Shey's P. O. V
Bwisit na Christianak na 'yon, pinagod niya ako ah. Eh paano naman kasi, muntik ko na sana siyang mahabol pero bigla ba namang lumabas sa Music room. Hingal na hingal tuloy ako at pinagtitinginan pa kami ng mga tao, buti nga hindi kami nakita ni Kuya kahit na malayo ang building niya sa amin, marami kasi siyang connections... gwapo raw kasi eh.
Pagod na ako kakahabol sa Christianak na 'yon. Bukas ko na lang 'yon hahabulin.
Umupo na rin muna ako sa isang bench para makapagpahinga, nandito ako ngayon sa quadrangle ng Jancaster University.
"Okay ka lang ba, miss?" Biglang may lumapit sa akin na lalaki na 'di ko naman kilala. Akala niya siguro kakausapin ko siya, but no... nagkakamali siya. I don't talk to strangers, 'yan talaga ang habit ko simula no'ng bata pa ako.
"Tama nga sila, snob ka nga. Ito oh, panyo. Pawis na pawis ka na kasi, huwag kang magpapatuyo ng pawis, baka magkasakit ka niyan," dagdag niya at inabot sa akin ang panyo na kulay puti na may drawing na parang si satanas. Ang creepy naman.
'Di ko naman 'yon kinuha kaya inilagay niya na lang ito sa tabi ko.
"Balang araw, magpapasalamat ka rin dahil sa ginawa ko, Rylle." Nagtaka ako dahilí sa sinabi niya, tatanungin ko na sana siya kung ano ang ibig niyang sabihin pero bigla na lang siyang nawala sa harap ko. Nandito lang 'yon eh. Nasaan na 'yon? Bakit naman ako magpapasalamat sa kaniya sa pagbigay ng panyo sa akin? At bakit Rylle ang tawag niya? Bukod kay Kuya Shaun, isang tao lang ang alam kong tumatawag sa akin no'n. Hindi nila ako tinatawag sa pangalan na 'yon dahil alam nilang magagalit ako. Ayoko sa pangalan na 'yon.
Kinamumuhian ko ang taong tumatawag sa akin ng pangalan na 'yon exemption na lang si Kuya Shaun.
Kinuha ko ang panyo na ibinigay niya at kumunot na lang ang aking noo no'ng may nakita akong pangalan na nakaukit sa ibaba ng drawing ni Satan.
Lemuel? Sino siya?
Clyde's P. O.V
Tumigil na ako sa cafeteria para bumili ng inumin, napagod ako sa kakahabol sa akin ni Jeanano. Mabilis pa naman'yon tumakbo kahit na napakaliit naman ng mga binti niya.
Kukunin ko na sana yung coke na binili ko pero may humarang sa akin na tatlong babae.
"Uhm... hi," bati sa akin no'ng babaeng nasa gitna. Hindi na bago saakin 'to, palagi 'tong nangyayari doon sa previous school ko and I hate this shit.
"What do you want?" Binuksan ko yung coke in can na binili ko. Wala akong panahon para sa mga walang kwentang bagay.
"A-ahm. P-pwede-." Hindi na siya nakapagsalita dahil pinutol ko na kaagad ang sasabihin niya.
"I'm not interested. Get the hell out of my sight," saad ko at lumabas na ng cafeteria.
Wala akong panahon para makipag-usap sa mga taong 'di ko naman kilala. Hindi kami pumunta sa bullshit na eskwelahan na'to para makipagkaibigan lang.
We're here for a different reason. The only reason that you don't want to find out.
Icia's P. O. V
"Christianak! Humanda ka talaga sa akin!" sigaw ni Shey at naghabulan na nga silang dalawa, lumabas si Clyde sa music room at sumunod naman si Shey. Sana lang hindi sila masyadong mapagod kakahabol sa isa't-isa.
"Ganiyan ba talaga si Clyde kapag kasama niya si Shey?" tanong sa akin ni Johann, napatingin naman silang lahat sa akin.
"Ganiyan talaga 'yang dalawa na 'yan sa tuwing magkasama sila, pag pasensyahan niyo na lang ah," sagot ko sa tanong nila.
"Talaga? Yung palaging tumatawa?" tanong ni pa ni Aaron.
"Ahmm."
"Yung palaging nakangiti?" dagdag naman ni Johann.
"Yung palaging nakikipagasaran?" dagdag pang tanong ni Andrew.
"Simula nang nakilala niyo siya ganyan na talaga siya? As in ganyan?!" tanong pa ni Frank. Napahinga na lang ako nang malalim, hindi ko na alam kung kaninong tanong ang sasagutin ko.
Binatukan silang Apat ni Azu kaya napahimas-himas silang apat sa mga batok nila. Mabuti nga at batok lang ang nakuha nila kay Azu dahil 'di pa sila close. Hindi pa nila nararanasan ang pinagdaanan namin kasama ang brutal na babae na 'yan. Napakasama niya sa amin.
"Akala ko ba question and answer 'to? Tanong lang kayo nang tanong eh. Pasagutin niyo nga muna si Icia!" sigaw niya at bumalik na sa kaniyang upuan. Natawa na lang yung apat habang si Alex naman ay inirapan lang si Azu, ginantihan niya naman ito. Isa pa 'tong dalawa na'to. Palagi rin silang nag-aaway! Mabuti pa si Jas, behave lang.
"Palagi talaga silang ganiyan, palagi silang nag-aasaran," sagot ko sa kanila. Gulat na gulat naman silang apat sa sinabi ko.
"Oo nga. Simula no'ng nakilala namin sina Icia my labs, ganiyan na siya at tsaka nakipagpustahan pa siya kay Shey na dapat niyang mapa-inlove sa kaniya si Shey. Diba Icia my labs?" 'Yan na naman si Nian, 'di ko nga alam kung bakit ganiyan ang tawag niya sa akin. Pero napapansin ko na kapag sinasabi niya 'yan, 'di naman siya nakatingin sa akin kundi kay Jas. Ang labo nila pareho.
"Yup."
"Grabe ang pinagbago ni Clyde ah. Ano kaya ang nangyari do'n?" tanong ni Aaron habang inilalagay ang isa niyang kamay sa baba niya na parang nag-iisip.
"Alam ko na! Baka nag ddrugs na si Clyde, kailangan natin siyang pagbawalan nasa kaniya ang kinabukasan ng mga Jancasters at ng buong Ga-Aray Fifth! Bakit ka ba nambabatok?!" pasigaw na tanong ni Andrew.
"Sige Andrew, salita pa," sabi niya tsaka tiningnan nang masama si Andrew. Natigilan naman siya dahil sa sinabi ni Fifth at namilog din ang kaniyang mga mata sabay takip sa kaniyang bibig. Napagtanto niya atang hindi niya dapat sabihin yung bagay na sasabihin niya sana
"Huwag niyo na lang pansinin ang sinabi ko, wala 'yon," pagbabawi niya. Tumango na lang din kaming tatlo kahit na naccurious din kami kung ano ba talaga yung bagay na hindi niya dapat sabihin.
"Bobo ka talaga kahit kailan, Andrew. Kailan ka ba talaga titino?" wika naman ni Frank sabay iling. Napanguso na lamang si Andrew at parang 'di na nga maipinta ang kaniyang mukha.
"Grabe ka naman, Frank! Masyado ka naman atang pranka. Nakakasakit ka na ng damdamin ah. You're already hurtiny my heart and my feelings!" mangiyak- ngiyak na sabi ni Andrew.
"Of course. I should be frank because I'm Frank." Eh? Ano raw? Bakit ba ganito ang mga taong nasa paligid ko? Nakakabobo. Mabilis pa naman akong maimpluwensiyahan.
Ewan ko ba.
BINABASA MO ANG
Meeting You (COMPLETED)
Teen FictionWhen everything in the world changes, will I still be glad that I ended up meeting you?