Ibinigay ko kay Miss Adella iyong phone niya at sila ang nag-usap para sa address ng ospital na kinaroroonan namin ngayon. Sana lang ay ligtas ditong makarating si Nanang Miki ditto. Kahit ako ay hindi familiar sa ospital na ito. Isa itong private room at sa pagkakaalam ko ay tanging may-kaya ang makakagamit ng mga ganitong klase ng kwarto.

“Nagugutom ka na ba? Anong gusto mong kainin? Hindi ka pa kumakain simula noong isang araw. Tandaan mo, November 3, 2014 na ngayon.”Nakatingin lang siya sa akin whole the time pero halos hindi ko pa rin siya pinapansin. Hindi ko naman kasi talaga siya kilala at ayaw ko ng tinititigan ako.’

“Kahit ano po. Hindi naman po ako maselan sa pagkain.” Hinawakan ko ang mga paa ko dahil medyo nilalamig na ako sa lakas ng aircon. Pang-electric fan lang naman ang katawan ko.

“Sure ka diyan? Lalabas muna ako para sabihan iyong nurse na dalhan ka ng pagkain. Mag-wi-withdraw muna ako.” Lumabas siya at ako na lang ulit mag-isa sa kwartong ito.

Simple lang ang interiors ng kwartong ito. White wash lang at mga light colored wallpapers lang ang ginamit sa pader, may mga kurtinang ang kulay ay green apple, at may side table sa magkabilang side ng kama ko. Mahilig talaga akong mag-observe sa loob ng mga establishments lalo na at related ito sa kursong kinukuha ko which is Interior Design. Buti na lang at semestral break namin ngayon at walang pasok. Kung nangyari ito nang may pasok kami, marami na siguro akong plates na hindi nagawa. Kailan kaya makakarating si Aling Miki? Ang dami ko na namang thoughts pero hindi naman nakakatulong para makaalis ako ditto sa ospital na ito. Kung pwede lang maglaho at jaran! Gusto ko ng makauwi at makalayo sa reporter na ito. Kahit naging mabait siya sa akin, may nararamdaman akong balak siya sa akin eh.

Tumayo ako sa kama ko at naghanap ng pwedeng taguan. Buti na lang at matibay iyong kama dahil karaniwan sa mga kama na ino-occupy ng family ko dati kapag nagkakasakit iyong mama ko eh mahina ang klase at marupok. Pangmayaman talaga itong kama. Then, umupo ulit ako at bumaba ako mula sa kama ko, naglakad-lakad, paikot-ikot sa kwartong iyon tumingala. Gotcha! May isang maliit na uka sa kisame ng naturang kwarto. Pwedeng doon ako magdaan palabas ng ospital o kaya ay nandoon lang ako at akalain nilang nakalabas na ako ng ospital at tsaka ako lalabas kapag nakalayo sila. Kapapanuod ko ng mga pelikula kaya naging ganito ang pag-iisip ko eh.

Umakyat uli ako ng kama ko at tumayo roon. Dahil matangkad naman ako at abot ko ang uka, ginalaw-galaw koi to. Mukhang matibay pa. Bumaba ulit ako at naghanap ng pwedeng ipangtulak para magloosen up iyong dikit ng uka. Square shape kasi iyong lagusan tapos dahil wala namang iba pang gagawa ng gagawin ko ngayon noon, matibay pa ang kapit nito.Ikot-ikot ulit at may nakita akong paying. Akyat uli ng kama at itinulak ko pataas iyong uka. Matibay talaga. Itinulak ko pa ng mas marahas at mas malakas at hayun, nabuksan na siya.

Nagpatong-patong ako ng mga unan at tinungtungan ko ang mga ito. At ilang talon pa atpagbubuhat sa sarili, nasa loob na ako ng lagusan. Unti-unti kong isinara iyong lagusan para hindi nila mahalatang sinira ko iyong uka lang kanina. Nagmasid lang ako sa kwarto sa pamamagitan ng isang maliit na butas mula sa kinalalagyan ko. Maliit lang ito na kasing laki ng butas ng puncher. Tahimik ang buong paligid at ang tanging ingay lang ay ang makina ng air-conditioner. Maya-maya lang ay dumating na si Miss Adella at laking taka niya kung bakit walang tao sa kwartong iyon.

“Nasaan na kaya siya? Nag-withdraw lang ako then he disappear like a smoke.” Luminga-linga siya at ibinaba ang pagkaing dala na malamang ay kinuha niya from the nurse na dapat magdadala ditto niyon. Then, she exited. Mukha yatang pupuntahan niya iyong guard para magpatulong na hanapin ako. Enemy number one, eliminated. Pwede na siguro akong bumaba.

Unti-unti akong bumaba mula sa lagusang maliit na kinalalagyan ko at ilang sandali lang ay nasa kama ko na ulit ako. Medyo pinagpawisan ako dahil mainit sa taas. Dali-dali akong bumaba sa kama ko at pumunta sa bayo at naghanap ng pwedeng pamalit na damit. Saktong may mga nakasabit na ilang mga t-shirt at maong shorts sa hanger malapit sa shower area. Nagpalit ako ng damit at agad akong lumabas ng banyo. Nakiramdam muna ako kung may paparating na tao bago ako lumapit sa pintuan. Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Unti-unti akong naglakad patungo sa pintuan ng bigla itong bumukas at isang lalaki na kasing taas ko ang bumungad. Pareho kaming nagulat dahil hindi naming inaasahan iyon.

“Who are you?” Nagkunot na ang mga noo niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko alam ang isasagot kaya itinulak ko siya at tumakbo palayo upang makatakas na sa kwartong iyon. “Hoy! Sino ka? Bumalik ka ditto!” Sumigaw pa siya pero hindi naman niya ako hinabol. Tumakbo lang ako ng tumakbo palayo  at umarteng parang normal kapag may mga hospital personnel akong nakikita. Para kasing nakita ko sa paningin ko kanina na parating na si Miss Adella eh kaya nag-freak out ako tapos saktong dumating pa iyong lalaki kanina. Sa sobrang desperado ko sigurong makatakas ditto, nagha-hallucinate na ako.

Pababa na ako ng hagdan papunta sa exit door ng ospital nang may tumawag sa akin from nowhere. “Juan! Aba’y saan ka pupunta?”

Familiar iyong boses at alam kong kilala ko siya. Lumingon ako at nakita ko si Aling Miki pala iyong tumatawag sa akin. Huminto ako at nilapitan siya with a smile. “Buti nakarating kayo ditto. Ang layo nito sa boarding house ah.”

“Aba, syempre naman. Alam ko itong ospital na ito dahil ditto din kami kami nagpapa-regular check-up noong asawa ko noong nabubuhay pa siya. Ay sandali lang, bakit pawisan ka at parang hinahabol ng kung ano man?” Kumuha siya ng panyo sa shoulder bag niya at inabot sa akin na akin namang tinanggap.

“Ah…eh… Kailangan na po nating makaalis ditto at hinahabol po ako ng mga reporters sa taas. Tsaka ko na lang po ikwekwento sa inyo iyong buong kwento.” Hinablot ko ang kamay ni Nanang at tumakbo kami sa ibang pasilyo dahil nakita ko mula sa salamin ng sliding door na may mga guwardiya sa labas kaya hindi kami pwedeng dumaan doon. S’yempre kunting alalay kasi matanda ang kasama ko. Tumakbo kami ng marahan at laking gulat ko ng biglang may tumulak ng malakas palayo kay Aling Miki na naghagis sa kanya isang dipa palayo sa akin. Siya’y nawalan ng malay at humandusay sa sahig.

Dali-dali ko naman siyang sinaklolohan, tumingin-tingin sa paligid at biglang namatay ang mga ilaw sa pasilyong iyon. Tanging ilaw lamang sa dulo ng pasilyong iyon ang tanging liwanag namin. Alam kong may tumulak kay Nanang at kahit hindi ko siya nakikikita, alam kong nandito siya.

“Sino ka! Anong kailangan mo?” Nag-echo lang iyong boses ko sa pasilyo at dahil madaling-araw pa lamang ay panatag ang lahat ng mga personnel na walang ganitong mangyayari sa ospital nila. Isang mahabang katahimikan ulit ang bumalot sa pasilyo. Buti na lang at nawalan lang ng malay si Nanang at hindi napuruhan ang ulo niya.

Maya-maya pa ay nagbalik ang ilaw sa pasilyo at naramdaman kong naging normal ang paligid. Tumayo ako at isinandal ko muna si Nanang sa pader at naglakad-lakad ako paunti-unti.

“Totoo ba iyong  mga nakikita ko?” Namangha ako sa mga nakita ko. Alam mo iyong parang sa pelikula na nakikita ko na kapag fina-fast-forward iyong isang video na maraming dumadaan ng tao tapos ikaw lang iyong still sa lahat? Ganun! Hindi ako natakot at hindi ko din alam ang dahilan kung bakit. Then suddenly, biglang nagiging reality iyong mga taong nagdadaan sa paligid ko.

Narinig ko sa paligid kong marami ang tumatawa at lahat sila ay nakatingin sa akin. May mga naghihiyawan at may mga sumisigaw ng tulong. Para na akong nasa isang malaking dungeon at marami ang pinahihirapan at may mga binibitay. Maaamoy mo ang amoy ng dugo sa buong paligid at unti-unting nilamong ng liwanag ang kadiliman.

Nakatulala lang ako all the time and suddenly, a small voice from my back called my name.”Juan.” Hindi ko pinansin dahil pinapakiramdaman ko pa ang paligidi ko. Bigla kasing nagbago ang klima at mula sa malamig ay biglang uminit. Lumingon ako unit-unti at ay may nakita akong babaeng bata na nakaladlad ang buhok, nakasabit mula sa isang ceiling fan na umiikot paunti-unti. Pula ang kanyang mga mata, puno ng sugat ang buong katawan, gulagulanit ang damit, at may kasama siyang maliit na manika na ang sabi’y…

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon