Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata at nasilayan ko ang mga usok hindi ko alam kung saan nagmumula. Tila bagang may mainit na likido ang tumutulo mula sa aking ulo patungo sa aking kilay at ilong. Mainit, mabaho, masakit sa baga ang amoy ng paligid. Hindi ko maiangat ang ulo ko dahil sa sobrang sakit na hindi ko maipaliwanag. Maputi ang paligid at wala akong maaninag na taong nakapaligid sa akin ng mga oras na iyon. Hindi kaya, patay na ako? Heto na ba iyong sinasabi nilang sundo? Nasaan na si San Pedro? At ako’y nawalan muli ng malay.
-
Nakita ko ang lahat. Sobrang shock ako sa mga nangyari. As in kung makikita mo lang iyong kotse na pagewang-gewang sa main road, matatakot ka rin eh. Umikot iyong taxi at tumaob pagkabangga sa isang poste ng kuryente. I wonder kung buhay pa iyong mga tao sa loob ng taxi. Wasak kasi iyong rear ng taxi. Should I call Yael to cover this? Baka naglalunch iyong this time. Ang daming bagay ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Ako nga pala si Adella Rodrigues, boss ni Yael. Hindi ko alam kung paano ito icocover without a cameraman on site.
“Ah, bahala na!” Tumakbo ako pinangyarihan ng insidente at agad lumuhod at yumuko upang tignan iyong mga passengers sa loob ng taxi. Nakita kong dalawa lang silang passenger.
“Kuya! Naririnig mo ba ako? Sumagot ka para malaman ko kung buhay ka pa!” Hindi ako sanay sa mga ganitong sitwasyon na ako iyong sumusugod sa mga ganitong insidente.
Marami ng tao sa paligid ng nasabing insidente. Wala pang dumarating na ambulance at mga pulis para tumulong. Nang bigla kong narinig ang unggol ng lalaking passenger na nasa likuran ng driver. He is reaching his hands to me at inabot ko din ito. Mas inilapit ko an gang aking mukha sa lalaking iyon para Makita ang itsura niya at laking gulat kona si Yael iyon!
“Tu-tu-tulungan mo-a-ako. A-a-ang sa-a-kit ng hi-i-ta ko.” Sabi ni Yael habang namimilipit sa sakit ang ibabang parte ng katawan niya.
“Okay ka lang ba Yael? Ako ito, si Miss Adella. Tumawag na ng ambulance at ng tulong. Maiaalis ka nila diyan promise. Ano bang masakit sa’yo bukod sa hita? Nabalian ka ba? Sobrang alala na talaga ako sa empleyado ko. Baka kung mapaano siya at ‘wag naman sana nab aka ito pa ang tumapos sa buhay niya. Masipag si Yael at alam kong siya ang nagtutustos sa mga pangangailangan ng pamilya niya. Kaya hindi siya pwede mamatay.
Ilang sandali lang ay dumating na ang mga pulis, at ang ambulance para iligtas sila Yael at ang driver ng taxi. Sumama ako hanggang sa ospital para bantayan at Makita kung magiging ligtas si Yael mula sa mga injuries na natamo niya. Hindi ako sanay sa mga ganitong insidente like what I’ve said kanina at ayaw ko ng maulit ang mga ganitong bagay.
--
Ilang oras ding sinuri at idinaan sa mga test si Yael bago sabihing okay naman siya at himalang kaunting mga galos lamang sa hita ang tinamo niya. Hindi kami close ni Yael pero feeling ko ng mga oras na iyon, parang ang tagal na naming magkakilala at doon lang talaga ako naging sobrang concern sa kanya lalo pa’t empleyado ko siya at hindi naman kami masyadong nag-uusap. Pakiramdam ko, parang ang dami ko ng nalaman sa kanya from that short time na magkasama kami. Dinala si Yael sa isang regular room para makapagpahinga. At ako bilang boss niya at witness sa nangyaring insidente, at dapat bantayan siyang mabuti at ibigay ang lahat ng pangangailangan niya. Mga ala-una na ng hapon niyon at hindi gaanong kainitan ang klima sa kwarto na iyon.
“Salamat nga pala at sinagot mo iyong mga bills sa pagpapagamot ko. Dapat hindi mo na ginawa iyon. Nakakahiya sa inyo, Ma’am.” Pambungad na sabi sa akin ni Yael habang nakaupo siya sa bed at ako ay nasa tabi lang niya.
“Wala iyon.” Sabay tapik sa balikat niya.
“Aray! Ma’am, injured po ako.” Masakit na sabi niya. Mahahalatang medyo nairita siya sa pagtapik ko sa balikat niya.

BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
FantastiqueHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.