Kami’y tumayo na at umakyat na sa hagdan para pumunta sa kwarto ni Juan. Minsan nga naman kung kailan pa hindi mo inaasahan tsaka dumarating ang mga taong magpapaalala sa iyo ng nakaraan. Naalala ko tuloy kay Juan iyong kapatid ko na matagal ko ng hindi nakikita. Kumusta na kaya iyon? Kasing –edad na siya siguro nitong si Juan. I can still remember that we used to play volleyball dahil magka-team kami kapag may laban ang school with other schools. Nasaan na kaya siya?

“Yael…” At bigla akong kinalabit ni Miss Adella. “Ang lalim ng iniisip mo. May problem ba?” Nasa hallway kami ngayon papunta sa kwarto ni Juan. Nagpaalam kami sa mga big bosses namin na mawawala kami for a while sa office dahil may aasikasuhin lang kami. Buti na lang at may mga ka-opisina kaming sumalo sa trabaho namin.

Hindi ako agad nakasagot kasi nga naalala ko na naman iyong kapatid ko. Tapos kinalabit niya ako ulit. “Hoy, ano bang problem? Na-cu-curious na ako.” Sabi i Miss Adella. Hindi pa na lang ako sumagot kasi alam kong hindi naman nila ako maiintindihan. Noong malapit na kami sa Room 202, may narinig akong tumawag ng pangalan ko kaya bigla akong napalingon sa likuran ko pero wala naman akong nakitang tao. Kulang lang siguro ako sa tulog. Maya-maya ay pumasok na kami sa kwarto ni Juan.

Naupo si Juan sa gilid ng kama niya at kaharap niya ang pintuan. PAgkatapos biglang nilapitan kami ni Aling Miki na ang sabi’y, “Yael, ako’y bibili lang ng makakain sa labas.”

“Sige po Aling Miki. Kami na po ang bahala kay Juan.” At lumakad si Aling Miki papunta sa may pintuan at lumabas ng kwarto. At kaming tatlo na lamang ang natira sa naturang kwarto. Kumuha kami ni Miss Adella ng upuan at umupo sa harap ni Juan. Nasa kanan ko si Miss Adella.

“Ano nang gagawin natin ngayon? He asked. Akmang bababa na siya ng kama niya at mukhang hihiga na nang nagsalita si Miss Adella. “We need to talk. Gusto ka naming mas makilala pa. Friends na naman tayo, ‘di ba?”

"Acquaintance pwede, pero magkaibigan, hindi pa.” Plain pa rin ang boses niya. Isang beses ko lang siyang nakitang nag-soft ang mukha. Naaalala ko talaga sa kanya ang kapatid ko. Nakaka-miss din palang hindi siya Makita. Mula kasi ng mamatay si Mama at si Papa, wala na akong balita sa kanya.

“Hindi pa ba tayo pwedeng maging friends, Juan? Okay na naman tayo…” At bumuntong-hininga si Miss Adella.

“At sa panahon ngayon, paano mo ba maipapaliwanag ang isang kaibigan, Juan.” I added. May misteryo sa pagkatao ng batang ito kaya sa ganyan. Hindi na nga siya bata kung maituturing kasi parang mature na siyang mag-isip at halos magkapareho pa kami ng tindig.

Animo’y nag-iisip si Juan. Ganito siguro talaga siya sa mga taong hindi niya kilala ng lubusan. Nagiging maingat lang siguro siya. At nagsalita na siya. “Kaibigan. Iyan iyong taong hindi ka lang lalapitan kapag may kailangan sa’yo. Nandiyan siya sa mga oras na kahit wala siyang kailangan sa’yo, pero handa siyang pasayahin ka. Iyan iyong taong, alam mong mapagkakatiwalaan mo. Iyong mga taong mabait lang kapag may kailangan, sila iyong mga anay. At kapag nakuha nila ang kailangan nila mula sa’yo, hindi ka na nila kilala. Parang hindi ka na nag-e-exist. Maraming ganyan sa panahon ngayon…” Then itinuro niya ako at si Miss Adella. “… Kaya ‘wag kayong magtataka kung hindi ko pa kayo maituring na mga kaibigan.

Malalim siyang mag-isip. May pinaghuhugutan. For a while, wala ni isa sa amin ang nagsalita. Ang mga sinabi niya’y may punto lahat. Parang naranasan niya siguro ang mga ganoong bagay kaya ganito siya ngayon. Ang tanging ingay na maririnig ng mga oras na iyon ay ang ugong ng makina ng air-conditioner. Tumikhim ako para basagin ang katahimikan at ako naman ang nagbato ng tanong kay Juan. “Ang lalim naman ng sinabi mo. Ngayon, ano sa palagay mo kaming dalawa ni Miss Adella bukod sa acquaintance mo?” Nakita ko ang unti-unti pagso-soften ng emotion ni Juan na makikita sa kanyang mukha.

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon