Lexi's POV
"So--s--sorry,"mahina kong saad habang nakayuko.
"Sorry, talaga."
Ramdam ko ang titig na ipinukol niya sa akin kaya lalo akong kinabahan. Hindi pa siya nagsasalita mula ng pumunta kami rito sa bahay niya. Hindi ko masabi kung galit ba siya o hindi.
Baka mamaya bigla siyang lumapit sa akin at kagatin ako sa leeg o kaya sakalin niya ako. Pwede ring kunin niya lahat ng lamang-loob ko at kainin. Pero teka, kumakain ba ng lamang-loob ang mga bampira? Pa---
"Can I really do that?"
Bigla niyang tanong."Huh?"
"Can I really kill you like that?"
Hindi ako nakapagsalita. 'Yong dibdib ko parang sumabog na sa kaba. Wala pa naman si manang.
"Hehehe--n--n--nagbibiro ka ba? Na--nakakatawa."
Seryoso lang ang mukha niya. Umayos ako ng upo at mahigpit na hinawakan ang suot kong palda. Pakiramdam ko maiihi na ako.
"Stupid."
Tumayo siya at nakapamulsang tumingin sa akin.
"Sleep here, it's so dangerous for you to go home."
Pumasok na siya sa kwarto. Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko mamatay na ako.
Pero tama bang dito ako matutulog? Paano kung papasukin niya ako sa kwarto habang tulog tapos---tapos---tapos---makatulog na nga. Kung ano-anu na lang iniisip ko.
Alas-dose na ng gabi pero hindi pa rin ako makatulog. Bumangon ako at binuksan ang bintana. Ang sariwa ng hangin at ang liwanag ng buwan.
"Psst!"
Napatingin ako sa may garden nang makarinig ako ng sitsit.
"Psst!"
Dala ng kuryosidad ay lumabas ako ng bahay. Pagdating ko ay wala akong nakita maliban sa isang nakaipit na papel. Nakaipit ito sa isang sanga. Kinuha ko ito pero hindi ko pa nga ito nabasa ay 'agad ko itong nabitawan.Hindi.
Maaga akong nagising. Nagluto ako ng sunny side-up egg at fried rice.
Inihain ko ito sa mesa. Sakto namang pagbaba ni Vaghn."Kumain ka na. N--niluto ko 'yan para sayo."
Dumiritso lang siya sa cooler at kumuha ng isang bote.
"A--ayaw mo bang kumain? W--wa--walang bawang 'ya--."
Napalunok ako nang makita ko ang dugo na dumaloy sa ibaba ng labi niya.
"O--o--okay," I guess, hindi na niya kailangang kumain."A--ano, alis na ako. Salamat u--ulit sa pagligtas mo sa akin kagabi. Mag-iingat ka." Ngumiti ako ng tipid sa kanya at kinuha ang bag sa sofa.
"S--sige."
Nakadalawang hakbang pa lang ako nang may humawak sa kamay ko.
"Ba--bakit?"
May pagtataka kong tanong.Sinubukan kong hilahin ang kamay ko pero hindi niya ito binibitawan.
"V--Vaghn--"
"Stay here."
Napatitig ako sa mukha niya. 'Di gaya noon, puno ito ng sinseridad at--pagmamakaawa?
"Please,"
Para akong matutunaw sa mga titig niya.
Gusto kong um-oo. Gusto kong sabihin na oo, pero may kung anong bumulong sa isip ko, nagpapaalala. Hindi pwede."May hindi ka pa alam tungkol sa akin. M--marami---na kahit ako, hi--hindi na maaalala."
Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at umatras palayo sa kanya.
BINABASA MO ANG
G.U BOOK 3: The Demon's Den ✅
VampireC O M P L E T E D When you thought staying alive is what matters but then you realize, death is better than living. "Secrets have a cost, it's not for free." Ps. Book 3 of Grave University but you can read this without reading Book 1 & 2 :) Highest...