Wait, iyong batang lalaki? Then lumingon-lingon ako. Wala naman akong nakitang kahit sino sa paligid ko. I decided to go upstairs para mapuntahan na sina Adella. For sure, kailangan na nila ang help ko.

Nang nasa ground floor na ako, biglang may tumawag sa akin at pagtingin ko, isang nurse lang pala na parang ngayon ko lang nakita. Nilapitan niya ako at nagpakilala sa akin. “Hi, ma’am. Ako po si Recko Sta. Maria, bago pong nurse dito sa ospital. Pwede ko po ba kayong makausap?” Mabait naman siya at mukha namang hindi gagawa ng kalokohan kaya pumayag akong makausap. Hindi ko siya lalandiin kung iniisip man ninyo ‘yon. I’m a professional kaya dapat kumilos ako ng tama. May itsura siya at pwedeng mag-artista pero excuse me, hindi po siya iyong tipo ko. Anyway, umupo kami sa  isang bench sa harap ng counter para doon mag-usap.

“Okay, bago kang nurse dito. Paano kita matutulungan? Is there anything that I can help?” Tapos na ang duty ko pero pati ba naman dito, hinahabol pa rin ako ng mga patients ko? O Baka over-reacting lang ko?

“Ma’am, actually po, hindi po talaga ako nurse dito sa ospital na ito. Nagdamit pang-nurse lang po ako para mas madali ko kayong makausap.”

“Edi sana sinabi mo na lang sa akin ng maaga. Kahit naman hindi naka-uniform ng pang-nurse, kakausapin naman kita. Sige, sabihin mo iyong needs mo at as long as kaya ng powers ko, tutulong ako.” Nakita ko iyong honesty sa mga eyes niya kaya mas lalo akong naging interesado sa mga sasabihin niya. Parang kasing may mali pero hahayaan ko muna siyang magkwento.

“Ganito po kasi iyon.” Huminga muna siya ng malalim at nag-sigh bago nagkwento. “May mga anak po kasi iyong mama ko sa ibang lalaki. Tapos, noong namatay si mama, sinabi niyang hanapin ko daw iyong mga kapatid ko. Kahit labag po sa loob ko, pinilit ko pa rin pong hanapin iyong mga kapatid ko sa ina. Hanggang dumating po sa puntong dinala ako ng pagtatanong at pagiimbestiga ko dito sa hospital ninyo. Maaari niyo po ba akong matulungan na mahanap sila?”

Suspicious iyong kwento niya kasi parang hindi totoo. Mukha namang sincere talaga siya at hindi lang gumagawa ng kwento. Hindi naman siguro ito budol-budol gang. ‘Wag naman po sana. “Kuya, tinawag mo ako kanina, right? At isa pa, paano mo nalaman iyong pangalan ko ng tawagin mo ako kanina? Hindi ka naman mukhang budol-budol pero naninigurado lang ako. Marami na kasing cases na ganyan dito sa Maynila.” Mabuti ng alam niya iyong iniisip ko. Siguro iyong iba sa inyo iniisip na bakit ko sinabi iyong nasa isip ko. Gusto ko lang maging truthful sa kanya, that’s it. Para mahiya naman siyang pagnakawan ako kung sakaling may balak siya.

“May trabaho naman po akong disente ma’am. Gusto ko nga palang ipakilala iyong sarili ko sa inyo.” He pause for a while and he proceed. “Hi, I’m Doctor Recko Sta. Maria, ang resident psychologist niyo dito.” And I was like, bakit hindi niya agad sinabing doktor siya para hindi ko na siya pinaghinalaan. Nakakahiya! Kung hindi ako nagkakamali, siya iyong laging nababanggit ng mga babaeng nurse kapag nagpupunta ako ng canteen. Siya yata iyong sinasabi nilang, Mr. Potpot kasi ang cute daw ng cheeks niya.

Noong una, I found myself just staring at him. Iyong parang wala na akong mukhang maihaharap sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ko. Pero I need to compose myself. “I’m Doctor Perry Sylverio, ang resident paediatrician dito. Okay, tatanungin ulit kita. Bakit ka pa nagdamit pang-nurse kung doctor ka naman pala dito? What’s the purpose?” Wala na akong maitanong. Act like a pro, and escape like a ninja. Naaalala ko lang iyong nabasa kong quotation sa facebook kagabi. Kailangan kong kumalma, inhale… exhale…

“May mga pasyente kasi akong takot sa doktor kaya I used to wear clothes na pang nurse para kapag ini-interview ko sila, iisipin nilang ipinadalang nurse lang talaga ako ng doctor at I will do no harm to them. Minsan kasi, nagiging stereotype na nakakatakot daw ang mga psychologists kasi kumikilos na daw kaming parang baliw. Anyway, matutulungan mo ba ako?” Nakatulala lang ako sa kanya all the time kasi namamangha ako kung paano siya magsalita. Para siyang iyong cum laude namin dati na kalog pero may poise at may sense kapag nagsalita. I was like, why didn’t I become like him?

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon