“Nurse! Nag-collapse iyong patient sa Room 204.” Medyo natakot ako sa mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. Iyong banggaan sa Teresa with Juan, tapos iyong kay Yael, hindi kaya magka-connect iyong mga iyon? May possibility dahil halos parehas iyong nangyari between the two victims. Tapos taxi din ang vehicle na nabangga. Ang kinaibahan lang ay taxi driver on Yael’s incident was having an hallucination nang nangyari iyon while iyong kay Juan, lasing ang driver. Let’s do some investigation kapag naging okay na lahat ditto sa hospital.

Tumawag ng doctor iyong nurse and pumunta na kami sa Room 204. Naabutan naming tulog iyong matanda at si Juan, nakahiga sa bed wearing a shirt and shorts. It’s like he wants to escape from here pero hindi siya sinuwerte. Chineck ng doctor si Juan and while she’s doing her job, Tinabihan ko si Nanang.

“He’s okay. Pero mahina ang puso niya. I suggest na mag-stay muna siya ditto and we’ll run some test para makasiguradong magiging okay ang patient kapag nilabas siya. It’s okay din naman iuwi niyo na siya basta pangalagaan niyo lang iyong heart niya.” Sabi ng doctor and then she exited as well.

Maya-maya pa ay dumating na si Yael na may dalang food for us. “Ano daw sabi ng doctor?” Inilapag niya iyong pagkain sa side table katabi ng kama.

I stand next to him and say, “Mahina daw ang puso ng batang ito. Kaya kailangan natin siyang bantayan.”

Hinarap niya ako at with blank eyes and say, “Sino ba itong bata, I mean, itong lalaking ito. Hindi na siya bata, kasing height ko nga lang.”

“Siya iyong ibinalita nating lahat, lahat ng mga channels na biktima ng banggaan sa Teresa last November 1, 2014. Ibinalita lang naman nating patay na siya but then, he’s here, buhay.“ Umupo kami sa tabi ni Nanang pero bago iyon ay kumuha muna ng blanket si Yael at kinumot sa kanya. Katabi niya si Nanang at katabi ko siya.

“Kailangan pa ba nating ibalita na mali iyong news?”

“Ofcourse we need to do it. Mamaya kasi nagluluksa na iyong family niyan at mga kamag-anak then hindi pa pala siya patay. At dahil ko iyan inalagaan para tayo ang may scoop ng balitang ito. Although it’s an ordinary news, tapos may bali, for sure na tataas ratings natin for doing this.”

Nabasa ko sa expressions niya na parang hindi siya sang-ayon. “Yes it is our duty. Alam ba niya ito?”

I nod. “Ofcourse, sinabi ko sa kanya iyon. At alam niyang mabuti naman ang hangarin natin.”

“Sa tingin ko hindi siya masayang ipakita ang mukha niya sa mundo after nating ibalita na patay na siya.” Naramdaman ko ang sincerity sa boses niya. Ngayon ko na ang ulit naramdaman iyong sadness niya after long years of being separated from him. He has a point. Mabuti sigurong kausapin naming si Juan para malaman iyong side niya.

Maya-maya pa ay nagising na si Juan. Tahimik lang siya and not like noong pagkikita namin na masyado siyang active. Sumenyas siya ng tubig, meaning he’s thirsty. Kumuha ako ng baso and fill it with the water from the pitcher on the side table. Ibinigay ko ito sa kanya at inalalayan ko siyang umupo pero he insist. Lumayo ako ng kaunti and let him sit on his own.

Maya-maya ay bigla siyang nagpanic at ang sabi’y, “Si Nanang! Okay lang ba siya?”

“Yes, she’s okay. Nandito lang siya natutulog.” Tumabi na sa akin si Yael and help me explain everything.

“Hindi ba siya nasaktan o nabalian ng buto?” He’s acting so strange now. May iba sa batang ito.

“Anong sinasabi mo? Ligtas naman nakarating ditto sa ospital iyong Nanang mo.” Yael says.

Unti-unti siyang bumaba sa kama niya at lumapit kay Nanang niya.” Kanina kasi noong palabas na ako ng pintuan…”

“At sinubukan mong tumakas from us.” I interrupted for a second.

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon