Chapter 21: Guarding a Demon

1.1K 46 4
                                    

(Kamenashi Kazuya as Raiden❤☝)

Raiden's POV

Kanina pa ako nakatitig kay Lexi na nakahiga sa kama. Tatlong araw na siyang nakahilata at hanggang ngayon wala pa rin siyang malay.

Hinawakan ko ang leeg niya na may marka ng ngipin. Malungkot akong napangiti.

"Gomena,"

Tutol kami sa pagbuhay nila sa kanya bilang bampira. Mahirap mamuhay sa dilim, pero ito ang gusto ni Vaghn. Wala na kaming magagawa.

Tumayo na ako nang makita ko si Vaghn na nakasandal sa pintuan, seryosong nakatingin sa akin.
Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig.

"Rai--"

"Alam mo ba ang magiging kalabasan ng ginawa mo, Dark?" Humarap ako sa kanya.

"Maaari siyang pumatay ng maraming tao. Sana-- "
Isang malakas na kalabog ang narinig namin mula sa itaas. Nagkatinginan kami at sabay na tumakbo papunta sa itaas.

Bumungad sa amin ang sirang kama, at basag na bintana na nagkalat sa sahig.

"L---Lexi-"

Napaatras ako nang lumingon siya sa akin. Pula ang mata niya at may dugo sa bibig.
"Anong--"
Bumaba ang tingin ko sa braso niya, nanlaki ang mata ko. May malaki itong sugat. Ang dugo niya ay patuloy na tumutulo sa sahig. Napalitan ang takot ko ng awa.
"L--L--Lex--"

"B---b---bakit ako---bakit ako ganito? Ba--bakit ako---" tumulo ang luha sa mata niya. Lalapitan ko sana siya pero inunahan na ako ni Vaghn.

"You're alive."

Niyakap niya ito nang mahigpit. Tumalikod na lang ako at lumabas ng kwarto.

"Oh Rai, bakit parang binagsakan ng langit 'yang mukha mo?"tanong ni Jace.

"Wala."
Umupo ako sa sofa at nanood ang tv. Naramdaman ko namang tumabi siya sa akin.

"Sigurado ka? Oo nga pala, ano 'yong narinig naming kalabog. Gising na ba siya?"

Tumango ako. Bigla naman siyang natahimik.
"T---talaga? Ano---a-anong itsura niya? Ka---"

"Ganoon pa rin." Putol ko.

"Buti naman, akala ko kaugali na niya si Vaghn."

Sana nga.
Sana siya pa rin ang tangang babae na nakilala ko.

"Hindi! Bitawan mo ako! H---hindi ako 'to! Anong ginawa niyo sa akin?"sigaw ni Lexi mula sa itaas.

Bumuntong-hininga ako.

"Ra---Rai, hindi ba natin tatawagin si tita? Baka--"

"Shut up, Jace. May isa pang demonyo dito."suway ko at tumingin sa itaas.
Ano ng gagawin mo ngayon, Vaghn?

"Wahhhhh! Rai! Tulungan mo ako!"
Napabalikwas ako ng bangon nang marinig kong sumigaw si Jace.

"Anong nangyayari---" uminit ang ulo ko nang makita ko siyang nakaupo sa sahig hawak-hawak ang isang ipis.
"Puta Jace, bakla ka ba? Bwesit, sarap ng tulog ko dinistorbo mo pa!"

Bakit kasi sa akin pa nakitulog ang isip-bata na 'to. Pwede naman siya kina Cian.

Sa hide-out siya kadalasan matutulog pero dahil nandoon si Lexi at Vaghn, dito muna siya. Ayoko sana, pero si papa. Lagot ako noon, kaya umo-oo na lang ako. Tangina talaga.

"Nagugutom ako, Rai. Pwede---"

"Kumain ka kung gusto mong kumain. At isang sigaw pa, Jace itatapon na talaga kita palabas."

G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon