Umalis bigla ng dining area sina Juan at iyong visitor na si Sir Recko without any word. Hindi nila sinabi kung bakit sila umalis. Narinig ko lang na tinanong yata ni Juan iyong bisita kung okay lang ito and sabi niya, okay lang siya then they leave. Minsan talaga, nahihiwagaan ako sa mga tao sa paligid ko, o sadyang may mga bagay lang na hindi nila kailangang ipaalam sa akin. Anyway, ang ulam pala for tonight was Sinigang na Baboy at Beef Adobo. Aling Miki mentioned to me kanina na hindi daw siya kumakain ng beef since noong bata pa sila. PEro dahil binulungan ko siya kanina na magiging Magana ang lahat if we would be having a beef on our menu, pumayag siyang lutuan kami ng Beef Adobo. Unusual siya kasi ang karaniwan ay Beef Steak or naka-barbecue. Hindi din naman din bago sa akin ang pagkain ng beef pero I love tasting something new. Parang nahahawa na yata ako sa tounge ni Veny. Kanina kasi, nabanggit sa akin ng kapatid ko na HRM student pala itong si Veny at the same school na pinapasukan ko dati, which is PUP. So, kung totoo nga. I would love to be with her in an island at kahit ma-stuck pa kami doon, basta may tagaluto akong magaling, ayos lang.

Pagkatapos namang umalis bigla nila Juan, biglang sumunod si Veny pero bago siya makaalis, may drama scene muna siya sa kapatid ko. Kung hindi ako nagkakamali, narinig ko iyong famous song lines na binitiwan ng kapatid ko. Just call my name… Hindi pa itinuloy para mas cheesy. Magkaibang-magkaiba talaga kami ng kapatid ko.Nasabi ko dati na siya iyong taong bahay at ako iyong laging gala sa labas. Siguro habang nagsisira at nagkakalas ng kung anu-ano sa bahay itong kapatid ko, nanunuod din ng mga soap operas dati kaya nakikitaan ng ka-cheesy-han. Hindi ako magtataka kung magiging sobrang patok niya sa mga babae sa PUP.

And now, parang makikita ko nga ulit ang isa pang cheesy scene starring ang sarili kong kapatid. Habang nilalantakan ko iyong ice cream na dessert naming for tonight, nakita kong nililigpit na ni Cay iyong mga pinagkainan at mabilis pa sa alas-kwatrong pinigilan siya ni Veny. “Hoy, ‘wag mo munang ligpitin iyong pinagkainan niyo.” Medyo nakaharap ako ng kaunti kay Veny kaya natawa talaga ako pero mahina lang. Nakita ko kasing may kanin pa siya sa bibig habang binibitiwan iyong mga lines na iyon. Hindi ko siya matatawag na unethical, cute, baka pwede pa.

Heto na ang climax. Nararamdaman kong mangangatwiran si kapatid. “Eh bakit naman? Ayaw mo bang lumuwag iyong mesa para mas madali kang makakain?”

Aba, at may hiya pala sa katawan itong si Veny. Inubos naman muna niya iyong laman ng bibig niya bago siya nagsalita ulit. “Ganito kasi iyan, Cay. Sabi kasi sa pamahiin ng mga matatanda, kapag daw nagligpit ka ng pinagkainan tapos meron pang hindi tapos, hindi daw magkakaasawa iyong hindi pa tapos kumain. Ayaw ko pa tumandang dalaga. Hindi pa ako ready.” Wait, tama ba iyong narinig ko? O baka nabingi lang ako. Hindi naman pumasok iyong tubig sa tengga ko kanina nang maligo ako. Hindi pa pala ako nakakapag-shower after a long and tiring day. Mamaya talaga kapag nakauwi ako ng condo, iyon ang una kong gagawin.

Lumipat ng pwesto si Adella kaya hindi ko na siya katabi ngayon. Ang katabi ko na ngayon ay si Veny at nasa kaliwa naman niya si Adella. Sinenyasan ko siya na pigilan na iyong kapatid na kasi baka kung ano pa ang masabi. Pero sumenyas din siya na hayaan daw muna natin, baka may ipinaglalaban. Hindi ako nakuntento kaya hinila ko na paupo si Veny at binulungan ko. “Veny, sigurado kang sa mga matatanda mo nalaman iyang pamahiin na iyan? Ang alam ko kasi, kapag nagluluto daw then kumakanta, doon daw may chance na hindi magkaasawa, hindi kapag pinagliligpitan habang may kumakain pa.” Hindi ko alam kung narinig ni Miss Perry iyong bulong ko sa kanya pero sana hindi. Hayun, napaupo ko na naman siya at last. Naaalala ko na naman iyong nangyari kanina sa simbahan na halos pagtinginan na kami ng mga tao lalo na iyong mga nagrorosaryo dahil sa ginawa niya kanina.

Binulungan din ni Adella si Veny para din siguro mapagsabihan. Maganda silang mag-ate, kaso hindi sila magkadugo. Makikita naman sa balat nila. Si Veny kasi, parang Pilipinong may lahing koreana, maputi at medyo Malaki lang ng kaunti ang mata kaysa sa kapatid kong singkit talaga, at si Adella, Pilipinang tunay dahil sa kanyang morenang balat.

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon