Sumang-ayon akong maibalita sa TV, sa pamamagitan ng channel nila Miss Adella at Sir Yael, na buhay pa ako para rin maipaalam sa pamilya ko sa Cavite at sa mga kaibigan ko na buhay pa ako. Kaysa naman sa magdulot ito ng burden sa kanila at pagkalungkot, mas mabuti ng malaman nilang buhay pa ako. Umuwi na kami ni Aling Miki sa boarding house after naming magpa-interview sa kanila. Naging mabait naman sila sa amin after that, medyo hindi ko lang gusto iyong inggleserang si Miss Adella. Masyado siyang matanong, tapos hindi naman kami magkakilala talaga. Buti pa si Sir Yael, cool lang pero kapag tinanong mo, daming alam.
November 4, 2014, iyan na ang date ngayon. Buti na lang at walang pinauwing plates iyong mga prof ko. Nakauwi na rin naman kami ni Aling Miki sa boarding house. Pagbukas na pagbukas ko pa lang ng pinto, ang una kong nakita ay si Veny, HRM student kong ka-boardmate.
Tumingin siya sa akin habang nakaupo at ang sabi’y, “Nandiyan ka na pala.” Tumayo siya’at lumapit sa akin, hinawak-hawakan ang mukha ko at ang braso ko. “Okay ka na?”
“Maiwan ko muna kayo ah. Maghahanda lang ako ng pananghalian natin.” Nauna na si Aling Miki sa kusina at iniwan kaming nakatayo sa may pintuan. Marunong talaga si Nanang makaramdam hindi tulad ng iba. Kaya nagtagal kami dito dahil ganyan siya. Nagkakasundo kasi kami.
Nginitian ko lang siya at sinabing, “Yup, okay naman ako. Bakit parang excited kang Makita ako?” Niyaya ko siyang umupo pero nag-insist siya. Ako lang iyong umupo at siya, nanatili sa may pintuan. Puro makahulugang ngiti lang ang nakita ko sa kanya mula ng dumating kami ni Aling Miki sa boarding house. “Hoy, kanina ka pa nakangiti diyan ah, ano bang meron at kanina pa masaya ang prinsesa ng bahay na ito?”
“Eh kasi, iyong crush ko, nakita kong dumaan. Kaya ang saya ko lang.” Nilapitan ko siya at inakabayan ng mahigpit at ikiniskis ang kamay palad ko ng paulit-ulit sa ulo niya. “Aray! Bitiwan mo nga ako! Crush koi yon eh kaya syempre matutuwa ako.”
Hindi ko pa rin siya binitiwan at kinutusan ko pa siya para mas masaya. Minsan na nga lang kami magkita, iyong crush pa niya iyong ikwekwento sa akin. Niluwagan ko ang pag-akbay sa kanya at binitiwan na siya. Naupo muli ako sa sofa at sumunod naman siya.
“Alam mo na ba iyong nangyari sa akin? May astig akong natuklasan!” I exclaimed. At siya naman iyong parang batang naghihintay ng isang matamis na apa mula sa isang mamang sorbetero. Iminuestra ko ang kamay ko, iwinasiwas ito sa hangin at ibinaba muli.
“Marunong ka ng mag-magic?” Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Mababaw pa din siyang mag-isip. Umiling ako at nagmuestra ulit ng ilang mga galaw sa kamay ko at ibinaba muli. At bigla niya akong tinapik sa braso at ang sabi’y, “Alam ko na. ‘Wag mo nga akong pinaglololoko. Napanaginipan ko lahat ng nangyari.”
“Weh? Hindi nga? Pati ikaw may ability under ESP?” Mukhang hinuhuli lang ako ng mokong na ito. Pero ang totoo, hindi talaga niya alam. “Paano mo naman nasabing alam mo talaga iyong nangyari sa akin kahit hindi ko pa naikwekwento?” Nag-interrupt si lola at sandaling nagdala ng dalawang baso ng orange juice at muling bumalik sa kusina. Medyo maaliwalas ang paligid ng mga oras na iyon dahl malapit na ngang magpasko. Ang hindi ko lang mainitindihan ay kung bakit hanggang dito sa bahay ay sinusundan pa rin ako ng mga bagay na paranormal.
Nginitian na naman niya ako at masayang sinabing, “S’yempre joke lang iyon. Paano ko naman mapapanaginipan iyon. Hindi ko naman dinevelop ang psychical abilities ko.”
“At talagang nagresearch ka pa para ipamukha sa aking may alam ka? Mabuting bata.” Iniabot ko sa kanya ang isang baso ng orange juice na nakapatong sa tray sa center table sa harap namin at this time hindi naman niya tinanggihan. Paborito niya ang paborito ko, lalo na sa orange juice.
BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
ParanormalHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.