit ba kapag nakikita ko 'tong tyanak na'to palagi na lang may nangyayaring hindi maganda sa akin?
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?