Nakakainis talaga iyon si Cay. Kabago-bago lang dito sa boarding house, ang lakas na manakot. Hindi pa naman ako sanay na tinatakot ng ganyan. Yes, mahilig ako sa mga horror stories at pinag-aaralan ko din ang mga iyon, pero ‘wag naman sana i-bring up iyon lalo na kapag kumakain. Nakakawala ng gana lalo na’t ice cream iyong kinakain ko. Umalis na lang tuloy ako doon sa dining area. Babalikan ko na lang sila kapag tapos na sila Juan kumain.

Nadatnang kong naghuhugas ng pinggan si Aling Miki ng mga pinggan sa lababo. Hindi kami mas’yadong close ni Aling Miki pero this time, gusto ko lang siyang chikahin. Nilapitan ko siya unti-unti at ginulat mula sa likuran. “Ay anak nang! Bakit mo ba ako ginulat? Muntik ng malaglag iyong puso ko. Alam mo namang matanda na ako, ginaganyan mo pa ako. Kayo ni Juan, magganyanan kayo pero ‘wag niyo na akong isali. Utang na loob lang, Venetto.” Makabuo naman ng first name, wagas si Nanang.

“Minsan lang ako maglambing, nagagalit pa kayo.” Niyakap ko siya mula sa likuran para naman maramdaman niyang may mga anak pa rin siya kahit wala. Pumiglas siya pero wala na siyang nagawa, gusto ko siyang yakapin. Na-miss ko lang din kasi iyong parents ko sa Cavite. Matagal-tagal na din kasing hindi kami nakakauwi ni Juan. “Alam niyo po Aling Miki, para kayo po iyong nanay ko. Masarap po kasi kayo magluto at concern lagi kayo sa amin. Naalala ko nga po dati, noong unang salta ko dito sa pamamahay niyo. Halos sigaw-sigawan niyo ako dahil nagluto ako ng canton tapos nasunog noong pinapakuluan ko iyong noodles. Iniwan ko kasi habang nag-la-laptop. That was the most epic thing na nagawa ko sa buhay ko.” Tumigil siya sa paghuhugas at narinig kong parang umiiyak siya. Na-touch siguro sa speech ko. Hindi naman talaga masungit si Aling Miki, gusto lang talaga niya ng maayos na bahay.

Gano’n lang kami for several minutes. Parang tumigil ang mundo naming dalawa sa sandaling iyon. Hindi ako sweet na tao lalo na sa mga babaeng nagiging parte ng buhay ko kasi nga, mas close ako sa mga lalaki. Medyo boyish po ako pero hindi po ako tibo kung iniisip ninyo. Ayaw ko kasi ng drama, gusto ko laging masaya kaya hindi ako mahilig makipag-heart-to-heart talk sa mga girls. Kapag kasi sa mga lalaki kong kaibigan ako nagshe-share, less drama, more tawa. Iyon iyong gusto ko. Ayaw ko ng the usual girl’s talk na puro kaartehan at puro kakikayan. Para kasi sa akin, hindi naman mahalaga kung maganda ka sa mata ng iba. Kung kulot ang buhok mo bago lumabas ng bahay, kung may powder ka sa mukha at hindi nagpapawis ang kili-kili, o kaya naman kung mabango ka at hindi ka amoy-pawis. Ang mahalaga para sa akin ay magpakatotoo ka lang at hindi mo kailangang maging iyong taong gusto nilang maging ikaw. Maging ikaw iyong tao na gusto mo dahil hindi ka magiging masaya kung lagi ka na lang magpapaka-plastic at magpapaka-over-reating para mapantayan iyon standards ng iba. Teka, too much drama na pala, enough na. Kumalas na ako mula sa pagkakayakaap ko sa kanya kasi nafi-feel ko na rin iynog nararamdaman niya. Naiiyak na din ako. Maya-maya, naramdaman kong tumutulo na pala iyong luha ko sa mata na agad ko namang pinalis. “Nay, maghugas na kayo diyan. Labas lang po ako.” At nagpatuloy na nga siya sa paghuhugas.

Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay nakita ko si Juan na nasa isang sulok, may mga dalang pinggan. Hindi naman ako natakot, medyo nagulat lang ako. “Hoy, bakit ka man lang nagsasalita.” Nilapitan ko siya at kinuha iyong hawak niya. “Bakit hindi ka umiimik? And bad mo.” Tinalikuran ko siya at iniabot kay Aling Miki iyong mga pinggan at hinila siya palabas ng kitchen. “Ikaw ha, baka i-tsismis mo sa iba na dumadrama ako bigla. Minsan lang, pagbigyan na.” Nginitian lang niya ako ng nakakaloko. Naiinis ako sa mga taong ganito na ngingitian ka lang, hindi man lang magsalita. Pinalo ko siya sa braso ng ilang ulit pero puro ngiti lang at iwas iyong natanggap ko galing sa kanya. “Hindi ka ba talaga magsasalita? Hoy, ‘wag naman ganyan, friend.”

Inakbayan niya ako at inipit ng mahigpit ang ulo ko tapos bigla akong kinutusan ng paulit-ulit. “Hindi kasi ako sanay na nakikita kang nagdradrama ng ganyan. Akala ko, ako lang ang ganyan, pati pala ikaw, Gaya-gaya ka ng character, walang originality.” Maya-maya ng nagpipiglas na ako ay pinakawalan niya na ako.

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon