Pag-uwi namin ng bahay ay bumungad sa amin ang nakapamaywang na si Juan. “Saan ba kayo nagpunta ni Veny at sa gaitong oras pa talaga?” Suminghot-singhot siya, inamoy-amoy kami na parang aso. “Hindi naman kayo nag-inom, pero nakakaamoy ako ng kape.” Kung alam mo lang Juan na ang daming nangyari sa amin ni Veny kanina, magugulat ka din.

“Ako lang dapat kasi ang nasa labas, kaso, may sumunod na aso?” Sinong aso ang tinutukoy ni Veny? Ako ba iyon? Hindi naman ako amoy-aso at lalong hindi ako mukhang aso.

“Hoy, hindi naman ako aso. At hindi naman talaga kita sinundan in the first place. Nagising ako ng mga ganoong oras then, hayun, lumabas muna ako at nakita kita sa may lamay doon sa kanto. Alam mo ba Juan, marami kaming natuklasan kani-kanina lang.” Nakaka-excite magkwento kay Juan kasi ang dami niyang na-miss.

“Bago kayo magkwento ng mga nangyari, pwede bang maupo muna tayo o baka gusto niyong doon na lang tayo sa kwarto nitong si Cay mag-usap?” Sumang-ayon lang ako at sabay-sabay na kaming umakyat pataas, patungo sa kwarto ko. Hindi pa naman sumisikat ang araw kaya mahamog pa at malamig ang paligid. Dahil malapit na ring magdisyembre, inaasahan ko na ding magkaroon ng snow. Sandali lang, wala nga pala ako sa Korea. Akala ko naman magkakaroon talaga ng snow. Sayang!

Pagpasok namin sa kwarto ko ay biglang nagsalita si Juan. “Parang nakaramdam ako ng biglang pagkapagod ng pagpasok natin dito. Kanina lang kasi, maayos naman ang pakiramdam ko, pagkatapos ngayon, parang nanghihina ako.” Wala naman akong nakikita o nararamdamang entity sa bahay na ito. Hindi pa man talaga akong bihasa sa pagkakita ng mga multo, pero masasabi ko kung meron o wala kahit hindi ko man sila nakikita.

Napagpasyahan naming maupo sa ibabaw ng kama ko pero bago iyon ay binuksan muna ni Veny iyong mga bintana para papasukin ang hangin sa aming kwarto. Hindi na din kami nagbukas ng bintilador dahil malamig na nga. Nasa kaliwa ko si Juan at sa kanan ko naman si Veny. “Ako nga rin, nanghihina simula kanina noong nasa labas kami nitong si Cay.”

“Paanong mangyayaring makakaramdam ng iisang bagay ang dalawang tao na hindi naman pareho ang ginawa? Maaaring isa sa inyo original at isa sa inyo ang copycat?” Nasabi ko lang out of the blue kasi nakakapataka namang pareho sila ng nararamdaman ngayon. “Juan, kailan mo lang naramdaman iyong panghihina na iyan? Kanina pa noong tinawagan mo ako o ngayon lang na pagdatin namin?”

“Ngayon lang noong pagdatin ninyo. Pagbukas ng pinto, naramdaman ko agad iyong panghihina na hindi ko maintindihan kung bakit. Masigla naman ako noong pagkatapos kong tumawag sa inyo. Hindi na nga ako nakatulog pagkatapos ng tawag na iyon kaya hinintay ko na lang kayo dumating. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, hayun na. Wala naman akong dahilan para manghina dapat. Ganito talaga siguro kaming mga tao na may taglay na tele-empathy.” Tele-empathy? Ngayon ko lang narinig iyong term na iyon kahit mahilig pa ako magbasa ng mga articles sa internet.

“Veny, kanina ba, may nangyari sa’yo na gumamit ka ng sobrang lakas? Iyong tipong muntikan ka ng mahimatay?” Medyo creepy kasi nagtatanong siya ng mga bagay na related sa nangyari kanina.

“Oo. Heto na nga kasi iyong nangyari kanina.Noong nasa harap ako ng bahay ng lamay, biglang nagkaroon ng phenomena na nakikita ko iyong laman ng bahay. Parang nagkaroon ako ng ikalawang mata sa loob ng bahay kahit hindi pa ako pumapasok doon. May nag-tap ng isipan ko kaya nagawa ko pang maikot iyong bahay kahit nandoon lang ako sa labas nakatayo. Iyong daw iyong remote viewing, sabi ni Cay. Then, iyong isa pa ay iyong nagkaroon ako ng vision o pangitain noong kumakain kami ng tinapay ay umiinom ng kape. At dahil past iyong nakita ko, it maybe called as retrocognition. In-advise niya sa akin na mas hasain ko daw iyong precognition kaysa doon sa retrocognition. Ang dami nga niyang sinabi kanina kaya hindi ko na din ma-digest up until now.”

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon