Ang ulo ko, masakit na. It was like a long night ang nagdaan at para akong uminom ng heavy drinks kagabi. Pagkaalis namin kagabi sa boarding house ni Aling Miki, I experimented on something. Hindi po kasi talaga ako umiinom ng alcoholic drinks. Kapag may mga occasions nga, kahit pinipilit nila akong uminom o just a shot, humihindi ako kasi hindi ko alam kung ano ang iaarte ko kapag lasing na ako. Sabi nila, kapag lasing ka daw, lahat ng sasabihin mo, totoo. Inaamin ko na isa rin iyon sa dahilan ko dati kaya hindi ako umiinom. Baka kasi mamaya, pagkatuwaan ako ng mga kasama kong uminom then tatanungin nila ako and I’ll reply with the most honest yet the most intriguing answers na pwedeng magpahamak sa akin. Hindi mo na kasi kontrolado ang sinasabi mo kaya mahirap.
Niyaya ko si Miss Adella na uminom for the sake na masubukan lang namin. Just like what we’ve said, magkaibigan na kami noong mga bata pa kami. Pero ang uminom, iyan ang isa sa mga bagay na hindi pa namin nagagawa. Sa akin naman, gusto ko lang masubukan kung anong mangyayari sa akin. Hindi ko susubukin ang sarili ko na malasing ng sobra, gusto ko lang magpababa talaga ng kinain. Nabasa ko kasing pwede palang magpabilis ng digestion ng tao ang pag-inom ng alcoholic drink tulad ng wine and beer.
“Potpot, gusto mo uminom? Kahit saan lang, gusto ko lang masubukan.” Kahit may pasok pa kami kinabukasan, ang lakas ng loob kong mang-aya uminom. Siya iyong driver at ako ang passenger. It’s 11:00pm already at parang wala pa rin akong balak umuwi sa condo ko. Nasa kaliwa ko lang siya, nagda-drive na matiwasay habang ako, nakatingin lang sa labas at nagmumuni-muni.
“How dare you to call me Potpot? Hindi na ako mataba at mas lalo pang gumanda.” I get my phone at nagpatutugtog na lang via loudspeaker para kahit papaano ay magkaroon ng lively ambiance itong paligid namin. “Bakit naman naisipan mong uminom? Siguro, nagbreak na kayo ng girlfriend mo? Am I right?” Tama ba iyong narinig ko? Girlfriend? Hindi ko nga pala nasabi sa kanyang no girl since birth ako. Natawa na lang tuloy ako sa mga sinabi niya. “Hey, why are you laughing? May mali ba sa sinabi ko?”
“Wala naman. Natawa lang ako kasi nabanggit mo iyong about sa girlfriend-thing. Wala pa naman akong nagiging girlfriend, ikaw pa lang, sana.” Hininaan ko iyong last fe words para hindi niya marinig. May crush ako kay Miss Adella dati pa lang pero hindi ko pinapahalata. Hanggang crush lang naman ang kaya ko ngayon, hindi ko naman madadala ito sa next level. Hindi naman ako nagmamadali mag-asawa o kaya magkaroon ng girlfriend. May tamang oras naman ang lahat ng bagay, ibibigay din sa atin iyan ni God.
Tumigil ang sasakyan namin sa isang gasolinahan para siguro magpakarga ng gas. Sumakto pang ang kanta sa playlist ko ay Magkabilang-mundo. Ang lakas lang maka-love story. …kahit ang oras natin ay magkasalungat. Aking hapunan ay iyong umagahan, ngunit kahit na anong mangyari, baling araw ay makakapiling ka…. Hindi kami nag-imikan habang hinihintay namin na matapos iyong pagpapakarga ng sasakyan na nasa unahan namin. Then, bigla siyang nagsalita habang nakatingin sa akin. At paano ko nalamang nakatingin siya sa akin, just a guess. Hindi ko naman siya tinitignan that time. “Hey, bumaba ka na. Bumili ka na ng wine or beer o kahit anong alcoholic drink doon sa convenient store.” At tsaka lang ako napatingin sa kanya bago ako bumaba ng sasakyan niya. Her eyes were like soaked in sadness. Hindi ko alam kung bakit siya malungkot pero ang sigurado ko lang ngayon, pareho kami ng pinagdadaanan ngayon. Bumaba ako ng sasakyan at naglakad papunta sa convenient store na itinuro niya.
Madalas ako sa mga convenient store noong college student pa lang ako. And here I am again, pero this time, hindi para lang magpalamig dahil mainit sa labas, at hindi lang din para pabababain ang kinain ko, ito ay dahil din kailangan kong damayan iyong kaibigan ko. I’m not familiar with the latest drinks of this generation dahil hindi naman talaga ako mahilig sa pag-inom.pero sisikapin kong bilhin iyong best. Minsan lang naman ako iinom, why not try something new.

BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
ParanormalHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.