Sa Pilipinas, sa kahabaan ng Teresa, may isang simpleng estudyanteng nagngangalang Juan Lojo ang natagpuang patay matapos masagasaan ng isang kotseng humaharurot mula sa direksyon ng simbahan. Ito ay nasabing nangyari sa ganap na ika-lima ng hapon, Nobyembre 01, 2014. Napag-alamang lasing ang driver ng nasabing kotse at galing ‘di umano sa isang inuman sa may V.Mapa. Hanggang sa mga oras na ito ay wala pa ring nagke-claim na kamag-anak ng nasabing bikitma. Ako po si Angelo Ibarra, nag-uulat.

                Iyon na nga siguro ang isa sa mga pinakanakakapagtakang balitang iki-nover ko sa buhay ko bilang isang reporter sa TV. Ako nga pala si Angelo Ibarra, 25 years old, at, nabibilang po ako sa liga ng mga taong maaaring mapatay any time. Hindi ko naman talaga ginustong maging reporter kung hindi lang talaga dahil sa nanay kong hiniling ito dahil gusto niya daw ako Makita sa TV. Eh bakit kaya hindi niya na lang ako pinag-artista kung ganoon din ang siste? Mas bagay daw kasi akong nagbabalita kaysa sa nagsasayang ng luha sap ag-iyak sa mga teleseryeng wala naming katuturan. May sense si inang. Mas kapupulutan nga naman ng aral ang mga balita kaysa sa mga drama.

“Lunch daw tayo Yael! Treat ni boss, Mukhang good vibes yata sa mga scoops mo this morning ah.” Sabi ng katrabaho kong cameraman.

“Susunod na lang ako. Liligpitin ko lang iyong gamit ko.” Sagot ko habang nililigpit kunyari iyong gamit ko. They used to call me Yael, hindi ko alam kung bakit. Ayaw ko talagang sumabay kapag nagtitreat si boss. Maiilang lang ako kapag kasama siyang kumain kasi imagine ba naman, i-confess niya sa aking crush niya ako while nasa CR ako? At ang weird thing pa eh pumasok siya tapos ibinulong iyon sa akin. Creepy!

                Laptop, memopad, tickler, at ballpen, iyan iyong gma lagi kong dala sa araw-araw kong buhay ditto sa company naming bilang reporter. Alas-kwatro pa lang ng umaga, kailangan nasa studio ka na talaga and you’re well-prepared kapag may papupuntahang incident sa’yo para i-cover. Tapos irerecord sa booth iyong report mo then ipeplay na lang parang background music while playing sa mga morning shows iyong balitang scoop mo. Hassle free pero iyong paggising palang everyday ng ganoon kaaga, mukhang mamamayat tayo niyan, mga pare.

                After 10 minutes, naglahong parang mga bula iyong mga kasamahan ko. Nakarinig lang ng libreng lunch courtesy of boss, akala mo nakabingwit na ng malaking isda. Ang sabihin nila, crush lang nila si boss. Maganda naman kasi talaga si boss. Her name is Adella Rodrigues, 23 years old, at single. Pero may mga bali-balitang mahilig si boss sa mga lalaking mas younger sa kanya. Baka naman masabihang nag-child abuse siya niyan. Haha. At ang sabi ng karamihan sa mga kasamahan naming ditto, one time, nakita nila siyang may ka-holding hands na lalaking nasa edad 13, tapos sobrang tight ng hawakan nila. Hindi naman niya siguro iyon karelasyon or… baka anak niya! Tapos ang malupit ditto…

Yael!

I’m  just listening to my beautiful name again out of my mind? Gutom lang iyan, Yael.

I zip my bag and I’m ready to go when someone from my back touches my hand tapos napalingon ako sa likod. And laking gulat ko when there’s no one out there. Luminga-linga ako, wala namang tao. Ako na lang ang tao sa lounging area that time, mga bandang 10am na iyon ng umaga. Sabi ko na lang sa sarili ko, guni-guni ko lang siguro iyon. Dala lang ng gutom.

I make my way to the lobby para tumakas sa mga kasamahan kong sobrang kulit. Mukhang nagayuma na sila ni boss kaya pinipilit talaga ako sa kanya. Gumagawa ng paraan kung may makitang pagkakataon. Hindi ko naman kasi gusto iyong mga babaeng gano’n na sobrang showy sa mga nararamdaman nila. Naranasan ko na iyan noong highschool ako kaya alam ko ang pakiramdam.

Nagpara ako ng taxi at tumungo na sa aking pad sa Quezon City. May kikitain pa kasi akong long-lost friend. Childhood friend ko siya at ang malupit, crush ko rin siya. At kung tatanungin ako, mas gusto ko siyang kasamang mag-lunch kaysa kay Ma’am Adella.

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon