Pag-asa

305 5 0
                                    

Written on: July 4, 2017


Pag-asang naghihimagsik patuloy na sumusunggab sa kalawakan.
Inuulan sa mga taong mahihina, mga taong mabilis na malamon ng ganti
          At unti-unting makakalimutan ang halaga ng bukal na mga ngiti.
Susunod ay ang pag-iwan ng kulay sa mga mata ng mga taong nawalan.

Mga taong naiwanan at iniwanan ng tadhanang sinasabi nila ay may bukal na puso
          Ngunit sa pagbagsak ng mga bulalakaw at kasiyahan ay bigla na lamang ito naglaho.
Binulag ang mga tao na mayroong pang natitirang hangganang pag-ibig
          At ngayon araw-araw silang nahihilamusan ng kanilang mga luha.

Sinasayang ang mga tubig sa mga bagay sa mga ala-alang hindi na dapat paulit-ulit pang gamitin

          Sapagkat walang espadang sasalag sa mga punyal para sa kanila,

          Walang prinsesang hahalik sa kanila o puting kabayo na ilalayo sila sa kanilang pagdurusa.
Ang kaya lang nilang gawin ay sumugod sa kinabukasan na wala na silang kinakasama.

Words of the Broken and the LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon