Lexi's POV
Mahigpit na nakahawak ang dalawa kong kamay sa suot kong itim na backless dress. Pinagpawisan na ang kamay ko sa kaba. Ewan kinakabahan na talaga ako.
Papunta kami ngayon kung saan gaganapin ang party. Nakasakay ako sa limousine katabi si Vaghn na nakasuot ng itim na tuxedo at puting maskara. Ang hot niyang tingnan. Bakas na bakas ang malalpad niyang dibdib.
"Stop staring."
"Tss."
Kating-kati na talaga ako sa suot ko, gusto ko na itong hubarin. Lalo na ang suot kong itim na maskara na sagabal sa mukha ko.Mabuti pa si Vaghn, nanatili lang siyang kalmado. Sanay na kasi sa ganitong okasyon. Anak-mayaman eh, samantalang ako---hayy nevermind.
"We're here."
Wika ng driver.Huminga ako nang malalim at lumabas na ng sasakyan. Lalong umusbong ang kaba sa dibdib ko nang makita ko ang mga taong nakasuot ng mga magagarbong damit habang papasok sa loob ng malaking mansion.
Napakagat ako sa labi ko. Umatras ako nang may biglang humawak sa kanan kong kamay. Gulat na napatingin ako kay Vaghn.
"You're trembling."
Aniya.I'm dying, jerk. I'm dying because of nervous.
"Let's go."
Magkahawak ang kamay na naglakad kami papasok. Yumuko ako ng bahagya nang mapansin kong nakatingin sa amin ang mga tao. Sino ba naman kasi ang hindi kong kami lang dalawa ang naiiba. Lahat ng babae, nakahawak sa braso ng kasama nila. Eh ako, nakahawak sa kamay niya.
Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero lalo lang niya itong hinigpitan.
"Vaghn!"
May tatlong lalaki ang naglakad palapit sa amin, sila Cian. Kahit may suot silang maskara, nakilala ko pa rin sila dahil sa kulay ng buhok at tindig ng katawan.
"Kasama mo pala ang mama mo."
Teka--mama? Mukha ba akong matanda?
Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko at hinalikan.
"Good evening tita---"
"She's not the old lady, tsk."
Putol ni Vaghn.Napatitig naman siya sa akin at akmang tatanggalin ang maskara ko nang pinigilan siya ni Vaghn.
"Do you want to kill her?"
Nagkatitigan silang dalawa. Unang umiwas ng tingin si Cian.
"Sino siya? Wag mong sabihing girlfriend mo?"
Tanong ni Jace"Tsk. Cut it. Where's Mr. Del Valle?"
Malamig niyang tanong.Kita kong sumeryoso ang mukha nilang apat. May inilagay siya sa bag ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kong isa itong baril.
"T--t--teka a---ano--"
"Raiden, stay with her. Jace, Cian, come with me."
"Teka--"
Umalis na silang tatlo. Kami na lang ni Raiden ang naiwan. Nakaramdam ako ng pagkailang nang makita kong nakatitig siya sa akin.
"You're Lexi, right?"
"Kilala mo ako?"
Eh bakit ang Cian na 'yon, hindi.
Napagkamalan pa akong si Maam Zheira."Let's get inside. The Auction is about to start."
Auction? Anong auction? Akala ko ba party?
Magtatanong pa sana ako sa kanya nang inilagay niya ang kamay ko sa ilalim ng balikat niya, 'yong pang-kasal na estilo, at ginaya ako papasok.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...