Prologue

4.8K 135 55
                                    

"Tulong! Tulungan niyo ako!"
Sigaw ng isang babae na pinagtulungan ng limang lalaki.
Pilit nitong tinanggal ang damit niya.

"W--wag po. Maawa po kayo sa akin."
Pagmamakaawa nito pero tila bingi ang mga 'to dahil pinagpatuloy nito ang ginawa.

Napaiyak na ang babae nang mahubad na ang pang-itaas niyang damit. Tanging natira lang ay ang suot niyang tube at mahabang palda.

"Hanep pre ang kinis!"nakangising sambit ng isa.

"Tiba-tiba tayo nito, mukhang birhen pa."

Inihiga nila ang babae sa semento. Nagpumiglas siya pero hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila niyang kamay.

"W--wa--wag po. M--maawa po kayo."

"Wag kang mag-alala miss, dadalhin kita sa langit."

Hinalikan siya ng lalaki sa leeg.
Walang ibang nagawa ang babae kundi ang pumikit at hayaang dumaloy ang luha sa pisngi.

Akmang tatangalin nito ang suot niyang tube nang may biglang sumipa sa lalaki.

Napadilat siya at dali-dali tumayo. Isang lalaki na nakasuot ng itim na damit at pulang maskara ang kanyang nakita. Lumapit ito sa kanya at binigyan siya ng jacket.

"Go."
Malamig nitong saad.

"S--salamat."

Pinahid niya ang luha at mabilis na nilisan ang lugar.

"S--sino ka?"

Tinanggal ng lalaki ang suot niyang maskara at hinarap ang limang lalaki kanina.

Sumibol ang dalawang pangil niya at nagsitaasan ang kuko sa kamay. Ang maitim niyang mata ay naging kulay dugo.

Kita sa mukha ng mga lalaki ang takot.

"H--h--halimaw!"

Ngumisi ang lalaki. Sa isang iglap lang ay nasa harapan na siya ng mga ito.
Hinawakan niya sa leeg ang lalaking pinakamalapit sa kanya at kinagat sa leeg. Sinisip niya ang dugo nito.

Akmang tatakbo ang apat pero hinarangan niya ito at hiniwa ang leeg gamit ang matulis na kuko.
Nagsitalsikan ang dugo sa mukha niya.

Isang lalaki na lang natira. Umatras ito hanggang sa masandal ito sa pader. Humugot ito ng kutsilyo at itinutok sa kanya.

"A--an--anong kailangan mo? Si-sino ka?"
Nauutal nitong tanong.

Hinawakan niya ang kutsilyo at binaliktad papunta sa lalaki. Nanlaki ang mata nito.

"You'll know."

Nakadilat ang matang natumba ito sa sahig.
Hinugot niya ang kutsilyo at dinilaan ang natirang dugo.

"No one dared to ask me."

A/N: hello! Gaya ng sinabi ko gagawan ko ng book 3 ang GU. So here it is!

Sana magustuhan niyo. Hindi pa ako masyadong magaling sa vampire genre kaya pagpasensyahn niyo na kung pangit mn.

But still, sana suportahan niyo pa rin

Enjoy reading. Votes and comments are highly appreciated:

-GDlady☺

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon