16 - The Beginning

24 0 0
                                    

Ako nga pala si Juan Lojo, isang BS interior Design student sa Polytechnic University of the Philippines, 1st year student, at kasalukuyang nagboboard sa isang boarding house sa kahabaan ng Teresa. Ang simple lang ng pangalan ko, right? Walang karate-arte. Ewan ko ba naman kasi sa mga magulang these days kung bakit kung magpangalan sa mga anak nila eh pinapahirapan pa hindi lang sa haba ng pangalan, pati spelling, naiiba. Iyong simpleng “Arlene”, nagiging “arlyn” o kaya “arleen”. May napapala ba sila doon bukod sa happiness at accomplishment? Haha, malay natin meron nga.

Bs Interior Design, ang ganda sa tengga,right? Oo, ang ganda niyang pakinggan pero noong pinag-aralan ko na siya, grabe, kulang po ang bente-kwatrong oras sa isang araw kapag may mga requirements na pinapagawa. Iyong tipong, mararanasan mo ding hindi maligo sa isang araw matapos lang mga pinapagawa ng professors mo? Grabe ‘di ba?

At heto pa, bonus na lang kung may tulog kang 5 hours or less. Oo, hindi na siya ordinary sa aming mga college students, pero grabe talaga. Tapos naranasan ko ding iyong pinaghirapan ko for almost a week with less sleep and more eating habits(kaya po medyo nag-gain po ako ng weight), hindi tinanggap ng prof. mo dahil na-late ka ng 1 hour. Tanggap ko naman iyon eh. It’s their job to discipline us. Ako talaga iyong may kasalanan no’n eh. Haha.

Hindi naman po talaga ako madaldal, minsan lang kapag walang magawa. Hindi ko habit ang magkwento sa iba ng tungkol sa akin. Na-trauma na kasi ako dati sa mga kaibigan ko noong Computer Science student pa ako. Nawalan din ako ng trust sa mga taong nakapaligid sa akin kaya tahimik lang ako. Nabansagan din akong "loner" dahil nga doon.

--

Ako nga pala si Angelo Ibarra, 25 years old, at, nabibilang po ako sa liga ng mga taong maaaring mapatay any time. Hindi ko naman talaga ginustong maging reporter kung hindi lang talaga dahil sa nanay kong hiniling ito dahil gusto niya daw ako Makita sa TV. Eh bakit kaya hindi niya na lang ako pinag-artista kung ganoon din ang siste? Mas bagay daw kasi akong nagbabalita kaysa sa nagsasayang ng luha sa pag-iyak sa mga teleseryeng wala naming katuturan. May sense si inang. Mas kapupulutan nga naman ng aral ang mga balita kaysa sa mga drama.

--

Ako po si Caliber Ibarra Garcia. Cay na lang po ang itawag niyo sa akin. As in, K-A-Y ang bigkas. Iyong tatay ko at iyong nanay namin ni Kuya Yael, kasal. Ibarra lang ang gamit ni Kuya Yael kasi hindi naman kasal si mama at iyong tatay niya. Minsan, umuuwing lasing at may dalang babae sa bahay si papa ko. Buti na lang at wala doon si mama kung hindi , iiyak lang ng iiyak ‘yon. Humiwalay ako ng tirahan doon sa Korea at iniwan ko si papa. Alam naman niya iyon, at buti na lang ay sinusuportahan pa rin niya ako hanggang sa namatay si papa. Nagtrabaho na lang ako sa mga kumpanya doon para lang magkapera at nang makapag-ipon, lumipad ako dito. Gusto ko din kasing makilala ang tatay ni kuya kasi, yumao na ito dahil na rin sa katandaan.”

--

November 2, 2014, All Soul’s day, 06:00am ng umaga. Ano pa bang meron sa araw na ito? Wala ng iba akong Makita sa action center ng phone ko. Pahinga ko pagkatapos akong iwan mag-isa ni Juan kahapon dahi sa may mga requirements pa daw siyang inaasikaso. Aba, pwede na siyang maging guard ng CEAFA. Wala naman kasi akong ginagawa ngayong sembreak. Nabo-bore na ako dito sa boarding house. Kung uuwi naman ako ng Cavite, yes you’ve heard it right, mas lalong nganga ako doon. Kaya heto, taong-bahay ako dito sa boarding house ngayon. Iyong mga kaboardmates naming, nagsiuwian din. Kung iniisip ninyong makikipagbonding ako kaya Aling Miki, pwede, pero goodluck. Tignan na lang natin kung sino ang unang matunaw. Then, evil laugh.

-

Ako nga po pala si Venetto Cruz. Veny na lang po ang itawag niyo sa akin. Kung bakit po ganito ang pangalan ko, ay hindi ko rin alam. May lahing French iyong parents ni papa at iyong parents ni mama, may lahing Korean. Schoolmate po ako ni Juan at I’m taking BSHRM. Gusto ko sanang kumuha ng ibang course pero sa kasamaang palad, sina mama at papa ang nasunod. Nag-iisa kasi akong anak na babae, pagkatapos, masyado pang disciplinarian si mama. Ano pa nga bang magagawa ko? Wala, kung hindi sumunod na lang.

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon