Pagkalipas ng ilang minuto ng paghihintay, hindi pa rin sila dumarating. Bored na bored na talaga ako kahit pa nakikinig na ako ng mga kanta sa playlist ko. Nandito kaming apat, naghihintay sa kanila. Kung hindi lang talaga mahalaga sa akin ang pamilyang ito, kanina pa ako naunang kumain. Oo, pamilya na nga ang tawag ko sa kanila kahit hindi pa kami sobrang united as one. Kahit halos ilang oras pa lang kami magkakasama, naramdaman ko namang pwede ko na silang matawag na pamilya. Bakit ba ako nagdradrama ngayon? Nahawa na naman ako kay Juan. Naglaro muna ako ng 2048 sa phone ko habang pilit ko pa ring pinapatay ang boredom ko sa katawan kakahintay sa mga mokong na iyon.
Maya-maya ay may narinig akong sasakyan na pumarada sa harap ng boarding house namin. Para na nga palang mansion iyong boarding house namin. Ang laki pala talaga, ngayon ko lang napagtanto. Eh kung bakit Malaki, basta Malaki. Magulo na po ang pag-iisip ko, pasensiya na. “Nandiyan na yata sila. Tara Nanang, puntahan natin.” Tumayo na si Juan at isinama si Aling Miki sa labas para salubungin iyong mga magagandang babae. Kapag hindi pa sila iyong dumating, ipapasunog ko ang bahay na ‘to. Inaliw ko na lang ang sarili ko sa pakikinig ulit ng mga kanta. Na-bore din kasi ako sa paglalaro ng 2048.
Mabuti pa ay kausapin ko na lang itong kapatid ko. “Kuya, hindi mo ba naging chicas iyang si Ate Adella?” Gusto ko lang malaman para hindi ko na pormahan. Hindi naman po sa pagmamayabang pero may itsura naman po ako. Singkit ako tapos maangas din ngumiti. Hindi po ako chickboy o iyong habulin ng babae pero marami din naman pong nagkakagusto sa akin.
Napatingin sa akin ng masama iyong kuya ko, tinanggal niya iyong earphones niya at sinagot ako. “Hey, what are you talking about? Magkatrabaho lang kami ng Ate Adella mo. Yes, we are friends mula noong mga bata pa kami pero hindi naman nagkaroon ng sira ang ulo ko para ligawan man lang iyan.” At inakbayan niya ako. “Alam mo, gutom lang iyan. Mahirap ka pala kapag nalilipasan.” Naamoy ko na naman iyong ulam na nakatakip sa mesa, naramdaman ko na naman iyong matinding gutom.
“Pero sa tingin mo bro, talagang may dahilan kung bakit nating nararanasan iyong mga bagay na ‘to? Iyong mga ilusyon natin kanina, hindi lang ba sila dala ng gutom?” I bring this topic para naman din mas malinaw sa aming magkapatid kung ano iyong mga naranasan namin. “At tsaka iyong related ability na telepathy, sa palagay mo, meron talaga tayo niyon o dala lang talaga ng mga common stress na naranasan natin kanina?” Alam kong nagtapos si Kuya Yael ng kursong MASSCOM kahit hindi naman niya gusto. At sigurado naman akong marami siyang maikwekwento sa akin ngayon.
Napakamot siya ng ulo bago niya ako sinagot. “Kahit ayaw kong maniwala noong una, because I didn’t imagine it to happen, wala naman akong iba pang masasabi sa ilusyon natin kanina na may nakatarak na payong sa katawan ni Aling Miki. She’s alive at wala na akong masasabi pa. At naniniwala din akong nagkaroon tayo ng telepathic experiences kanina. Ikaw kasi iyong nagsimula at parang nadamay lang ako. If this circumstances na ako or ikaw ay magkaranas ulit ng mga ganitong telepathic phenomenas, maaaring meron nga tayo nito. Marami kasi ang nagsasabi na gift ito na each and everyone of us ay meron. Meron din namang iba na nagsasabi na sumpa ito dahil masyadong traumatic iyong mga nagiging karanasan nila dahil sa sinasabi nating abilities. Pero kung ano’t-ano pa man ang maging abilities natin, dapat ay matuto tayong tanggapin ito whole-heartedly.” Ngayon ko lang narinig na mag-explain si Kuya Yael. Nakakamangha pala siya magsalita. Mas magaling pa siya doon sa philosophy professor namin last semester. Kung magiging professor lang siya sa PUP, dadami pa ang aktibista sa amin. Eye-opener kasi siya para sa akin ngayong gabi.
Dumating na sila Aling Miki kasama sina Veny at Ate Adella. At ang surprise yata ngayong gabi, eh iyong dalawang bwisita ba o bisita nilang kasama nila ngayon. Akala ko, isa lang iyong kasama nila, may isa pa palang asungot. Hindi ko alam pero parang hindi ko gusto ang tabas ng mukha niya. Iyong babae, pwede pa, pero iyong lalaking kasama niya, Malabo tayo diyan pards. “Hi guys. I’m Perry Sylverio and this is my friend, Recko.” Si Kuya Yael, nag-smile kahit papaano, pero ako, nag-wave lang ng kamay. Hindi naman sa ayaw ko ng mga bisita pero, ang dami na namin, makikigulo pa sila? Well, kung bisita, oh edi bisita.

BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
ParanormalHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.