Kabanata 25

158 4 0
                                    

New Endearment

*Shey's P.O.V*

Nandito na ako ngayon sa tapat ng school,ang usapan namin ay 4:00 am ay nasa tapat na kami ng J.U, pero 3:50 am na ay wala pa ni isang tao dito! Mini-bus pa lang yung nandito,kahit nga yung driver wala pa eh

"Shey....."

Biglang napatalon ako sa gulat dahil sa narinig kong boses ng parang tao.....tao?...boang ka talaga Shey! Syempre tao lang naman ang nakakasalita eh...pero pwede namang tao NOON diba?

"Boo",

" HUWAAAHHHH!!!!MAAAAMMMAAAA!",Sigaw ko habang nakayakap sa sarili ko

"Hahahahahaha!", dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko sina Azu at yung walong lalake na hawak-hawak ang kanilang tiyan habang tumatawa

" hahaha laughtrip ang mukha mo dun Baby Shey-Shey!para ka na duong mamamatay!",sabi nina Frank habang tumatawa,binatukan ko naman silang lahat kaya tumigil na sila sa pagtawa

"Punyemas kayo,nakakainis kayo alam niyo yun?hay.....di pa nga tayong isang oras na magkasama -sama tapos na ii-stress na kaagad ako!paano pa kaya kung tatlong araw!?", sigaw ko sakanila habang nakapameywang

" sorry na Baby Shey-Shey",paumanhin nila,tiningnan ko naman yung tatalong bruha at tinaasan sila ng kilay

"Sorna Bes", sabi nila at nag peace sign pa, kung di ko lang lang talaga kaibigan ang mga tao nato kanina ko pa sila pinatay, pramis.... Nauna na silang pumasok sa loob ng mini bus, ako yung pinakahuli dahil may dala pa akong maleta

"Psh... Ako na nga", nabigla ako dahil biglang kinuha ni Christianak yung maleta ko at ipinasok na sa mini bus, ehdi wow, edi siya na ang malakas, psh... Pumasok na ako sa loob at nakita ko na ang bakanteng upuan na lang ay ang katabi ng tyanak.... Sina Azu, Jas, Icia at Alex, Nian, Andrew at Johann, Fifth at Frank ay nasa three-seater habang si Aaron naman ay nasa two seater pero ang katabi niya ay yung bag niya kaya no choice na lang ako, tumabi ako Kay tyanak, pinausog ko siya dahil gusto ko sa may bintana ako nakapwesto

"Matutulog ka pa ba? ", tanong ko kay Tyanak ng makita kong nakapikit ang mga mata niya at nakacross ang arms niya

"Yeah.... Matulog ka rin, mahaba pa ang byahe", sabi niya at sumandal na sa upuan, tumango na lang ako at kinuha ang phone at earphones ko ang nagpaka-Alex mode na lang

Tutulog na sana ako pero may napansin akong paper bag sa may paanan ni Tyanak, tiningnan ko muna siya bago kinuha yung paper bag, di ko naman nanakawin to.... Titingnan ko lang kung ano ang laman he he he

Binuksan ko ang paper bag at nakita ko ang isang barney na stuffed toy, barney? Seriously? Kanino ba to? Tiningnan ko si Christianak at tsaka tumingin sa stuffed toy na Barney at tumingin uli sakanya, pabalik-balik lang ang tingin ko sa stuffed toy at sakanya, hindi... Imposibleng sakanya to, ni-squeez ko yung stuffed toy and infairness ang lambot niya (insert tawa ni Kris Aquino here)

Yinakap ko at inamoy-amoy ito,ang bango.... Parang pinabanguhan siya ng pabango na panglalake.... Ang sarap yakapin.... Ang lambot lambot pa... Ang sarap na sana sa pakiramdam na yakapin yung stuffed toy na Barney pero may biglang humablot nito

"Ba't mo pinapakealaman to!? ", galit na tanong niya saakin, tumaas naman ang isa kong kilay

"Bakit? Hindi naman sayo yan ah! ", sabi ko sabay turo ng stuffed toy, bigla namang namilog ang mata niya at nagi ring pula ang mga pisngi niya, anyare dito?

"A-ah... S-sak-",

"Oh! Sabi na eh! Hindi naman yan sayo kaya akin na yan", sigaw ko, hahablutin ko na sana yung stuffed toy pero bigla niya nanaman itong iniwas

"Hoy! Akin to noh! Kaya huwag mo tong pakealaman! A-KIN LANG ANG BAR-NEY KO!! ",

"wuhahahaha!! Ang isang Christian Clyde Jancaster!? Mahilig sa Barney!? Buwahahaha", sigaw ko, kumunot naman ang noo niya at inirapan ako... Tawa lang ako ng tawa... Napatigil ako ng marinig ko yung ringtone na parang alam ko na kung kaynino

~i love you... You love me.... Let's go out and love Barney~

"Buwahahaha! Wait.... Wait... Akala ko ba let's go out and kill Barney yun? ", tanong ko sakanya habang kinakagat ang labi ko para pigilan ang paglabas ng walang-hangganang tawa ko

"Eh ayaw kong patayin si Barney kaya pinalitan ko, may problema ka dun? ",

"Buwahahaha-hmph! ", di natuloy ang pagtawa ko ng wagas dahil biglang tinakpan ng tyanak nato ng kamay niya ang bunganga ko

"Shut up or I'll kiss you at wala akong balak na sa pisngi lang gagawin yun", bulong niya saakin.... Bastos talaga ang tyanak nato! Gusto ko sanang isigaw yan sakanya pero ayaw ko na rin namang mahalikan kaya shut up na lang ako

Ng makita na ni Tyanak na wala na akong balak magsalita ay inalis na niya ang kamay niya sa bibig ko

"Good..... Susunod ka naman palang unano ka eh, pinapahirapan mo pa ako", sabo niya at pumikit at nag crossed arm, inirapan ko na lang siya

Itutulog ko na lang to, at least may nalaman akong kakaiba tungkol sa tyanak nato, na siya ay isang Barney-addicted being, psh.... Hindi na ako makapaghintay na ikalat yun kahit kanino

°°~~~~~~°°

Mulat... Mulat.. Mulat

Sinilip ko ang bintana at nakita kong maliwanag na pala, liningon ko si Christianak na ngayon ay kinakalikot ang cellphone niya, hay.... Nasaan na ba kami? Ang alam ko lang ay nararamdaman ko na at naamoy ang sea breeze dito sa loob ng mini bus, kinalabit ko si Clyde at tumingin naman siya saakin

"Ooy asan na tayo? ", tanong ko sakanya, tinapunan niya ako ng tingin pero nagbalik rin siya sa pagkalikot ng cellphone niya sabay sabi ng.....

"Nasa boracay na tayo, papunta na tayo sa hotel namin", sabi niya, napangiti naman ako ng bahagya... Wah.... Nasa boracay na kami... Excited na akong mag swimming!

"Alam mo... Dahil mabait ka ngayon, di na tyanak ang tawag ko sayo", sabi ko, tumingin naman siya saakin at kumunot ang noo

"Bakit? Ano na ba ang tatawagin mo saakin? "

"Bf", sabi ko with matching tango-tango pa, lalo namang kumunot ang noo niya

"Bf? "

"Bf as in Barney freak ", sabi ko sakanya habang pinipilit na huwag matawa dahil sa reaksyon niya, inirapan niya na lang ako, hanggang ngayon kasi di pa rin ako maka move on na ang lalake nato ay obsessed na obsessed sa baklang violet na dinasour na yun, para siyang bata....

"Psh... Ewan ko sayo.. Mas okey naman atang maging adik kay barney keysa sa cartoon character na kinaadikan mo", sabi niya, aba! Anong problema niya sa Steven Universe!?


"Hoy! Mas okey naman si steven universe keysa kay barney, at least si steven may powers... Alam mo bang ang gem niya ay isang rose quartz! Halos siya ang pinakamalakas na gem sa crystal gems! Mas malakas siya keysa kay pearl! Ame-",

"Gf"

"Gf? Ano yun? Nakakain ba yun? ", tanong ko sakanya, kung ano ano kasi ang ineepal ng Barney nato, di ko tuloy na explain kung paano naging half gem lang si steven

"Psh... Stupid.. That means gem freak gf for short.. Alam mo gf wala akong pake sa steven universe mo na yan basta huwag mo lang pakealaman ang barney ko", sabi niya, bakit ko naman papakealaman ang barney niya? Eew..


"I wont touch your beloved barney, bf"

"I wont touch Yours either, gf"



°°~~~~~~~°°

A/N:

Hi readers! Ahmm.... Sana basahin niyo ang author's note, it will mean so much to me..... Ahm... Lol gusto ko lang ipaalam sainyo na nag sososorry ako dahil inaamin ko... Masyadong cheesy talaga ang chapter nato... Kung na cornyhan talaga kayo i really am sorry about it... Pramis! Babawi ako sa next chapters!! Keep reading this story thank you for reading the author's note and thank you rin for reading my story i hope you'll like it

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon