Hindi ko naman talaga sinasadya na sabihan ng maarte si Adella eh. Talagang nagulat lang ako at naalala ko iyong mga conyo girls sa PUP nang makita ko siyang sumalampak sa sahig. Buti na lang at nakapagpaliwanag agad ako at hindi naman siya ganoon ka-closed minded na tao. Mukhang magkakasundo din kami nito. Nang makita kong tapos na ang lahat kumain. Nagprisinta na akong ipunin ioyng mga plato nila at para rin hugasan na ito. Sinamahan ako ni Juan at mukhang gusto yata akong kausapin tungkol doon sa nasabi ko kanina.
Parang pahaba ang lote ng boarding house namin. Pagpasok mo ng entrance door, makikita moa ng living area then iyong divider na china cabiner as divider papuntang dining area pagkatapos liko kang kanan, heto ng kitchen kung nasaan kami ngayon ni Juan. Inilapag ko iyong mga plates sa sink at nagsimula ng magsabon ng mga plato. Siya naman, sumampa lang sa tabi ng sink at doon umupo. Lagi na lang kaming magkasam nitong si Juan kaya para na kaming magkapatid. Kahit nami-miss ko iyong family ko sa Cavite, wala naman akong magawa para makauwi. Kaya as much as possible eh ginagawa kong busy ang sarili ko at kung maaari ay dinadaldal ko siya kapag may time.
“Buti na lang at hindi kayo nagkasagutan ni Miss Adella, este, Adella, kanina.” Sabi sa akin ni Juan habang nakayuko ang ulo niya. Siya iyong taong plain lang magsalita, pero malalim. Hindi ko nga alam kung paano kami nagkasundo eh. Isang isip-batang babae at isang seryoso na parang nerd pero hindi naman na isang lalaki, magkakasundo at heto ngayon, magkasama pa sa isang bahay? Himala nga.
Sinasabunan ko na iyong mga baso ng mapatingin ako sa kanya. “Okay lang iyon. At least, hindi nagkasigawan.” Sabay baling ulit sa mga sinasabon kong kubyertos. “Mali pala iyong mga expectations ko sa kanya na flirt. Iba siya eh. Siya iyong maypagka-conyo, aminin na natin iyong, at may pagka-classy. Gano’n lang talaga siguro siya magsalita.” Tanging ilaw lang mula sa sun roof ang pinanggagalingan ng ilaw na malapit sa sink kaya’t para kaming naka-spotlight ni Juan. Bumaba siya na siya mula sa kinauupuan niya at pumunta sa refrigerator para kumuha ng maiinom na tubig. Narinig ko lang na bimukas iyong pintuan ng ref kaya nasabi kong iinom siya. At bigla na lang narinig kong may nabasag na kung ano sa likod ko. Naramdaman kong parang kumirot ang ulo ko at biglang nawala din makaraan ang ilang sandali.
Hindi ako lumingon at inisip ko na lang na baka may nabasag siya. “Be careful next time, Juan. Pulutin mo na lang iyong mga nabasag mo. Baka magalit si Nanang sa mga kalat.” Sabi ko na lang sa kanya. Hindi siya sumagot. Walang movements akong narinig mula sa likuran ko. Medyo kinabahan na ako. Tinapos ko lang iyong huling basong binabanlawan ko at tinignan ko siya. Laking gulat ko ng makita si Juan na nakasandal na sa refrigerator at parang hinang-hina. Dali-dali ko siyang binuhat kahit mas mabigat siya sa akin at pinaupo siya sa pinakamalapit na upuan malapit sa ref. Kinuha ko iyong walis at agad kong iniligpit ang kalat niya. Kumuha ako ng tubig sa ref at ibinigay sa kanya. Lumuhod at tinanong ko siya kung anong nangyari. “Anong nangyari? Bakit mo nabitawan iyong baso at bakit parang hinang-hina ka?”
Pagkainom niya ng tubig ay sumagot siya. “Nahilo ako bigla. Parang may kung ano na hindi ko alam. Galit, pagkasuklam, matinding damdamin. Iyon lang iyong nararamdaman ko ngayon.” Tumingin siya sa akin na parang hinang-hina. Hindi ko maintindihan iyong mga sinasabi niya. At bigla na lang naming narinig ang sigaw ni Aling Miki mula sa dining area.
“Ano iyon? Si Aling Miki!” Agad kong inalalayan siyang tumayo para mapuntahan si Nanang. Pero nang paliko na kami papuntang dining area, biglang nawalan ng malay si Juan at humandusay sa sahig. Napaupo ako sa sahig at hinila siya upang ihiga ang ulo niya sa hita ko. Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero walang nangyari. Sinubukan ko pa ngang tapikin din ang braso niya pero hindi pa rin siya nagising. Ano ba ‘to? Gusto kong puntahan sila doon pero hindi ko naman pwedeng iwan si Juan. Narinig kong may tumatawag ng pangalan ko at nakita kong papunta sa direksyon namin si Yael. Humahangos siya at at sabi, “Si Aling Miki! Aah—no… Na…”
BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
Siêu nhiênHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.