Paglaho

205 5 0
                                    

Written on: July 4, 2017

Sa namamatay na umaga at gabing nakakalimutan ay ang mga pag-ibig na naglalaho.
Sa pagpatak ng mga nyebe ay ang mga pusong nanlalamig at nagluluksa
              Sa mga pusong namatay sa malubhang pasa
              Sa mga masayang ala-ala na bigla na lang nawala.

Ang mga hagkan na minsang ipinagbawal ay muli nang nakalaya
              Sa kalawakan na kahit kailan man ay hindi mararating ng kahit sino man.
Mga ala-ala na pilit na kumakawala sa mga baol na ibinaon sa kailaliman ng karagatan
             Ay nakakawala at nakakabalik sa pinanggalingan.

Mananatili sa isipan at sa mga panaginip na parang walang katapusan.
Gabi-gabi at araw-araw nagdurusa sa pagmamahal na hindi inakala
            Patuloy na hinihiling na siyang makamasama muli sa iyong piling
            Ngunit ang katotohanan ay sadyang mapait at masama.

Words of the Broken and the LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon