Kabanata 51

137 5 0
                                    

Saving him

Shey's P.O.V

"Shey... Si Clyde, muntik na siyang makapatay", napatigil ako dahil sa sinabi ni Andrew. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi naman yun totoo diba? Hindi naman ganun kasama si Clyde para gawin yun, infact he's a good guy. He'll never do that. Never.

"No. Hindi yun totoo, hindi niya yan magagawa. He's a good guy", sabi ko. Napatingin naman sila saakin at tumungo. Naramdaman ko na rin na unti unti ng namumuo ang mga luha ko. Nakakainis, di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Di ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin.

"Calm down Shey. Magiging okey lang ang lahat", pagkocomfort saakin ni Johann. Pinaupo niya naman ako sa isa sa mga upuan at binigyan ng tubig.

"Pasensya na. Nabigla lang talaga ako. Di ko inaakala niya kaya niyang gawin ang ganun na bagay. Ano ba talaga ang nangyari?", tanong ko sakanila at tsaka pinunasan ang aking mga luga gamit ang aking panyo

"Okey lang yan Shey. Ganiyan din yung reaksyon namin nung nalaman namin yun kaya naiintindihan ka namin", sabi naman ni Jas. Napatango tango na lang ako at muling bumuntong hininga

"Muntik ng mapatay ni Clyde ang isa sa mga trabahador nila sa bahay. Sinagot na ng papa niya ang mga gastusin kaya napagdesisyunan na rin ng trabahador na huwag ng kasuhan si Clyde, at tsaka may utang na loob naman kasi siya sa mga Jancaster. Ang problema nga lang, umalis na siya dun sa bahay nina Clyde", pagkekuwento ni Andrew, napatungo uli ako. Malala na to. Kailangan ko na siyang makausap sa madaling panahon. Kailangan ko na siyang tulungan, ayokong tuluyan siyang mawala, kung maaari. Kailangan ko siyang makausap mamaya.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo Shey. Tigilan mo ang pag iisip ng ganiyan. Huwag mo ng ituloy ang pinaplano mo", seryosong sabi ni Aaron. Napatingin naman ako ng diretso sakaniyang mga mata

"Kakausapin namin siya bukas. Huwag na muna kayong mangealam. Kailangan namin itong solusyunan at tsaka delikado",dagdag pa ni Nian. Napa-oo naman silang tatlo, tiningnan naman ako ni Alex

"Shey, delikado. Naiintindihan mo ba?", tanong niya. Napabuntong hininga ako at tumango na lamang. Ilang minuto pa ang tinagal namin, marami na kaming napag usapan at napagdesisyunan tungkol sa kailangan naming gawin.

Wala dapat makakaalam neto sa mga klase namin o kaya kahit sino man dito sa university. Bawal kumalat ang issue nato, ayaw naming masira ang pangalan nila. Kailangan kasi namin siyang tulungan, kailangan namin siyang protektahan.

Pakatapos naming mag usap usap napagdesisyunan naman namin na umuwi na. Pagpasok ko naman sa condo ay nakita ko naman sina Kuya Leion, Kuya Shaun at Lemuel na nakaupo. Hinanap ko naman si Tita

"Wala si Mommy. Pumunta siya sa bahay", sagot ni Lemuel habang kumakain ng potato chips. Napatango tango na lang ako ay tsaka umupo sa tabi nilang tatlo

"Bunso oh", tawag naman ni Kuya Leion at tsaka binigyan ako ng potato chips. Kinuha ko naman yun at ngumiti at tsaka nagpasalamat.

Nagsimula na rin kaming kumain, napatingin ako sa tv. Namilog kaagad ang mata ko nang nakita ko ang pinapanood nila, agad naman akong humarang sa tv at isinara iyon

"Shey!", sabay sabay nilang sigaw. Kumunot naman ang noo ko

"Ano?! Bat kayo nanonood ng Fifty shades of grey?!", pasigaw kong tanong sakanila

"What? We're old enough to watch that, and wala pa namang bed scenes eh so thats fine", sabi ni Lemuel habang kumakain parin ng potato chips.

"Kuya Shaun!", tawag ko naman kay kuya, napaiwas naman siya ng tingin

"Sabi nila maganda raw yan", sagot niya naman, napatingin ako kay Kuya Leion at tinaasan siya ng kilay. Nag shrugged na lang siya. Napabuntong hininga ako.

"Manood na lang tayo ng Harry Potter mga Kuya, o kaya Game of thrones", sabi ko. Napatango tango naman sila at nagsimula na nga kaming manood. Pakatapos naman ay agad na akong pumunta sa kusina at nagsimula ng magluto, mag gagabi na rin kasi kaya kailangan ko ng lumuto ng pagkain

"Anong niluluto mo?", napalingon naman ako kay Lemuel nang bigla niya akong tinanong. Napangiti naman ako at ipinakit ang adobong niluluto ko sakaniya

"Wow. Adobo, ang tagal ko ng di nakatikim neto ah", sabi niya na may malawak na ngiti na nakapinta sakaniyang labi. Napailing iling na lang ako, expected ko naman kasi na hindi siya masyadong kumakain neto, siguro halos take out na pagkain ang kinakain niya

"Nilagyan mo na ng Laurel? Dapat lagyan mo para mas masarap at mas malasa", sabi niya at kinuha ang isang laurel sa isang kabinet at nilagay sa adobo. Napatigil naman ako, bigla naman siyang napatingin saakin na may pagtataka sakaniyang mga mata

"Oh? Anong problema? Ayaw mo bang kumain ng adobo na may laurel?", tanong niya, napailing iling naman ako habang siya naman ay kumunot na lang ang noo

"Hindi sa ganun Lemuel, di lang talaga ako makapaniwala na marunong ka paring lumuto. Akala ko halos take out lang na pagkain galing sa ibat ibang restaurants lang ang kinakain mo", sabi ko habang tinitingnan siya. Tinikman niya naman ang luto ko

Natawa naman siya ng kaunti at tsaka pinitik ang noo ko. Napa aray naman ako dahil dun

"Mas magaling pa nga ata akong magluto keysa saiyo eh", dagdag niya pa. Kumunot naman ang noo ko dahil dun. Pakatapos naming lumuto ay agad na kaming naghain ng pagkain. Napalapit naman saamin sina Kuya Shaun at Kuya Leion.

"Adobo!",sabay nilang sigaw at umupo na. Nag pray naman muna kami at nagsimulang kumain. Mas maganda sana kung kompleto sana kami rito. Nandito sina Mama, papa at Tita. Gusto ko sanang mangyari yun pero parang di na mangyayari, parang malabo ng mangyari

"Shey? Nakausap mo na ba si Mama?", napatigil naman ako at napatingin kay Kuya Shaun nang tinanong niya ako

"Soon", sagot ko at tsaka kumain uli

"Oo nga bunso. Kailangan mo na siyang makausap sa madaling panahon, para maayos natin to at makapagsimula tayong lahat uli", dagdag naman ni Kuya Leion. Napangiti naman ako at tumango

Tama si Kuya Leion, kailangan ko ng makausap si Mama. Gusto ko na rin kasing makapagsimula uli, gusto ko ng maayos tong pamilya namin, ayokong nagkakagulo kaming lahat.

Pakatapos naming kumain ay nagsimula na akong bumihis sa aking kuwarto dito sa condo ni Kuya Lemuel. Naglagay din ako ng ilang gamit sa aking bag. Paglabas na paglabas ko ay agad namang napatingin saakin ang tatlo kong kapatid

"San ka pupunta?", sabay sabay nilang tanong. Napahinga naman ako ng maluwag at tiningnan sila ng diretso

"May kailangan lang akong puntahan. May kailangan akong ayusin", sabi ko. Kumunot naman ang mga noo nila.

"At sa tingin mo ay papayagan ka namin?", nakataas kilay na tanong ni Kuya Shaun

"Kailangan ko tong gawin kuya, para kay Clyde", pagrarason ko naman. Magsasalita pa sana si Kuya Leion pero agad siyang pinigilan ni Kuya Shaun. Lumapit naman saakin si Lemuel at binigay saakin ang susi ng kaniyang kotse

"You can drive right?", nakangiti niyang tanong. Sinuklian ko naman ang kaniyang mga ngiti at tumango. Narinig ko naman ang mga buntong hininga nila at tsaka tumango, napangiti naman ako ng napakalawak at hinalikan silang tatlo sa kanilang mga pisngi.

"Be safe", sabi ni Kuya Leion, tumango naman ako at tsaka pumunta kaagad sa parking lot para kunin yung kotse ni Lemuel. Agad akong nag drive papunta kina Clyde, mabuti nga at sinabi saakin ni Andrew noon kung saan ang bahay nina Clyde.

Pagkapunta na pagkapunta ko sa bahay nila ay agad akong napatingin sa kabuuan nito. Ang dilim ng buong paligid.

I sighed

"Ill save you Clyde, wait for me"

End of Chapter 51

Meeting You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon