Tumakbo ako palabas at hinanap iyong bata. Bumaba ako ng hagdan and nagpa-ikot-ikot ako sa mga corridors hoping na sana makita ko ulit iyong bata. Until na makarating ako sa morge ng hospital. It was usual for me na may mga ganitong place dito pero ang makarating dito, first time ko yata. Kung hindi ko man makita iyong bata, ayos lang sa akin pero, I promised to him na bibilhan ko siya ng slippers at hahanapin namin iyong mga ate niya. Tahimik, hindi gumagalaw ang hangin at hindi na gaano maliwanag ang paligid.Naglakad ako paunti-unti at nang biglang may bumulong sa akin at ang sabi, “ Sshh!” Lumingon ako at nagimbal ako sa aking mga nakita. Limang babaeng nakaitim, walang buhok, duguan ang buong katawan, nakabuka ang mga bibig, maputla ang balat at kulay puti ang mga matang lumuluha ng dugo na ang sabi’y, “Kaahh-ti-puhh-naaan.”

I close my eyes for seconds at binuksan ko ito ulit. I’m pretty sure sa mga nakita ko kaya hindi naman ako natakot. Sanay na naman akong makakita ng mga “ghost”, kung tawagin ng iba. Bata pa lang ako, nakakakita na talaga ako ng mga espiritong paggala-gala and mga elementals. Sabi ng lola ko, namana ko daw sa kanya ang ability ko to see dead people. Sa una, nagugulat pa ako pero nang tumagal, parang normal na lang sa akin. Yes, nakakagulat kasi bigla-bigla silang mag-a-appear but then, hindi sila dapat katakutan. There are times na iniisip kong, baka may unfinished business lang ang karamihan sa kanila kaya nandito pa sila.

Nakita ko silang lima sa harap ko, ganoon pa rin ang itsura pero mas normal na. Pinagmasdan ko sila as if na we’re friends. They’re wearing same clothes, iyong parang mga pantulog ng mga prinsesa sa mga movies na white dress-like clothes but this time, itim naman iyong kanila. They weren’t bloody tulad ng una kong pagkakita sa kanila, maputi sila pero hindi maputla at yes, bulag silang lahat. How do I knew? Simple, because I’m a doctor pero hindi ko specialization ang mata. May mga in-born kasing sakit na pwedeng namamana o talagang hindi lang nadevelop na parte ng katawan ng tao na meron sila ngayon. Sa mga nakikita ko, parang nasakop ng white part iyong pinaka-pupil ng mata kaya hindi sila makakita. Maaaring hindi lang nadevelop iyong mata nila kaya wala silang makita. O pwedeng dahil sa isang aksidente kaya nagkaganyan sila. Pati ba naman sa mga ganitong situation, I need to explain everything? Para lang silang mga normal na babae na nasa harap ko ngayon.

Minsan, or shall I say, kadalasan kasi, masyado lang bloody ang pagkamatay ng isang tao kaya kapag nakikita sila ng mga clairvoyant or psychics, masyadong nakakatakot at nakakagulat. That’s their way para ipakita ang maaaring kinahinatnan nila nang mamatay sila. Pero, as far as I’m concern, tao pa rin sila, in a form of spirit nga lang kasi namatay na sila. Nilapitan ko sila paunti-unti and I ask them, “Bakit kayo nandito? Is there anything I can help you with?” Hindi ko alam kung bakit ko sila tinanong like that. Gusto ko silang kausapin ng natural lang kahit medyo nagugulat pa rin ako sa itsura nila. Ayaw kong takutin pa ang sarili ko, gusto ko lang ng sagot mula sa kanila.

At bigla na lang sila nawala. No doubt, alam nilang nakikita ko sila at hindi ako takot sa kanila kaya nawala sila bigla. They were earthbound entities, iyong mga espirito na nakatawid na sa kabilang buhay pero bumalik dahil sa may unfinished business sila sa mundo natin. Hindi sila mga playback ghost dahil lagi naman akong napapadaan sa lugar na ito, same time tulad ngayon, pero hindi ko naman sila na-e-encounter. At lalo namang hindi sila thoughtforms lang o gawa lang ng pag-iisip ko.

Wait, iyong batang lalaki? Then lumingon-lingon ako. Wala naman akong nakitang kahit sino sa paligid ko. I decided to go upstairs para mapuntahan na sina Adella. For sure, kailangan na nila ang help ko.

--

Kakatapos lang ng ulan ng umalis kaming apat sa bahay at naiwan doon si Juan. Hindi ba siya natatakot habang kasama ang bangkay ni Nanang doon? Kakaiba talaga iyong kaibigan kong iyon. Kahit minsan weird iyon eh may tapang din palang tinatago. Nasa kanan ko si Sir Yael, sa harap niya si Miss Adella at sa harap ko naman si Cay. Tahimik lang kaming naglalakad sa kahabaan ng kalye habang amoy lupa pa ang buong paligid. Kakatapos lang kasi ng ulan, ‘di ba nga? Malapit na kami sa simbahan nang nagsalita si Cay. “Malapit na magpasukan ulit at malapit na matapos ang semestral break. Babalik tayo sa kanya-kanyang mga buhay natin. Ano bang balak niyo?”

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon