Sinabihan na kami ni Aling Miki na tawagin na namin ang iba naming ka-boardmate kasi nga magtatanghalian na. Paakyat na kami ni Juan sa hagdan para puntahan ang ka-boardmate namin kasi nga kakain na ng maalala ako. Paano kung Makita ni Juan iyong bagong boarder naming? Anong iisipin niya? Hindi rin alam ni Aling Miki na may bagong boarder. Pinigilan ko muna si Juan kasi baka magulat siya sa new boarder namin.
“Wait lang Juan, sure kang gusto mong tawagin iyong mga ka-boardmate natin?” Tinanong ko muna siya na parang may halong-pagaalangan. Kapag nalaman kasi ni Aling Miki na nagpapasok ako ng tao sa bahay, na hindi niya alam, baka magalit iyon. Hinigpitan ko ang hawak ko kay Juan.
Napakunot ang noo ni Juan sa mga narinig niya. “Bakit, may masama ba doon? At bakit ang higpit ng hawak mo sa akin? Maliban na lang kung… mangyari…wala.” Nagpigil siya sa mga sinasabi niya. Meron kaya siyang hindi nasasabi sa akin? After ilang araw ding hindi pagkikita, marami kaya akong na-missed sa buhay ng mokong na ito?
At bigla niya akong hinila pababa sa sulok ng hagdan at parang may gusto siyang sabihin. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimulang magkwento. “November 4, 2014 na ngayon. At noong mga panahong wala ako dito, naospital ako dahil may nakabangga sa aking taxi sa kahabaan ng Teresa. Nagtagal ako sa ospital na iyon, malapit sa Recto, ng mahigit sa isang araw. At habang tulog ako, nakaranas ako ng tinatawag na Astral Projection. Ito iyong paghiwalay ng kaluluwa sa katawan mo at paglalakabay sa mga lugar na napuntahan ko na…” Hinawakan ko din ang isa niyang kamay para pakalmahin siya dahil para siyang natatakot. Nararamdaman kong hindi siya okay. Nginitian ko siya para iparamdam na kailan niyang mag-relax kahit kunti at pinagpatuloy niya ang pagkwekwento. “…At isa sa mga lugar na napuntahan ko ay hetong bahay. Nakausap ko pa sa panaginip dito din si Aling Miki kaya noong naaksidente ako ay ang alam niya ay ligtas ako. Kung hindi pa ako tatawag noong nagising ako ay hindi pa niya malalamang naaksidente talaga ako.”
“So, anong pinaglalaban mo, Juan?” Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat niya para pakalmahin pa siya. “Kung nangyari man iyon, hayaan na lang natin. Eh kung iisipin mo pa kasi, mas lalo kang ma-de-depress. Tara, kumain na lang muna tayo.”
“Sandali, tatawagin ko lang iyong mga ka-boardmate natin.” At dumulas na iyong kamay niya sa kamay ko at hindi ko na siya napigilan ng umakyat pataas. Bakit mo pa kasi binitawan? At nang narrating niya ang unang kwarto ay agad niyang binuksan ang pintuan. Dali-dali akong umakyat para tabihan siya at nagulat din ak sa nakita namin.
Si Caliber aka Cay, tulog. Hinawakan ko lang sa braso si Juan at pati siya hindi din gumalaw. Paaano ko kaya ito ipapaliwanag? Isinara ko ulit iyong pintuan at ihinarap ko siya sa akin. Tinignan niya lang ako sa mata. Ilang segundo din kaming nagtitigan lang. At nang makahgot ako ng lakas ng loob, nagpaliwanag ako sa kanya. “Galing kasi ako sa kaklase ko kasi may ginawa kami sa thesis namin then nakilala ko siya then nagtanong baka daw may alam akong boarding house na pwedeng malipatan. Pagkatapos ni-refer koi tong boarding house natin eh pwede naman…” At bigla niyang isinenyas ang kamay niya malapit sa mukha ko kaya napatigil ako sa pagpapaliwanag.
“Wala namang problema diyan. Tama na iyong narinig ko. Ngayon…” hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pinagilid muna ako. Binuksan niya ang pintuan at hinila ako papasok ng kwarto ni Cay. “…Gisingin mo muna siya para makakain muna tayo. Tsaka mo na ipaliwanag kay Aling Miki na pinatulog mo iyong boyfriend mo dito.” Nanlaki ang mga mata ko sa mga narinig ko at bigla ko siyang nahampas.
“Hoy, hindi ko siya boyfriend. Wala pa sa isip ko iyong boyfriend na iyan.” At pinagsususuntok ko siya ng mahina sa braso. May narinig kaming unggol at mukha yatang napalakas iyong pagrereklamo ko kaya hayan, nagising na si Cay. Pinunas-punasan niya iyong mata ng kanyang mga kamay at nagpungas-pungas pa ang kanyang mga mata, napaupo sa kama niya at nag-unat.
BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
ParanormalHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.