Pagkatapos nilang kumain sa Jollibee ay tinext ni Yael sina Cay na pumunt sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital kung nasaan si Recko ngayon naka-confine. Sumunod na din sila Yael after nilang kumain nng breakfast doon.
Makalipas ang ilang oras ay nagtipon-tipon ang lahat sa kwarto kung saan naka-confine si Recko. Nandoon silang lima, ang magkakapatid na Perry, Recko at Candy at si Aling Miki. Napag-alaman ding si Aling Miki pala ang butihing kapitbahay na nagligtas mula sa sindikato kay Candy at nagdala sa doorsteps ni Recko sa kanyang unit. Napag-alaman din na ang nakita ni Perry na limang batang babae at isang batang lalaki sa naturang ospital ay parang thoughtform at gawa-gawa lamang ng kanyang pag-iisip.
---------------------------------------------------------------------------------------
Ang layunin ng istoryang ito ay hindi lamang manakot, kung hindi ay magbigay linaw din sa mga bagay na karaniwan nating nararanasan sa araw-araw. Hindi dapat kinakatakutan ang mga multo o mga hindi natin pangkaraniwang nakikita. Sila ay dapat na ipinagdadasal at kung minsan ay tinutulungan para matahimik sila at mahanap ang hustisiya na inaasam-asam nila.
Sa mga tao namang may mga psychic ability o nag-aalangan na kung meron nga sila nito, ‘wag po kayong matakot na subukan ang inyong sarili. Hangga’t hindi naman po ninyo susubukan ay walang mangyayari. Wala namang mawawala kung susubukan. May ilan kasi na sinasabing may nakikita silang anino pero noong tinahi at i-test at meron palang malakas ng psychic ability.
Maraming salamat po sa lahat ng tumangkilik sa maikling istoryang ito. Sana po ay marami kayong natutunan at kung may mga katanungan po kayo, pwede niyo po akong i-message sa aking facebook account.
Credits to Mr. Ruel Ruiz and his book Psychic Ka Ba?
BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
ParanormalHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.
