After we parted, nagmadali na kaming puntahan iyong friend ko na doctor, si Perry. Kasama ko ngayon si Veny at iyong dalawang boys, pinauna ko na silang pabalikin sa bahay to check kung ano na ang kalagayan ni Aling Miki. Nang mapagod ako sa paglalakad, tinanong ko si Veny. “Tawag na tayo ng tricycle?”
Hindi siya sumagot and just ignore what I say. At bakit naman niya ako i-ignore? Dahil sa ginawa ko sa kanya kanina na pagtakip sa mouth niya kasi ang ingay-ingay niya? Para rin naman sa kanya iyon. Tinignan ko siya at parang wala siya sa sarili niya kaya tinapakan ko iyong paa niya. “Aray! Ano bang problema mo? Bakit mo ako tinapakan?”
“Para ka kasing wala sa sarili mo. Kanina ka pa nakatulala sa kawalan. If you don’t mind, sino ba iyang iniisip mo? Iyong crush mo sa school na hindi ka pinapansin?” Gusto ko lang may mapag-usapan kaya I tried na magbukas ng bagong topic at hindi puro na lang kadramahan iyong pinag-uusapan namin. Heto talagang araw na ito ang pinakamabigat na araw ng buhay ko.
“May crush ako pero taga-CEA, hindi taga-COC at hindi din taga-main. Taga-CEA, at tama ka, hindi niya ako pinapansin.Teka, paano mo nalaman?” For the win, may napag-usapan din kaming out of the box. Hindi naman sa ayaw ko ng drama or wala akong concern sa mga nangyari kay Aling Miki. Gusto ko lang sana maiba naman iyong atmosphere ng paligid.
Naalala ko bigla na may mga random pictures ako ng mga kaibigan ko sa facebook ang naka-sync sa mga contacts ko. Agad kong kinuha iyong phone ko in my bag and search some contacts at may may ipinakita akong picture kay Veny. “Siya ba iyong tinutukoy mo? Siya ba iyong crush mo na hindi ka pinapansin?”
At biglla na lang niya akong hinampas sa balikat with matching hablot ng buhok ko sabay tawa. “Paano mo nalaman na siya iyon… teka, pinakialaman mo ba iyong phone ko kanina?” Inayos ko iyong buhok ko kasi nagulo ng kaunti when she grabs it kanina. Bumabawi yata ang batang ito sa akin. Pagbibigyan kita ngayon. Ibinalik ko na iyong phone ko sa bag and we stop on the middle of the road.
“For your information, hindi ko ginagalaw iyong phone mo. At may sarili naman akong phone para galawin ko pa iyong iyo.” Nainis ako bigla kasi parang sinabunutan pa niya ako sabay hampas sa balikat. Namumuro na itong babaeng ito simula kaninang lunch. No, I need to be professional.Nauna na akong maglakad sa kanya at kunyari hindi ko siya nakiktia.
“Wait. Sorry na. Kahit kasi iyong mga kaibigan ko hindi naman nila alam iyong crush ko at wala akong crush na taga-CEA pagkatapos, biglang ikaw,malalaman mong crush ko siya. Nahampas lang naman kita at nasabunutan kasi bigla akong kinilig nang makita ko iyong picture niya. Sorry na, please?” Hindi ko pa rin siya pinapansin that time kasi medyo nainis kasi ako. For a girl na Malaki na, dapat hindi na siya ganyan kumilos na parang bata. We, professionals, dapat tinuturing na kami with respect.
Pero at the end of this mindset, wala naman akong magagawa kung hindi tanggapin iyong sorry niya. EMdyo mataas po iyong pride ko minsan pero kapag narinig ko na iyong sorry, kahit iyong pinakakinaiinisan kong tao ang magsabi, napapatwad ko. I don’t know why pero lumalambot ang puso ko bigla. I stopped walking at pati rin siya napatigil. Nakita ko sa gilid ng akong sight na nakatingin lang siya sa akin, waiting for forgiveness. Naalala ko tuloy iyong character sa movie na Shrek, iyong pusa na nag-beautiful eyes, parang gano’n siya ngayon. Nilingon ko siya at tinignan sa mga mata. “Sorry accepted.” And a sudden smile drew on her face. I touch her chin and say, “Next time Veny, ‘wag kang bigla na lang mangjhahampas at manghahablot ng buhok. Hindi ka na kasi bata, you’re all grown-up. Lady ka na nga kung titignan. Ang ganda mo pa naman. Learn how to respect other people para hindi ka minamaliit ng iba lalo na’t mga babae tayo. Kapag kasi nag-impose ka ng kerengkeng type sa mga tao lalo na sa mga lalaki, hindi ka nila igagalang as a lady, but as a girl. Ang batang babae, okay lang magharot ng tulad ng ginawa mo kanina, pero ang lady, pwede ding magharot, in a more feminine way. Di you get my point?”

BINABASA MO ANG
Oatmeals and Brushes
ParanormalHindi ako mahilig sa mga horror stories at lalong hindi ako naniniwala sa mga kababalaghan. Pero mula ng maranasan ko ang tinatawag na takot, nagbago ang lahat.