Dali-dali akong pumunta kay Miss Adella at inalis ang side table na nakapatong sa kanya. Si Juan nama’y pinuntahan si Aling Miki na ngayo’y nakahiga sa kama ng dugo at wala ding malay. Sino kaya siya? Sino iyong sumanib kay Aling Miki? Kapag may nangyaring masama kina Aling Miki at Miss Adella, magkakasubukan kami ng multong iyan. Agad akong tumakbo palabas ng kwarto iyon at tinawag ko ang nurse na nakita ko na papunta sa direksyon namin. “Nurse! Tulong!” Agad namang sumakloklo ang nurse at nang makita niya ang initial na ayos ng kwarto ni Juan, dali-dali siyang tumakbo upang tumawag ng tulong mula sa iba pang kapwa niya nurse. Kinakabahan talaga ako sa mga nangyayari this past few days. Hindi ko alam kung bakit nangyayari ang mga bagay-bagay na ito. At nagsimula lang naman lahat ito ng mabangga ang sinasakyan kong taxi. Sigurado akong magtutuloy-tuloy pa ito sa mga susunod na araw. I just want a simple life na hindi ko pagsisisihan baling araw pero mukhang susubukin talaga ako ni God.
Maya-maya pa’y dumating ang mga janitor at iba pang nurse para tulungan kami sa mga nangyari. Inilipat kami ng kwarto at nilinis ang mga kalat sa Room 204. Sinuri ng doctor si Aling Miki at Miss Adella at nakita namang wala namang naging dulot na malalim iyong mga nangyari kanina. Hinihiling ko na lang sana na matapos na ang lahat ng ito para mahanap ko na rin iyong matagal ko nang hinahanap. Iniwan kami ng doctor at sinabing pwede naman kaming umuwi na kinabukasan, November 4, 2014. Si Juan at Aling Miki, magkatabi na nakaupo sa gilid ng kama nila at kami ni Miss Adella, kaharap nila.
“Malaki na ang nagagastos niyo kay Juan, Yael at Adella. Pasensya na kayo at naging pabigat pa ako. “sAbi ni Aling Miki sa amin. Alam ko ang pakiramdam ng pagkaitan ng mga bagay na gusto ko. Madalas kasing wala sa bahay ang nanay ko na siyang kasundo ko at ang tatay ko, hindi ko din makausap minsan. Close kami ng nanay ko at iyong kapatid ko, kasundo iyong tatay ko. Naalala ko na naman tuloy iyong kapatid ko. Hinawakan ko ang mga kamay ni Aling Miki para kalmahin siya.
Tinignan ko din siya sa mata para hindi siya mag-alala. “Nay, huwag po kayo mag-alala. We will be the one na magbabayad lahat ng expenses niyo dito. Oo, hindi namin kayo kadugo o talagang kakilala pero, may concern kami sa inyo.”
“And one more thing, Nay. Parang pamilya na rin ang turing namin sa inyo kahit sobrang short pa lang ng time frame na nakasama namin kayo. Wala naman po iyan sa haba ng pinagsamahan, nasa tiwala po iyan.” Pagdadagdag ni Miss Adella. Nahahawa na ako kay Juan. He’s witty din pero magaling talaga siya magtagalog. Ako kasi, parang conyo magsalita na strong. Kakasama sa partner kong si Miss Adella, heto ang napala ko.
Napangiti na lang si Aling Miki nang mga sandaling iyon. That’s the smile na nagpagaan ng loob ko ngayon. Okay silang lahat, at walang masamang nangyari kay Miss Adella. Then, biglang nagsalita si Juan. “Sandali lang.” Napatingin siya kay Aling Miki na katabi lang niya at nagsalita muli. “Nanang, maayos lang po ba talaga kayo? Wala ba talagang masakit sa katawan ninyo?”
Tinapik lang ni Aling Miki si Juan para sabihing maayos lang siya. “Aba’y maayos lang ako. Ang naaalala ko nga lang kanina…” Kumunot ang noo niya na parang nag-iisip. She’s like those oldies na mahilig mag-isip ng malalim pero matalas pa rin magsalita. “…Nag-uusap tayo pagkatapos wala ng sumunod aokng naalala. Nagising na lang ako na nakahiga sa bisig ni Juan dito sa kamang ito. Heto tayo ngayon, nag-uusap.” So, ang ibigsabihin lang nito ay hindi naalala ni Aling Miki ng mga nangyari noong may pumasok sa katawan niya. Hindi siya aware na may mga nangyayari na pala.
“So, meaning to say, you’re not aware of anything that happen kanina, Aling Miki? Medyo scary iyon for this time. Kanina po kasi you acted like a monster at ang pinakanakakasindak na part is iyong lumutang kayo sa ere sa ibabaw ng kama ni Juan then nag-vommit kayo ng tubig.” Pagpapaliwanag ni Miss Adella. Pero sandali, tubig ang isinuka ni Aling Miki? Hindi ba’t dugo iyon at hindi lang tubig?
BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
ParanormalHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.