Katapusan

218 4 1
                                    

Written on: October 21,2017

Ipikit ang iyong mga mata
Sa dilim pilit na hinahanap ang araw na di makita
Luhang pumipiga sa puso ay ang pag buhos ng  masasayang ala-ala na d na muli makakamtan pa
Sa paglakbay ng mga daan ay ang ulan na ayaw lumubay

Mga panaginip na sabik sa yakap ay nanlalamig sa kawalan.
Pag-ibig na sumusunod sa hangin ay tuluyan nang naglaho sa mga ulap na naglalakihan.
Mga pangakong inukit sa bituin ay tuluyan nang namatay.
Sa gabi na patuloy na dumaraan ay ang saya na unti-unting nawawalan ng malay.

Lungkot na walang katapusang pagdaraos,
             parang pista kung saan ito ay sinasamba.
Ang pag-ibig na biglaang pag-laho ay parang kasiyahang hindi makalimutan,
             parang isang bayani na nagbigay pugay sa kalayaan ng isang bansa.

Pagmamahal na nabubulag sa kadiliman ay ang mga paraiso ng mga bigo.
Isang nagdurugo at naghihinagpis
             isang hiling ngunit ang liwanag ay matagal nang lumiban.
Mahal, katapusan ay pilit na itatanggi kahit tapos na ang lahat ng pag-asa sa kadahilanan na ang pag-ikot ng mundo ay hindi pa natatapos.

Words of the Broken and the LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon