Isang babaeng nakasabit, nakatiwarik sa kisame ng aking kwarto, ang mga buhok ay nakalawit mula sa kanyang ulo, duguan ang mga mata, kulay puti ang mga ito at nakasuot ng isang kulay putting damit pangkasal at lumuluha ng dugong nakatingin sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Iyon ang una kong pagkakataon na makakita ng ganoon. Tumigil ang tibok ng puso ko at nahulog ako sa isang malaking butas. Pinilit kong sumigaw ngunit walang boses na lumalabas sa aking bibig.Isang malaking butas na walang kawalan. Lahat ng dugo ko sa katawan ang parang pumunta lahat sa ulo at bumagsak ako sa isang kama. Pumikit ao at ramdam ko ang bigat ng aking paghinga na parang ngayon na lang ulit nangyari. Pawis na pawis ako at malamig ang katawan ko.

Ilang minuto lang ang lumipas at unti-unti kong iminulat ang aking mata. Malabo ang aking paningin. tut...tut...tut...tut...tut...tut.. Patuloy lang na humahalinhin sa tengga ko ang tunog na iyon. Maya-maya pa ay luminaw na ang aking paningin. Luminga-linga ako at nakita ko ang isang babaeng nakaputi sa gilid ko.

"Juan! Juan!" niyugyug ako ng babaeng iyon na hindi ko naman kilala. "Doc! Doc! Gising na si Juan!" Tumayo siya at nagtawag ng doctor.

Masakit pa ang katawan ko at pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang trip. Parang nag-gala ako sa Cubao tapos puro lakad ang nangyari. Iginalaw-galaw ko ang aking mga kamay at maswerte namang hindi ito na-injured at kung hindi, baka tumigil ako sa college.

Bumalik iyong babae kasama ang isang doctor at chineck-up ako.

"He's fine. Himala kung ituturing na na-I-revive pa natin ang patient after ibalitang patay na siya. Buti na lang at lumaban ang patient at iyon siguro ang naging dahilan kaya buhay pa siya." Explains the doctor sa babaeng ito. Hindi ko siya kilala. Pero bakit nandito siya ngayon? Kamag-anak ko ba siya? Tita?

 

Tumingin siya sa akin at hinawakan ang aking kamay. Agad ko naming binawi ang aking kamay at tinanong siya. "Sino ka po? Bakit ka nandito? Bakit po ako nandito ngayon?"

"Ako si Miss Adella Rodrigues. Remember me? I'm a Masscom Graduate and we're from the same school." Paliwanag niya nang may ngiti sa mga labi.

"Oh, eh bakit ka po nandito? Ikaw ba ang nagdala sa akin ditto?" Tinanong ko ulit siya.Gusto kong maging makulit. Mahilig kasi akong maging matanong lalo na kapag nalalagay sa mga ganitong sitwasyon.

"Noong nabangga iyong sinasakyan mong taxi noong isang araw, isa ang team namin sa mga channels na nagcover ng insidente. November 3 na ngayon. And since nacurious ako sa victims ng nasabing incident, sinundan ko iyong ambulance na nagdala sa'yo ditto sa hospital. After several hours mula ng iwan kita dito, wala pa ring nagkeclaim na kamag-anak mo kaya ako ang nagpresentang kamag-anak mo just to get this news ahead of any channels." Mahaba niyang paliwanag.

"Baliw ka rin eh ano. Nanganib na nga ang buhay ko, iyang scoop-scoop na iyan pa rin ang nasa isip mo. Bakit hindi nila tinawagan iyong number na nakalagay sa I.D. ko?"

"It's just..." She hide her face on me at kumuha ng tubig sa pitsel at binigay sa akin. "walang nakitang I.D sa pinangyarihan ng incident kahapon kaya wala kaming matawagang guardian mo. May tanong ka pa?" 

Umupo ako sa kama ko at ininom ang tubig na inabot niya."Salamat."

Oatmeals and BrushesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon