20 - Revelations revealed

11 0 0
                                    

Umalis na iyong mga bisitang dala ni Ate Adella. At talagang iniwan pa sa amin iyong mga bisita. Dapat siya iyong nag-asikaso sa mga iyon. Kung hind lang kami vibes ni Ate Adella, hindi ko papayagang dito pa tutuloy iyong mga kaibigan niya. Pero anyway, wala na naman tayong magagawa diyan. Buti na lang at marami iyong luto ni Nanang kaya walang naging problema. Ako nga yata dapat ang toka sa pagluluto ngayong gabi kung hindi lang talaga kinailangan pa naming sunduin iyong mga kaibigan ni Ate Adella.

--

Pagkaalis ng mga bisita namin ay sinabihan ko si Veny na puntahan si Nanang at sabay na silang umakyat  para matulog kapag wala na silang gagawin. Gusto ko na sanang matulog pero gusto ko munang kausapin si Cay tungkol doon sa parang iringan nila noong bisitang babae. Hindi naman sa gusto ko pang manggulo pero, nais ko lang malaman kung ano iyong nangyari para malinaw ang lahat sa akin. Kaysa naman manghusga tayo ng tao base lamang sa pahayag ng iisang kampo, mabuti ng marinig din ang kabilang panig.

Umakyat na ako para pumunta sa kwarto niya para makausap siya. Kumatok ako sa pinto niya at ilang saglit lang ay agad naman niya itong binuksan. Ngumiti siya at nakita ko ang Caliber Garcia na magaan ang dating. “Pasok ka, Juan.” Pumasok nga ako, naupo siya sa kama niya at humarap sa kanyang laptop. “Anong problema kuya? Gusto mong makipagkwentuhan sa akin?” Tinabihan ko lang siya at nakiusisa sa kung anong ginagawa niya.

“Anong ginagawa mo? Bakit ang daming tabs diyang sa browser mo? Baka nanunuod ka ng mga malalaswang panuorin?” Mas lumapit pa ako para makita iyong screen ng laptop niya. Dumaan din naman ako sa pagkabata kaya alam ko ang pinagkakaabalahan ng mga bata lalo na kapag wala silang magawa. Naramdaman ko ang init sa kwartong iyon kahit gabi na. Kahit napansin kong naka number 3 na iyong bintilador, parang ang init pa rin. Naka-sando na nga ako, medyo pinagpapawisan pa ako.

“Oy hindi po. Nag-re-research lang ako ngayon kaya maraming tabs. At hindi ko po hilig ang manuod ng mga ganyang panuorin lalo na kapag medyo badtrip ako.” Wala sa hulog ang bagong boarder namin ngayon. Hindi ko na yata kailangang magtanong kung ano ang nangyari kanina. Baka siya pa mismo ang magdaldal sa akin ngayon. “Eh kasi naman, iyong doktor na babae kanina, bigla akong hinila palabas ng dining area. Oo, natakot ako kasi talagang may nakita ako sa likuran niyo kanina habang kumakain kayo, pero ang hilain niya ako palabas, iba na iyon pre.” Tumigil siya sa pagtipa sa keyboard at iniusog palapit sa akin ang laptop niya. “Tignan mo iyang article. Nabasa ko diyang sa Dr. Jose Fabella pala nagtratrabaho iyong babaeng iyon. Malapit lang dito.” Tumayo siya at may kinuha sandali sa bulsa ng pantalon niyang nakasabit sa likod ng pintuan. Pagkabalik niya ay may pinakita siyang keychain. “Kapag talaga nadayo iyang babae na iyan dito sa lugar natin, magiging katulad siya ng keychain na iyan.”

Iniabot niya sa akin ang keychain at tinignan ko ‘yon. “Anong meron sa keychain na ito? Magiging keychain ba siya kapag pumunta siya dito?” Gusto ko lang magbiro para medyo gumaan ang emosyon ngayon na nararamdaman ko sa paligid. Parang mas lalong uminit habang binabanggit niya kanina iyong threat niya kay Miss Perry. Hindi ko alam kung bakit pero gano’n iyong nararamdaman ko ngayon. Tumalon siya sa kama para makabalik sa tabi ko at muntikan ng malaglag iyong laptop niya sa pagtalon niya. Buti na lang at nahawakan ko agad. “Minsan nga mag-ingat ka naman. Ang mahal kaya ng isang laptop.” At iniharap ko na sa kanya ulit ang gamit niya.

“Matagal na sa akin ang laptop na ito. Mga 2 years na din ang tagal. Maayos pa naman ito at sigurado akong kahit bumagsak pa iyan sa sahig, baka sa sahig ka pag mag-alala at hindi sa laptop na ito.” Natawa na lang ako at hindi ko alam kung dahi natawa talaga ako sa joke niya o dahil naaawa ako sa laptop niya. “Joker ka din minsa eh, ano? Ang ibig kong sabihin sa keychain na iyan, kapag pumunta ulit siya dito o makita ko man lang ang anino niya, naku, sinasabi ko sa’yo. Baka tulad ng butterfly keychain na iyan, baka manigas ulit siya at mag-iiyak.” Medyo naguluhan ako sa sinabi niya at pinipilit ko pa ring intindihin kung ano ba talaga iyong sinabi niya.

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon